Chapter 22: Lambingan 101

19.9K 341 30
                                    

AN: Guys!!!!!! Thank you so much sa magandang reviews at sa votes!

I just got home from our beach, I spent my time with my family. Atsaka I was able to spend my time with my cousin who just got home from Cebu. .

Sorry ha, ang daldal ko na! Hehehe. So here is chapter 22! :D

_____________________________________________________

Alyssa’s POV

“Ano manong, nag-enjoy kayo sa music?” Tanong pa ni ate Fille pagkababa namin sa van.

“Ah eh, hehehe.” Sabin a lang ni Manong, natawa naman kami sa naging reaction nito. Hahaha, di makasagot si manong eh.

“Eh ikaw babe nag-enjoy ka bas a mga kanta namin?” Tanong ni ate Cha kay ate Kara tapos kumapit pa ito kay ate Kars. Hahahaha, lagot ka ngayon.

“Ah eh, oo naman babe. Hehehe, to be honest medyo basag talaga pero when it comes to you, your voice always sounds like an angel. Kahit boung araw pa kitang pakinggang kumakanta, okay lang.” Sabi ni ate Kars tapos mas lalo namang yumakap si ate Cha sakanya. Yun lang, nakuha sa banat.

“Aysus, uto-uto talaga tong si Soriano.” Sabi pa ni ate Gretch, na agad namang siniko ni ate Fille.

“Tara na nga.” Sabi naman ni ate Dzi at kumuha na kami ng ticket.

Syempre yung ride all you can yung kinuha namin, at ang swerte pa namin kasi wala daw masyadong tao sa loob ng fantasy land kaya solo namin ang lugar. Working hours kasi ngayon.

“Excited na ako.” Sabi nitong katabi kong bata, na parang din a mapakali sa pwesto niya.

“Di nga halata eh.” Sabi ko pa pero di ako pinansin nito, excited nga.

“Eto na yung ticket guys.” Sabi ni ate Dzi, walang pasabi-sabi kumuha ng dalawang ticket si Den tapos hinila ako papuntang entrance.

“Oy teka!” Pero din a ako pinakinggan nito, nakapasok na rin naman kami sa loob.

“Wow!” Sabi nito na parang batang pinagmamasdan yung mga rides.

“Oh easy lang, san mo ba gusto mauna?” Ngiting tanong ko, grabe ang cute talaga neto.

“Don tayo, dali!” Sabi niya at nagpunta kami sa bump cars, hahahaha. Feeling ko tuloy may kasama akong elementary, oh well she’s the cutest though.

Nagpapahila lang ako sakanya kung saan-saan, naka-ilang ulit kami sa bump cars. Tspo hinila naman niya ako sa Galleon.

“Oy teka, teka.” Pagpipigil ko dito, bago pa man kami makapila kasama sila Marge.

“O?” Tanong ni Den sa akin.

“Sigurado ka ba jan, I mean safe ba talaga yan?” Nag-aalangang tanong ko habang naka-tingin don sa ride.

“Huh? Teka, is Alyssa Valdez scared?” Parang nanunuksong tanong nito sa akin.

“H-huh? Hindi ah, tara na nga.” Asar na sagot ko tsaka ko siya hinila sa ride, naririnig ko naman itng tumatawa. Di ko na lang pinansin.

“Dito po ma’am.” Sabi nong guide, sasakay n asana si Denden ng pigilan ko ulit ito.

“Teka, oo na. Natatakot na ako.” Nakayukong pag-amin ko sakanya, hinintay ko itong tumawa pero hindi ko ito narinig.

Iniangat ko ang mukha ko para tingnan ang reaksyon nito.

Nakangiti lang ito habang nakatingin sa akin tapos ay hinawaka ang kamay ko.

BurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon