Chapter 96 (Keighan's 1 month starting)

61 5 0
                                    

Naging sandali o parang segundo lang ang isang buwan ni dreiden upang mapatunayan niya ang pagmamahal niya sa akin, aaminin kong sa sandaling iyon nakalimutan ko na may nararamdaman ako kay austin na para bang nalipat yung atensyon ko kay dreiden

Ito yung dahilan kung bakit hanggat maaari ayoko ng manliligaw na hihigit sa isa, dahil kahit anong gawin ko may masasaktan talaga at di niya yon deserve. Turn na ni keighan ngayon january, pero pinaubaya niya yung bagong taon dahil para makasama ko daw ang pamilya ko ng maayos

Natapos na ang break na bigay sa amin ng school kasabay non ang isang buwan ni dreiden na natapos na rin. Sa loob ng buwan na yon, mas lalo ko pang nakilala si dreiden. Kung close na kami, mas naging close pa at naging comfortable sa isa't isa. Last date namin yung sa star city, na kung saan nagkaroon ako ng first kiss. At sa mga araw na nagdaan naman naging simple na date lang kami pero dahil mayaman si dreiden, nakakakain ako sa mga mamahaling restaurant. Kasama na rin ang pagharana nito sa akin ng madalas

Ngayong araw naman ang start ni keighan sa akin, hindi ko alam kung mabibigyan ko ng chance si keighan. Iniisip ko talaga, mukhang kaibigan lang talaga turing ko sa kanya.

Nag ayos na ako at nang matapos ay sabay na kaming pumasok ni kuya

"Kumusta puso mo kay dreiden?" Biglang tanong nito

"Lalo akong nalito kuya." Buntong hininga kong sagot

"Hay, bakit ba kasi ang pogi at ganda ng anak nila mama. Ang hirap tuloy, alam mo problema ko rin yan." Iiling iling na sabi ni kuya

Nagulat naman ako nang magsalita si yuri na nasa harapan na namin

"Anong problema mo?" Seryosong tanong ni yuri

"Ah love hehe, joke lang. Dinadamayan ko lang kapatid ko."

Tumango naman si yuri na kala mo naniwala na, pero wag kayo deep inside inis yan

"Omyyy gorl miss youuu huhu tagal nating di nagkita! Kumusta ano ganap sa inyo ni papa d?" Tanong nito

"Okay naman kaso.."

"Kaso?"

"Maya ko kwento." Dugtong ko

"Hoy hoy isusumbong kita kila mama nagsisikreto ka na saken ha." Singit ni kuya

Tinitigan naman ito ni yuri ng seryoso, kaya nagpaalam na sa amin si kuya at pumunta na sa room niya. Gayon din naman kami ni yuri, habang naglalakad kami nagsimula na kong magkwento kung ano ang nangyare sa buwan na iyon. Mas gusto kong ikwento kay yuri sa personal, dahil mahirap magkwento sa chat

Nang matapos ko ang kwento laking gulat nito sa huli kong sinabe

"Halaaa teh di ka na virgin? A-Ano kase nagkiss na kayoo, pano na si papa a niyan?"

"Baliw anong di na virgin?"

"Ha? Ganon kaya yon! Buntis ka na huhu grabe ang bilis magiging nin---" Malakas pa na pagkakasabe nito kaya agad na tinakpan ko ang bunganga nito nandito pa man kami sa hallway papunta sa room

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon