CHAPTER 5

342 16 1
                                    

12:30 PM TIME CHECK

"Okay, class dismiss."

Kalam na kalam na ang aking stomach mga mars! Huhu sa wakas uwian na rin.

"Teh arat kain muna tayo sa malapit na eatery!! Paalam ka sa bebe ko! Omy charot!"

"Sige wait lang." Inilabas ko ang aking cellphone at sinimulan ng magtype ngunit sa di inaasahang pangyayare hinablot ni celine ang cellphone ko.

"Oh! Anong cellphone to? Nakakadiri naman! Nag aaral ka sa private tapos ganito cellphone mo? Like duh? Samsung? Tapos hindi pa latest lumang luma na yan beh. Akala mo tatantanan kita? Tatantanan kita pero kailangan mo uma---"

Hinablot ni Austin ang cellphone ko???

"Here. Now leave." Aniya nito.

Natameme ako sa ginawa nito hindi ko maikilos ang aking katawan dahil don.

"Please, as a old student here, give damn respect celine. Yeah you are studying at private school but why you're acting like a warfreak?"

"Wooooooah" sigaw ng mga kaklase ko.

Natameme naman na sunod ay si celine, tumingin ito sa mga kaklase namin at umirap. Agad na nag walk out ito dahil wala na siyang nasabe o di kaya'y napahiya siya.

Bumaling sa gawi ko si austin at sinabing "Makulit ka rin huh? I said you two leave."

Inalog lang ni yuri ang braso ko kaya nasa ulirat na ako.

"S-Sorry, s-salamat nga pala." utal kong sagot.

"No prob." Pagsagot nito ay siya namang sulpot ng dalawa niyang tropa.

"Hey transferee, first time ginawa yon ni pareng austin alam mo ba? Tahimik lang yan lagi. Walang pakealam sa mundo kahit may binubully na or nagaaway." Ani ni drei

"Oo nga, tol tirador ka ng transferee ah? May gusto ka pala dito kay nerdy ha?" Pang aasar ni Keighan.

"Shut up, ang issue niyo. Wag mo kong igaya sayo tol di ako babaero. Sige na pagpasensyahan niyo na tropa ko ingat kayo yuri."

"Ingat mahlabs yuri." Dagdag pa ni keighan.

"Tarantado ka talaga babaero."

"Eww, tara na nga mika. Thank you dahil pinagtanggol mo bespren ko! Namumuro na talaga sakin yung babae na yon eh so ayon byee take care din!" Pamamaalam ni yuri.

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Where stories live. Discover now