CHAPTER 48

112 9 0
                                    

Nagpaalam na sila dreiden dahil may mga gawain pa ito, tambak na ako ng gawain sa school peste sana makalabas na ko dito sa clinic umay na umay na ako dito

Pinabuksan na sa akin nila mama ang mga regalo nila isa isa sobrang saya ko kase yung mga regalo nila nakikita ko lang noon sa iba, ngayon mayroon narin ako

"Salamat ma, pa, at kuya!" Ngiti kong sabi

Binati naman nila uli ako at nginitian sabay yumakap ito sa akin. Sobrang saya ko ngayon kaso feel ko may kulang..

Pero hindi ko alam bat may kulang.. ano daw? Ang gulo grabe

Nananatili parin akong nakatingin sa pinto na baka may pumasok na tao ewan ko

"Lalim ng iniisip mo bunso ah?" Singit ni kuya

Tumango lamang ako, hindi na ako nag explain pa. Napatango din naman si kuya tila alam niya na ang nararamdaman ko

"Miss mo si bayaw austin ano?" Tanong nito

Anong miss? Hindi kaya! Talagang hindi! Hindi ko nga siya hinahanap amp

"Luh hindi." Sagot ko

"Napakasinungaling mo wahaha kilala na kita hoy bata pa lang. Pero may huli pang babati sayo."

Umalis naman agad ito sa tabi ko at pumunta sa pinto, ngayon pare-pareho na kami nila mama nakatingin sa pinto na binuksan ni kuya

Ilang segundo pa may isang bata na may dalang 3 rosas ang pumasok, dumiretso agad ito sa akin

"Ate ang ganda mo po sobra ako po yung huling babati na sinasabe ni kuya pogi. Happy birthday po ate micha always smile po! Mas bagay po sayo yon." Ngiti nitong sagot

Napangiti naman ako sa inasal nito, pero hindi parin maalis yung bigat ng kalooban ko

Pagkatapos nitong ibigay ang rosas sa akin at yumakap, umalis na agad ito. Nga pala yung bata na iyon ay yung bata na tinulungan namin sa kalsada noon wala kasing nag aalaga sa kanya buti nalang nakita niya na mga tunay niyang magulang ngayon kaya masaya na ito

Ang ganda rin ng naging story ni makoy daming pagsubok pero sa edad na bata pa kinaya niya, di ako nagsisi na inalagaan namin yung bata na yon

Siguro itutulog ko nalang tong nararamdaman ko, dahil nakakaramdam ako ng antok ipinikit ko ng dahan dahan ang aking mata at hindi ko na alam ang nangyare

Naalimpungatan nalang ako dahil umaandar yung hinihigaan ko at mga nakablack na mask yung mga tao na tumutulak sa higaan ko ano ba to kidnap? Takte!! Di ako makakilos pa!! Bakit naman lapitin ako ng disgrasya oh!!

Bahala na, huhu kayo na po ang bahala sa akin

Teka bat ako ipapasok sa kabilang kwarto? Ano to?! Bakit ----

"H-Hoy! Bumalik kayo dito!" Sigaw ko sa mga nakaitim na tumulak sa akin ano bang meron dito naninindig na balahibo ko sa nangyayare

Di na ako binalikan nung mga kumuha sa akin sa kabilang kwarto, okay lang sanay naman na ako ng iniiwan wao humugot pa kala mo naman broken

Kinidnap na humugot pa animal ano to mamamatay ng sad gorl? Why naman ganon

T-Teka may kumilos sa dilim!!

May n-nag gigitara?

(((;ꏿ_ꏿ;)))

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Where stories live. Discover now