CHAPTER 46

106 9 0
                                    

AUSTIN'S POV

Sunday, August 9, 2020
5 AM

Maaga akong nagising dahil pagagandahin ko pa yung room ni micha gusto ko yung birthday niya ngayon maging memorable sa kanya

Kahit groggy ako ngayon daig pa lasing, go lang kaya ko to

Tinext ko na agad si bayaw at nagreply naman ito agad na nakahanda na yung kabilang kwarto na lilipatan ni micha which is don ko siya isusuprise sana maging successful tong plano na to

Kinuha ko na ang mga pang design at mga regalo ko kay micha at pumunta na sa clinic

Mabilis lang ang byahe dahil maaga pa konti pa lamang ang mga tao na nasa labasan

Pagkarating ko don grabe pag mag isa ka sa clinic baka matakot ka medyo madilim at tahimik kase eh

Nakita ko agad ang kuya ni micha na kumakaway kaya't lumapit agad ako dito ng tahimik

"Dito yung kwarto bayaw, nga pala takte." Napatakip pa ito sa mukha nito tila may problema

"Ano yon?" Tanong ko

"Alam ba ng tropa mo na isusurprise mo si micha ngayon?"

"Hindi. Baka kase makarating kay micha eh."

"Si dreiden tropa mo nagchat sakin ngayon lang isusurprise din si micha, di ko tuloy malaman gagawin. Ang ganda ganda naman talaga ng kapatid ko oh."

Hindi dapat ako magpatalo, kahit anong mangyare kaya ko to

"Hayaan mo lang siya, saan ba balak niya?"

"Yun nga ang problema sa room ni micha ngayon, bale pag gising non ayon ang una niyang makikita. Hindi sayo." Aniya nito

Ako unang nakaisip, ako parin ang huli. Pero ayos lang makita ko lang siyang masaya ayos na ako at gagawin ko parin tong surprise na to kahit sense niya pa

"Ayos lang." Ngiti kong tugon

"Okay ka lang bayaw? Basta laban lang! Tara na simulan na natin pag aayos." Aya nito

Sinimulan na namin lagyan ng dekorasyon ang room na lilipatan ni micha nilagay ko narin ang mga regalo ko sa kama at nilagyan pa ito ng petals na pa-heart at may ilaw ito

At may mga bata ako na dadalhin dito mamaya para may magbibigay sa kanya ng 18 roses, 9 na bata ang dadalhin ko tig 2 roses ang hawak nila yon ang balak ko

Ilang oras din kami nagtagal at tapos narin, umalis na si michael dahil si dreiden naman daw ang tutulungan niya sa kabila at matapos lang yon siya na bahala magpapunta kay micha dito

Nakatakip ang bintana't pinto sa room na to, na mag isa lang ako. Para din walang makakita

Hindi ko alam bat nakakaramdam ako ng lungkot, dahil ba hindi ako ang nauna? Hindi ko alam cheer up self

Hindi na muna ko sisipot sa kabilang room para maalala ako ni micha, sana nga maalala hahaha. Bibigyan ko ng oras si dreiden dahil kaibigan ko rin siya

Nag gitara na lamang ako saglit para pampalipas ng oras

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Where stories live. Discover now