Chapter 11: Claim The Prize

31.7K 413 34
                                    

AN: Guys good news! Number one na ulit si ate Den! :D Hehehe, as promised ito na yung update.

Spread the love! :D

Baka next weekend na ulit ako makapag-UD, depende sa schedule. Baka kasi may school commitments na naman ako pero susubukan ko naman.

_________________________________

Alyssa’s POV

When we landed on Dipolog City’s airport we can immediately feel the fresh air which is very different from Manila, kasi alam naman natin kung gaano kausok sa Maynila. So this is just so refreshing.

May mangilan-ngilang tao ang nakakilala sa amin at nagpa-picture, pinagbibigyan na dna lang din namin. They are after all the reason why we got this far.

Pagkalabas namin ng airport eh agad kaming sinalubong ni Mang Ramon, ang driver namin. Nasa mga 50’s na ito, at mabait ito at magaan ang mukha.

“Hi po Mang Ramon!” Bati namin sakanya, tapos si ate Kara naman ang luampit at nakipag-kamay dito.

“Ako po pala si Kara, ako yung manager ng team. Ito naman ang fiancé ko, si Cha at ito yung mga bulilit na kasama ko.” Sabi niya at nagpakilala na kami isa-isa.

Sumakay na din kami sa van na sasakyan namin papunta don sa bahay na pagst-stayhan namin. Habang nasa-byahe hindi na kami nag-close ng binata kasi napaka-ganda ng weather at hindi naman mausok. ‘Di tulad sa Manila na dapat laging naka-close ang windows mo dahil sa usok at ingay.

Ibang-iba dito, maliit lang siya pero parang napaka-peaceful ng lugar. Para siyang maliit lang ng village, yung tipong marerelax ka talaga kapag nandito ka.

“Mang Ramon, saan po ba yung bahay na titirhan namin?” Tanong ni ate Kara, at kami naman ay napatango.

“Ah malapit yun sa Dipolog Boulevard, napaka-ganda po ng bahay na yun ni Sir Tony. Pero wala namang nakatira don, parang resthouse lang kung sakaling pupunta siya dito.” Sabi ni Mang Ramon, medyo naee-xcite na tuloy kami sa magiging bahay namin for 1 week.

Nagkuwento pa si Mang Ramon tungkol dito sa lugar nila, sa trabaho niya at sa bahay na titirhan namin. Napag-alaman din namin na taga-rito pala si Mang Ramon pero paminsan-minsan ay pumupunta ng Maynila para pagsilbihan si Sir Tony.

Medyo malayo-layo pa naman daw yung byahe kaya naisipan naman ng iba sa amin na matulog muna at bumawi ng lakas. Itong katabi ko, sumandal na balikat ko. Magkahawak ang mga kamay namin, di ko nga rin mapigilang mapangiti. Wala lang, parang nakakagaan lang sa pakiramdam sa tuwing nakahawak siya sa kamay ko.

“Hoy Besh ibang ngiti yan ah, kinilig ka kay princess libero noh?” Panuksong tanong ni Ella, inirapan ko ito.

“Alam mo, ikaw kung ano-ano yang pinag-iisip mo. Bakit may bayad na bang ngumiti ngayon?” Pamimilosopa ko sakanya, at ako naman ang inirapan nito.

“Libre naman pero iba kasi ang ngiti mo, hindi ko siya maexplain pero iba talaga siya.” Sabi niya sa akin habang nakatutok pa rin sa mukha ko na para bang alien ang mukha ko. Napaka-ano talaga ng babaeng toh.

“Alam mo itulog mo lang yan.” Sabi ko sakanya tapos ay sinout ko yung glasses ko atsaka ko siya ningitian.

“Hay nako, hindi ko pa alam pero hindi talaga ako titigil hangga’t hindi ko yan nafi-figure out yan…” Sabi niya sabay turo sa mukha ko. Bumalik na din ito sa pagkakaupo niya at nakipag-usap kay Mae or more like nakikipag-bangayan. Asus, sarap ibuking nito eh, kung hindi ko lang best friend to sus binuking ko na toh kay Mae.

BurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon