PROLOGUE

799 22 6
                                    

"Mama ayaw ko po sa private please? Public nalang po ulit ako para makatipid narin po kayo ni papa."

"Mika, gusto lang naman namin ng papa mo na maranasan mo rin yung private school tulad ng kuya mo."

"Mama okay lang po ako wag niyo na ako isipin, public nalang po ako." Sagot ko.

"Micha Alvarez Salvador!!" Sigaw nito.

Napairap na lamang ako ng patago dahil kapag kompletong pangalan na ang tawag sakin it means sumunod nalang ako dapat, kase kung hindi nako po di mo na gugustuhing mabuhay pa dahil yare ka.

"Fine. Kayo ang bahala." Tanging naisagot ko at tumalikod na.

Pumunta ako sa sofa at si mama naman ay nasa kusina upang magluto ng kakainin namin ngayong tanghalian.

Nakatunganga lang ako nang may biglang tumabi sa aking asungot.

"Hi panget balita ko mag private ka na din ah? Naks puputi ka don tas gaganda."

"Tigilan mo nga ko." Inis kong sagot.

"Sungit mo ngayon ah? Choosy pa neto ipa-private ka na nga. Ayaw mo ba makasabay pag papasok ang gwapo mong kuya?"

"Oh please kuya, kadiri ka nakakasuka ka." Umakto pa ko na nasusuka para realistic

"Gago makaganyan ka, ganda ka ghorl?" Pikon nitong sagot

Natawa na lamang ako sa inakto nito kahit gaganyan ganyan yang asungot kong kuya mahal ko yan. Kinuha na niya ang cellphone niya at nagsimula ng mag ml.

Habang ako nagcellphone na din scroll scroll sa fb tamang share lang ng mga memes ganon talaga pag walang kachat. Notification nalang ang mayroon sa akin pero messages? Nako itlog wala 0 siya. Bihira lang may kachat gc pa announcement lang naman at ang iba naguusap na magjowa sa gc pa talaga yak magbebreak din naman.

Ilang sandali ay natapos din magluto si mama.

"Mikael, Mika halina dito mangan tayon!" Sigaw ni mama sa amin.

Nga pala mangan tayon is an ilocano word may alam din kami sa ilocano dahil ito kay mama, marunong kase siya mag ilocano so ayon mangan tayon means LET'S EAT.

Pumunta na agad ako sa hapag kainan dahil kung hindi may lilipad na tsinelas talaga pag hindi ka agad pumunta tulad nalang ng mangyayare ngayon.

Dahil si kuya nag ml, pag naglalaro yan bingi yan parang walang narinig puro 'wait lang' at ayon sinigawan ulit ni mama pero aba palaban parang walang narinig. Tinanggal na ni mama ang stepin niya at ibinato ito sa mukha ni kuya.

"ANO MICHAEL ALVAREZ SALVADOR?! ANONG BALAK MO? ITAPON KO IYONG CELLPHONE MO?!" Pambubulyaw ni mama dito.

Habang ako audience pinapanood lang sila tawang tawa na ako dito pinatay agad ni kuya cellphone niya at nakabusangot itong pumunta sa hapag kainan.

"Head shot ka no? Hahahahaha!" Pang aasar ko dito.

"Shut up."

Natawa nalang ako sa isinagot nito at umiling iling.

"Magdasal muna bago kumain." Dagdag ni mama.

Nagdasal kami at kumain na pagkatapos.

Nang matapos kami, aakma na ng alis si kuya

"Hoy akala mo may katulong ka? Ikaw maghugas ngayon! Lagi nalang ako!" Sagot ko.

"Luh? Ikaw na!"

"Kuya kase! Ikaw na! Susumbong kita kay mama sige!"

"Edi isumbong mo pake ko sayo?"

Nag init ang ulo ko dito kaya agad na tinawag ko si mama.

"Mama si kuya ayaw maghugas oh!! Ang kulet lagi nalang ako!"

"Luh ma kakahugas ko lang nung last ako nanaman! Etong si bunso tamad! Sumbungera ka talaga eh no?"

Nagbulyawan na kami ni kuya, kaya agad na pinuntahan kami ni mama at...

"ANO?! DI KAYO TITIGIL? MAGTUTURUAN PA KAYO? PAREHAS KAYONG WALANG SILBI DITO HA?! ETO KUTSILYO OH PATAYAN KAYO." Galit nitong sagot.

Tahimik kami parehas ni kuya dahil ayaw namin mahambalos. Napabuntong hininga nalang ako at sinabing "ako na."

Pupunta na sana ako ng lababo kaso sumunod si kuya at sinabing "Hinde, ako na."

"Ako na nga diba?" Ubos kong pasensyang sagot.

"Ako na nga wag kang makulet."

"Sige mag away pa kayo." Sagot ni mama na kasalukuyang bumalik na sa sala.

Iniran ko na lamang si kuya at umakyat na ako ng kwarto.

Argh! Nakakainis talaga! Hmp!

Humiga na ako sa aking kama at chineck ko muna ang cellphone ko para tignan kung may chat ba, syempre wala di pa ba nasanay?

Makalipas ang sandaling pag scroll scroll sa facebook ay tinigilan ko na ito at binitawan ang cellphone.

"Tulugan na!"

#hiprivateschool!

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat