CHAPTER 66

68 6 0
                                    

BEFORE AQUAINTANCE PARTY (Preparation)

Sa tuwing may kaganapan talaga mas nauuna pa ko gumising sa alarm, it's 7 am right now hindi naman ako excited bakit kaya?

Pagkatapos kong mag muni muni bumangon na ako at bumaba para kumain na

Pagbaba ko ay nakita ko agad ang mga mukha nila mama na nakangisi sakin, ano meron? Ano bang ginawa ko?

"Good morning my dear rapunzel!" Bati ni mama na pumunta pa sa kinakatayuan ko para yakapin ako

"Hindi na talaga baby, anak ko hays." Aniya naman ni papa na nagbuntong hininga pa

"Nako pa, baby pa din yan baby pa nga ni--" naputol ang sasabihin ni kuya nang duruin ko ito at tinignan ng matalim

"Ni? Oh baket ganyan ka micha?" Sagot ni mama na nagbalik balik ang tingin samin ni kuya

"I mean baby niyo parin siya pa, baby natin hehe." Ngiting sagot ni kuya na nagpeace sign pa sa akin

Kahit kailan talaga, di ko alam kung swerte ba ko dahil nagkaroon ako ng kuya eh

"Nako osiya siya kain na tayo at magpapaganda papogi pa kayo."

At inakay nako ni mama papuntant hapag kainan habang kumakain kami pinaguusapan na namin kung ano ang magiging proseso mamaya

"May kinuha na kami ng mama niyo na magiging taga ayos niyo before kayo umattend, tsaka ipagmamaneho ko kayo. Nakakahiya naman sa kuya mo eh gwapong gwapo sa suot tas driver mo hahahaha." Tawang sagot ni papa

"Mukha naman talagang driver yan, papa. Hahaha!" Sabat ko

"Ano?! Ang kapal ng mukha mo! Naayusan ka lang nagkaganyan ka na." Pagmamaktol ni kuya na ikinatawa namin

Pagkatapos namin kumain si mama na naghugas dahil ayaw talaga kami pagkilusin ni kuya dito sa bahay pinaligo na kami agad dahil konting oras nalang ay darating na dito ang mag aayos sa amin

Pag akyat ko chineck ko muna phone ko at nagtext si austin, inaaya ako na maging date mamaya

Bakit hindi nalang gf niya ayain niya? Gagawin pa kong rebound? Lol.

Nireplyan ko ito na may partner na ako at naligo na

Makalipas ang ilang sandali tapos na din! Syempre special yung day ngayon nag skin care na muna ko paganda din pag may time!

Napakanta nalang ako habang may mask sa mukha, natigil ako nang bumukas ang pinto di ko muna nilingon ito dahil baka ito na yung mag aayos

"Nagpapaganda ang baby ko ah? Selos ako iba date mo mamaya." Aniya ng nasa likod ko

Huh?? Austin?? Anong ginagawa niya dito?

"Bakit ka nandito?"

"Masama bang bumisita sayo?"

"Hindi naman."

"Sorry pala kahapon ha."

"Ayos lang yon." Tipid kong sagot na di makatingin sa kanya

"Hindi ka galit?"

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Where stories live. Discover now