CHAPTER 88

82 8 1
                                    

"Uy hi anak! Nasa taas na sila. Sumunod ka nalang daw." Bati sakin ng mama ni austin na si tita michelle

Nagbless naman muna ko sa papa at mama niya

"Hello po, sige po. Salamat." Ngiti kong sagot ko at umakyat na

Pagbukas ko nakapatay ang ilaw, hindi ba ito yung kwarto ni austin? Alam ko ito eh siguro hindi to

Aakma ko nang isara ang pinto, nang may biglang humigit sa braso ko at biglang bumukas yung ilaw

"Bulagaaa! Hahahaha!" Sabay sabay nilang sabi na tumatawa

"Ang tagal mo eh." Aniya ni yuri

"Hoy akala ko nga wala kayo dito tsaka saglit lang ako kanina no!" Sagot ko

"Himala di ka bumitaw sa kamay ko?" Biglang saad ni austin sa tabi ko

Nanlaki naman ang mata ko dahil nakahawak nga ko kaya agad na tinanggal ko ito

"Eh kase aalisin ko yang kamay na humawak sakin! Nalimutan ko lang dahil nanggulat na kayo!" Pagdedepensa ko

"Asus ayieee kanina pa kayong dalawa ha! Andito pa si kei!" Sabat naman ni celine

"Gara mo austin ah, chancing ka ah!"

"Galaw ka din kase bro hahahaha!" Tawang sagot ni austin

Napailing nalang ako sa mga pakana nila ngayong araw, nang matapos namin magdaldalan ay nagsimula na agad kami gumawa habang ka-video call si dreiden

"Drei ano project niyo?" Tanong ni yuri

"Research den." Sagot nito

"Tapos math?"

"Related hahaha." Tawa nitong sagot

"Individual kayo?" Tanong naman ni celine

"Pair, dalawa lang."

"Eh nasaan partner mo?"

"Di ako nagpartner kase magiging partner ko may gusto saken umay mag individual nalang ako." Ngisi nitong sagot at hinanap pa ata ako sa cam

Again hindi ako assumera okay? Totoo naman kasi!! Kung papansinin niyo eh

Bumaling naman ako kay austin na nakatutok ngayon sa laptop at tinatype ang mga gawa namin kaya naisipan kong tumulong dito dahil kanina pa to nagta-type

"Ako naman magtype." Aniya ko

"Wag na mapapagod ka lang, tsaka nakatulong ka naman eh. Typing nalang naman to." Sagot nito

"Sigeee na, para makienjoy ka muna sila don." Pagpipilit ko

Tumingin pa muna ito sa akin at sumunod din sa sinabe ko

"Kaya type kita eh." Ngisi nitong sabi

"Banat ba yan?"

"Sa tingin mo?"

"Banatan kita dyan eh."

"Sige nga sample dapat kikiligin ako ah."

Aakma na sana ko ng suntok nang nagtakip ito ng mukha

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Where stories live. Discover now