CHAPTER 6

303 14 0
                                    

Nakauwi din sa bahay sa wakas. Pagpasok namin sa bahay ay wala si mama. Kaya nagtaka kami bat wala ito hinanap namin sa kwarto, kusina at banyo wala.

"Kuya asan si mama?"

"Baka may binili lang bunso, magbihis ka na sa taas ako na muna magbabantay dito sa baba."

At umakyat na ako patungo sa aking kwarto pagkatapos ko magbihis ay chineck ko muna si facebook and may 3 friend request akalain mo yon?

Sayuri Nakashima added you

Dreiden Fernandez added you

Keighan Sanchez added you

Woah? Yung dalawang kaklase ko na lalake na famous inadd ako? Okay lang ba sila? Baka naman napindot lang to? Pero since mabait naman sila at kaklase ko inaccept ko na at syempre si yuri inaccept ko na agad. Pagkaaccept ko ay may nagchat agad.

:HOOOY ALAM MO BA I FOUND YOUR KUYA'S ACCOUNT NA DINNN! ICHACHAT KO SI MAHLABS HA? LABYU BHIEEE KASE PINAKILALA MO SIYA SA AKIN HIHI

Napailing nalang ako sa chat nito, natamaan ang lintik. At si kuya pa talaga ang napili nito sa dami dami ng lalake amp.

:Ewan ko sayo yuri, basta iwasan mo masaktan heart mo ha. Sinabihan na kita.

:Noted bhiee, pero sige out muna ako my mom's calling eh labya!

:Okie labya!

At pinatay ko na ang cellphone ko para bumaba. Pagkababa ay nakita ko si kuya na nakatulog sa sofa.

Wala pa rin si mama, nag aalala na ko. Tinawagan ko na si papa para itanong kung alam niya ba kung nasaan si mama.

Sinagot naman agad nito.

Kaso...

;Hello?

Babae ang sumagot. Bigla akong naestatwa sa kinatatayuan ko dahil ngayon lang nangyare na babae ang sumagot sa cellphone ni papa.

;Hello? Who are you?

Hindi pa rin ako sumasagot dito, Hinahayaan ko lang siya magsalita. Hanggang sa...

;Love sino yan?

Boses ni papa.

Prank ba to? O baka ka-trabaho lang ni papa? O kaya baka panaginip lang to? Nasasaktan ako.

;Hindi ko nga alam eh, hindi sumasagot. Wala namang name sa contact mo so di ko alam

Pati pangalan ko binura ni papa haha nakakatawa lang. Nagpanggap pa ba siya na walang pamilya para lang mangabet? Pinutol ko na agad ito dahil ayoko ng marinig pa ang kahit ano mang salita na sasabihin niya sa call.

Habang nakatakip ako sa mukha ko. May nagtanggal unti unti ng kamay ko na nakatakip sa mukha ko. Si kuya.

"Anong nangyare kay mama? Nakatulog pala ako sa sofa."

"K-Kuya si papa..."

"Anong nangyare??"

Binuksan ko nalang ang cellphone ko at pinarinig sa kanya ang record ng call kanina.

Nang matapos niya ito unti unti mong makikita na galit ito sa narinig niya

"S-Shit si mama siguro kaya hanggang ngayon wala pa, stay here. Hahanapin ko si mama wag ka na umiyak ako bahala. Stay here dahil baka umuwi si mama call me kapag may problema o andito na si mama okay?" Pamamaalam sa akin nito.

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon