One Shot: Bonus Shot

13.9K 323 49
                                    

AN: Guys, this is not an update but I just want to share this one shot na nabasa ko that was shared by my cousin. I made an Alyden version of it because I got so inspired by that one shot. The title is Rainy Day, originally ang pangalan ng mga characters is Jazz and Peach. And the school was UP.


I promise you this shot is so inspiring na sobrang eye opener talaga. I love this one.


So here it is! :D

__________________________________________________________________


Kabisado ko na ang lugar na ito. Well-manicured ang lawn. Man-made ang lagoon. Flowering shrubs. Kahit simple lang ang libangan, halata pa ring puro mayaman ang nakalibing dito. Pero kahit yata nakapikit ako eh makikita ko ang puntod na 'to na nailaliman ng malaking punong Acacia.

Binasa ko ang naka-ukit; Alyssa Valdez at Dennise Michelle Lazaro, died on December 16, 2013.

Habang tinitingnan ko ang unti-unting pagtunaw ng kandila, hindi ko maiwasang isipin na sina Aly at Den, at kung bakit nandito sila ngayon.

Team captain ng women's volleyball team ng Ateneo si Aly. Kahit sikat siya sa campus, hindi siya ma-ere. Lahat yata ay napapahanga niya sa sobrang kabaitan at pagiging charmer niya, pero  maypagka maloko din yun at alaskador, hindi lilipas ang araw ng wala siyang inaasar. And one more ting, proud siyang ipagsigawan sa mundo na isa siyang lesbian.

"Why should I apologize for it?" Yon ang laging sagot niya sa tuwing may nagtatanong sa kanya about sa sexual reference niya. Pero deep down, alam ko siya was deeply hurting.

Aly was from a rich and prominent family sa Batangas. Kaya siguro hindi siya mattanggap ng pamilya niya, disgrace at kahihiyan daw si Alyssa para sakanila. Isipin mo nga naman isang CEO ang daddy niya at church person pa ang mommy, kaya makakasira daw sa pangalan ng mga Valdez. Sa pamilyang tulad nila, nakakahiya nga namang magkaroon ng anak na lesbian or bading.

Kinakahiya pa rin siya ng parents niya, hindi raw siya mag-eexcel at magsa-suceed dahil walang puwang sa mundo ang mga katulad niya. Paparusahan daw siya ng Diyos dahil immoral siya.

Kaya sobrang tuwa lang ni Alyssa na pareho kaming narecruite sa Ateneo. Sa wakas daw, makakalayo na siya sa pamilya niya. Matatahimik na raw ang buhay niya kahit papaano. But I know better, because I know deep down nasasaktan pa rin siya kasi hindi siya matanggap ng pamilya, I know na kahit ganon ang nangyari ay namimiss niya ang family niya.

Maliban sa pagiging team captain ng Ateneo women's volleyball team, consistent dean's lister din si Aly. Pero never na nalaman ng pamilya niya ang achievements niya. Paano ba naman, simula ng dumating kami dito, pinadadalhan na lang siya ng pera ng parents niya. Ni hindi man lang sumusulat o tumatawag para kumustahin ang anak nila. Si Aly din, hindi na nag-try na magreach-out.

"Kung noon ngang kasama ko sila sa bahay, hindi na sila interesado sa akin, ngayon pa kaya?" Katwiran niya sa akin ng kulitin ko siya na tumawag naman sa bahay nila, hindi na rin ako nakipagtalo. Buhat din non ay hindi ko na siya kinulit pang sumabay sa pag-uwi ko tuwing sembreak. Mula kasi nang dumating kami sa Manila, ni hindi na umuwi sa kanila si ALy, kahit pasko. Tuluyan na siyang naging estranged sa family niya.

BurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon