CHAPTER 63

81 7 0
                                    

MICHA'S POV

Pagkatapos namin mag usap ni nixie ewan ko bakit nakaramdam ako ng panlalata, hindi ko naman na gusto si austin eh pero bakit ganon?

"Uy lalim ng iniisip mo ah?"

"Yuri pano mo ba malaman na in love ka sa isang tao?"

"Kapag nakakaramdam ka sa kanya ng kilig, saya, lungkot minsan. At higit sa lahat sakit."

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabe ni yuri dahil bakit parang tugma sa akin?

"Bakit mo natanong? Owem-- wag mo sabihin?"

"Nakaramdam ako ng panlulumo nung kinausap ako ni nixie."

"Teka nga ano pala ba sinabe sayo non?" Tanong ni yuri

"Sila na ni austin."

Nagulat naman si yuri sa sinabi ko tila di rin nito alam, ngayon lang

"P-Pero alam ko ayaw ni austin don?"

"Hmm ewan?"

"May gusto ka na ba kay austin?"

"Wala."

"Are you sure?"

Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ko rin alam, totoo nga sabi ng iba pag first love ang hirap labanan

"Ewan."

"Hayaan mo malalaman mo rin yan soon, basta support lang kita lagi te! Cheer up ok?"

"Thank you yuri! Hays ay teka.."

Yung i.d ko!! Nawawala! Ahk san ba ko sumabit??

"Ano yon?"

"I.d ko nawawala yare akooo! Teka balik lang ako sa pinanggalingan natin."

"Samahan na kit--" naputol ang sasabihin ni yuri nang biglang may magsalita sa likod namin

"Samahan ka na namin." Aniya nila dreiden at keighan

Nagulat naman ako dahil sa ibang way ang daan nila eh bakit kasunod namin sila?

"Eh? Nandyan pala kayo?" Tanong ko dito

"Hmm makikitulog kase kami kila aus eh." Sagot ni dreiden

"Oh i see." Huli kong sagot sa mga ito

Sinamahan nila ko maghanap ng i.d pagdating namin sa may school naghiwahiwalay na kami para mapadali ang paghahanap

Napunta ako sa may malapit sa isang gate at nakita ko sila austin at nixie na magkayakap parang may sumaksak sa puso ko as in tagos na tagos mga te

Mukhang masaya naman sila, siguro nga hindi talaga kami ni austin para sa isa't isa

Kakalimutan ko nalang na nagconfess siya sa akin para di ako mailang as a friend

Naramdaman ko nalang na tumulo ang luha ko kaya tumalikod nako narinig ko pa na tinawag ako ni austin ngunit di nalang ako lumingon patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa bumangga ako kay..

Dreiden?

"Bakit ka umiiyak?"

"Ah wala lang, baka kase di na mahanap i.d ko yare ako eh." Pamemeke kong sagot

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Where stories live. Discover now