CHAPTER 70

99 7 0
                                    

SAYURI'S POV

Argh i hate it! Grabe yung dare ni micha!! Huhuhu gusto ko kase special first kiss ko mga beh. Kaya mas gusto ko yung punishment sana pero di ko akalain hahalikan ako ni michael

Pano kumalma? Laglag panty ko don!! Ikaw ba naman halikan ng nagugustuhan mo dai tignan natin kung hindi ka mangisay buti nga at hindi ako nangisay naistatwa lang

Sabe ko na nga ba di ako assumera eh, simula nung naging close kami ni michael ang weird na talaga ng mga kilos niya sabe ko na nga ba gusto na din ako eh hays sorry ganda ko may nanalo na gorls

Nang mag confess ito hindi ko alam ang isasagot ko not until bigla ba namang nangasar to! Syempre kunware inis mga te hehe pero kinikilig nako kahit ganon grabe napakaganda talaga ng acquaintance namin ngayon huhu

Natigil ako sa tuloy tuloy na pagdadaldal sa isip ko nang mag i love you ito talagang pinutol niya pa yung isasagot ko para don! Hmp!

I love you too.. charot pakipot muna tayo! Ang hirap kaya nang pinagdaanan ko non sa kanya! Dapat siya din duh

"Okay thank you." Seryoso kong sagot para mang asar

"Talagang yan lang isasagot mo? Wala na ba?"

"Wala na, what do you expect ba na sabihin ko?" Pagsusungit ko

"Aruy ka kuya hahahaha! Uwi na! Shooo!" Pang aasar ni micha

"Teka lang kase! A-Ano di mo ko gusto?" Tanong nito sa akin

"Pag iisipan ko pa." Aniya ko

"Weh." Sabay sabay sabi nila dreiden sabayang pagbigkas ba tayo?

Inirapan ko nalang ito at bumaling na uli sa itsura ni michael na kasalukuyang parang iiyak na, self wag kang rurupok wag kang rurupok..

Napabuntong hininga naman ito at nagsalita uli

"Liligawan kita sa ayaw at gusto mo." Seryoso nitong sagot

Pumalakpak naman ang tatlong manliligaw ni micha at naghihiyaw pa mga plastik talaga!

"Idol idol!!" Aniya ng tatlo

Anebe! Kinikilig talaga ko kanina pa!! Pano kumalmaaa?

"Teka mag cr lang ako ano kasi eh ahm natatae ako." Palusot ko at hinatak ko si micha para may makausap ako

Badly need advice, seryoso

"Natatae huh?" Ngiting sagot ni micha sa akin

"Wahhhhhh!!!" Sigaw ko at pinaghahampas ko si micha kasi kinikilig talaga ko dai kanina ko pa kinikimkim!!

"Hoy aray aray buto ko depocha baka mabali!! Ano ba?"

"Bakit hindi mo sinabe sakin agad?"

"Eh ayaw ni kuya gusto niya maganda daw eh, hehe di lang ako napreno kanina eh." Kamot ulo nitong sagot

Ang sweet talaga ni miloves hays i'm so lucky to have him, bigyan ko na ba kayo ng tips pano icrushback ng crush? Char!

Napabuntong hininga naman ako at yes okay nako! We can do this self!

"Sa tingin mo tama ba gagawin ko hard to get muna?"

"Oo naman para masubukan mo si kuya, kahit kuya ko pa yon eh ayaw kita masaktan."

"Awww i love you bespren!! Thank you." At yumakap ako dito

I feel so calm and relaxed now thanks to my bestie! Pagkatapos naming mag ayos ay bumalik na uli kami kila michael

"Baho naman." Pang aasar na aniya ni michael sa akin at nagtakip pa talaga ito ng ilong

"Excuse me? Do i know you?"

"Wooooah." Hiyaw ng tatlo

Napalingon naman si michael sa tatlo at sinabing "kala ko ba kakampi ko kayo ha?"

"Syempre kuya kakampi mo kami napawoah lang hehe." Sabay na saad ng tatlo

Napabulong naman si micha sa akin ng 'good job' at nagtawanan na kaming dalawa

Umupo na kaming lahat dahil nagsalita na uli ang announcer sa harap

"I know na lahat kayo nag eenjoy thank you for participating to this party and for helping to arrange this! Hmm i would like to announce you the queen and king of the night. Sa tingin niyo sino ba?"

"Nixie!!"

"Celine!"

"Christine!"

"Fiona!"

"Yuri!!"

"Micha!!!"

Halo halong sigaw ang narinig namin, nagtinginan naman kami ni micha at nagtawanan syempre natuwa din kami dahil may nagsigaw ng pangalan namin at ang nangunguna sa pagsigaw syempre sila miloves napaka supportive na kaibigan nila dreiden at supportive lover naman ang soon to be bf ko mwehehehe

"Micha you deserved to be queen of the night." Aniya ko

"Uy hindi baliw to, okay nako na sumaya ako ngayong araw."

"Naks naman humble, kapatid ko yan!! Pero wala bang ugly of the night? Wahaha!"

"Hoy hindi panget si micha ha! Right boys?" Pagdedepensa ko

"Oo ganda niya sobra." Sabay sabi ng tatlo lagi talaga silang nagsasabay nagrehearse ba tong mga to?? Grabe!!

"Kailangan ba sabay sabay?" Tanong ko sa tatlo

"Ewan ko gaya gaya yang mga yan eh." Sagot ni keighan

"Hoy ikaw nga yon!" Sigaw naman ni dreiden

"Magtigil nga kayo dyan kayo talaga nanggaya sakin." Ngiti ni austin at pagtapos ay binatukan naman siya ni dreiden at keighan kaya nagtawanan kami nila micha dahil sa inasta ng mga ito

Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko mula sa ilalim ng lamesa at alam ko na agad kung sino yon takte nanlalamig ako sa sobrang kilig!! Tumingin ako kay michael at ngumiti ito sa akin tsaka kumindat hoy!!! Kalma kalma self

Kaya nahawakan ako kasi syempre magkatabi kami, ang upo kasi namin si michael, ako, micha, keighan, austin at dreiden. Pabilog ang upo namin kasi lamesa namin ganon din kaya gaya gaya lang mga dzai

Pero fairness ang sasarap ng pagkain na inihanda nila naglalakihan ang mga tsan namin hehe di lang halata samin ni micha sexy kasi kami charot! Tamang takip lang kasi! Bwahahaha!

Natigil ang ingay sa amin nang magsalita uli ang announcer

"So wala akong naintindihan sa mga isinabe niyo ano? Sabay sabay eh. Hmm wala ng paligoy ligoy pa so the queen and the king of the night will be...."

Naghiyawan ang lahat sa mga nagugustuhan nilang maging king at queen hanggang sa pinapaos lang ata talaga kami ng announcer namin pfft

"Micha Salvador and Austin Villafuerte, come to the stage now! Congratulations!!"

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Where stories live. Discover now