CHAPTER 64

76 7 0
                                    

"Lalim ng iniisip mo ah? Wala ka bang ka-date kaya ka ganyan? Wahaha!" Tawa aniya ni kuya

Tinignan ko to ng pagalit kaya tumawa pa ito lalo

"Kuya! Nahihirapan ako sana nga wala nalang nag aya!"

Napatingin naman ito sa akin na tila nagulat at tumingin pa sa baba at parang may hinahawakan

"Haba nanaman ba ng buhok mo? Ilan nag aya?"

"Si keighan at dreiden kakausapin daw nila sila mama bukas. Nahihirapan ako mamili kuya tulungan mo ko." Sagot ko at napabuntong hininga pa

"Hmm wala ata manok ko?" Tanong nito

"Manok mo?" Tanong ko

"Ay wala wala. Edi kung anong gusto mo o sino gusto mo yon piliin mo lil sis."

"Gandang tulong kuya, sa tingin mo sino nga kung ikaw kasi si keighan daw may sasabihin si dreiden wala inaya lang ako wala din naman daw malulungkot kung sakaling may napili ako."

"Bakit babae ba ko?" Tanong nito sakin

Ang sarap kausap ni kuya ngayon grabe nakakatulong, inirapan ko na lamang ito at tumingin sa bintana mabagal ang byahe dahil traffic kaya tamang isip nalang muna

Kalagitnaan ng pag iisip biglang nagring ang cellphone ko kaya ang nagmamanehong si kuya napalingon din sa akin

Si angelo.. wag naman sana akong ayain pakiusap

"Hello mi lady! May date ka na ba?" Bungad nito

Kinukutuban na ko.. argh!! Ano ba isasagot ko? Oo? Para tigilan na ko?

Sasagot palang ako nang biglang sumagot si kuya ng wala pa, nawala sa loob kong naka loud speak pala kaya narinig niya

"Great! Can you be my date?" Sabi sa kabilang linya

Nilayo ko ang phone ko sakin at kinurot ko sa tagiliran si kuya nakakainis!!!

"Ha? A- ano? Di kita maintindihan ha? Ano sabe mo teka ba--" at pinutol ko na ang linya sabay airplane mode para hindi na muna ko tawagan, nagpanggap nalang muna ako na nawalan ng signal

Bumaling naman agad ako kay kuya

"Kuya! Ano sa tingin mo ginawa mo?! Hirap na nga ko sa dalawa!"

"Wahahaha! Itodo mo na para tatlo i love you btw sino ba yon?"

"Si angelo yung kaklase ko nung highschool na may gusto sakin, nagconfess nung nakaraan."

"Aba di ko alam yan ah. Bago mo tanggalin airplane mode mo mag isip ka na wahaha!"

"Di kita mapapatawad! Bwisit ka kuya! Sabihin ko nga kay yuri makipagpartner sa iba!"

"Hooy eto naman di mabiro sige na reject mo na si angelo sabihin mo may date ka na i love you kapatid." At umakbay pa ito sakin kahit nagmamaneho ito

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora