CHAPTER 90

82 7 0
                                    

FAST FORWARD >>

Nang matapos kami kumain ng pa-gabi na yon umuwi narin kami agad dahil may mga kanya kanyang gagawin pa

Ako magrereview pa rin ng research namin para iwas procastinate, tsaka mas maagang inaral at patuloy parin sa pag aaral hanggang sa kinabukasan na ang research. It makes perfect

Paguwi ko kumain muna ko tapos umakyat na dahil nagreview ako, then di ko namalayan nakatulog pala ako. Pero atleast i know the flow of our research

Minsan tinatamad na ko pumasok, iniisip ko nalang talaga andyan magulang namin ni kuya naghihirap. Lately di ko masyado nakakausap si kuya dahil busy siya graduating eh kagabe di ko naman siya nakasabay sa pagkain sila mama lang

I'm lucky that yung magulang namin ni kuya hindi kailan man kami pinressure sa grado namin

Aga ko rin nakatulog kagabe mga 9 siguro bagsak nako, pero ang sarap sa pakiramdam parang ang energetic ko ngayon

Di nako nagpatumpik tumpik pa at kumilos na ko, dahil pupunta ako sa library

Nang makalipas ang ilang minuto tapos na ko kaya bumaba na ako

"Nak aga mo ah?" Pambabati saken ni mama

"Pupunta po ako library."

"Eh may pera ka pa ba nak? Dagdag mo to oh. Di kayo magkasabay ng kuya mo kase busy eh."

"Di na po pa, kasya na po ito." Sagot ko

Sumubo lang ako ng kaunti at nagpaalam na kila mama

Sakto namang palabas na ko ng village nakita ko si austin, ano ginagawa nito dito? Eh may sasakyan siya

"Hi baby! Good morning!" Bati nito nang makita ako

"Morning, hindi ka ba magsasasakyan?" Tanong ko

"Gagamitin ni papa eh."

Sakto naman na kasabay ko pa siya mag commute ngayon

"Eh ikaw san si bayaw?"

"Anong bayaw ka dyan, busy graduating eh."

"Ganon na din yon, osiya tara na sabayan na kita sa pagcommute pero bat ang aga mo?"

"Punta ko library."

"Sama."

"Ano naman gagawin mo don?"

"Aaralin kita."

"Ano?"

"Este aaralin yung libro kung ano man makita ko don." Aniya nito at ngumisi pa

Nagpara na kami ng trycicle at syempre magkatabi kami sa loob, ngayon ko lang napagtanto ang bango nung pabango ni austin. Hindi siya matapang o masakit sa ilong. And biggest turn on talaga pag mabango yung lalake right girls?

Naging tahimik lang kami sa byahe, hanggang sa makarating sa school. Dahil siguro sobrang aga pa at wala naman kaming pag uusapan

Pagkarating namin sa room kami palang dalawa ang studyante, iniwan nalang muna namin bag namin at pumunta na sa library

Pagpunta namin don naghanap agad ako ng pwedeng mabasa, ngunit napansin ko laging nakabuntot si austin sa akin

"Sinusundan mo ba ko?" Tanong ko

"H-Ha? Hindi ah! Naghahanap kase ako ng libro." Sagot nito

Tatango tango nalang ako dito, at finally nahanap ko na yung librong babasahin ako. Napalingon naman ako kay austin at nakahanap narin to. Coincidence magkatabi gusto namin?

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Where stories live. Discover now