CHAPTER 56

100 7 0
                                    

Tapos na ba ang kalbaryo? Dito na ba nagtatapos ang gulo dahil wala na ang tatlong tao na kasama palagi?

MICHA'S POV

"Anak!! Salamat at gising ka na may kailangan ka ba? Anong gusto mo?" Bungad sa akin ni mama at katabi naman si papa

"Panget ang panget mo na talaga buti gising ka na btw anong pakiramdam mo?" Aniya naman ng magaling kong kuya

"Ma, pa, kuya okay na po ako. Nung inilabas ako nila okay na po ako non ika ika nalang talaga maglakad."

"Buti naman kapatid pero alam mo ba pinagba--" napahinto nang sasabihin si kuya nang mapansin ko tinignan siya ni mama at papa

Napakunot nalang ang noo ko dahil bakit pinipigilan nila ito magsalita?

"Ano yon?"

"Lilipat na tayo ng states." Seryosong ani ni papa

"Weh legit pa? Pucha yes!! Mag glow up narin ako lalo!"

"Oo, aasikasuhin lang muna namin ng mama niyo yung passport niyong dalawa."

Nakita ko sa mukha ni mama ang pagtataka at ang tukmol ko namang kuya tuwang tuwa nagpaalam muna si papa na mag uusap sila mama kaya tumango na lamang ako

Pag alis nila agad na tinanong ko si kuya kung ano dapat sasabihin niya kanina na hindi natuloy

"Wala nga ang kulit mo ang sasabihin ko lang don ano pinagbawal ka ng doctor na magtatayo."

Halata naman sa kanya ang pagsisinungaling tsk tsk kahit kailan hindi marunong magsinungaling to bata pa lamang kami alam ko na style nito

"Paano kita paniniwalaan eh nanginginig kamay mo?"

"Hindi ba pwedeng pagod lang?"

"Hindi pa pwedeng nagsisinungaling lang?" Sabat ko na nilakihan ko pa ito ng mata

"Fine wala talaga akong takas sayo. Pinagbawalan nila mama yung tatlong lalaki na lumapit na sayo tanging si yuri nalang makakasama mo. Wag mo sasabihing sinabe ko say--"

"Ano? Ma pa!" Sigaw ko

Pano naman nila ginawa yon?! Iniligtas nila ako! At alam ko yon kahit wala akong wisyo!

"Oh ano bakit micha may nasakit ba sayo? Ano kailang---" hindi pa natapos ang sinasabi nito ay umentra na agad ako

"Bakit niyo po pinalayo sakin mga kaibigan ko? Tell me the reason."

"Masama sila para sayo. Hindi mo ba napapansin?" Aniya ni mama

Nananatili akong nagtataka, naghihintay ng kadugtong sa sinasabe nila

"Simula nung dumating yung mga yan lagi ka ng na-hospital? Pansin mo?" Dugtong ni papa

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Where stories live. Discover now