Chapter 49: The Issue

9.7K 199 19
                                    


AN: Sorry po if magiging sabaw to, sobrang lutang lang talaga ng utak ko mga dalawang araw na since Aly left UAAP. Sorry po, I hope you can understand.


_______________________________________________________________________________


Ella's POV

Kung hindi ko lang talaga naging best friend tong si Dennise at Alyssa ay baka nasapak ko na to sa ulo.

Paano ba naman, nagkalayo na nga pero ang harot-harot pa rin. Yang si Alyssa, paano ba naman araw-araw talaga nagpapadala ng bulaklak kay Dennise. Walang mintis sa pagpapakilig don sa kaibigan naming para ring asong ulol na ngiting-ngiti, pero minsan biglang iiyak tapos ngingiti uli. Nabaliw na ata.

Tulad ngayong araw, kaninang umaga nakangiti pa yan nong matanggap yung padalang bulaklak at note ni Alyssa tapos ngayon ay umiiyak na.

Sarap bigwasan.

"Hoy, ba't umiiyak ka naman jan?" Tanong ko dito at inabutan ko ng tissue, ubos na ata tissue namin dito sa dorm.

"Namimiss ko na kasi si Alyssa besh eh." Pagdra-drama nito, hysterical na nga eh.

Napa-irap na lang ako sa inaasta nito.

"Ewan ko sayo Besh, nababaliw ka na ata. Segu-segundo naman kayong nagkakausap ni Aly ah?" Sabi ko naman dito. Totoo kaya yun, kahit hating gabi ay nagtetelebabad pa sila ni Aly. Kunsabagay, iba kasi ang time dito at doon.

"Iba naman kasi yung nahahawakan ko si Ly, tapos nahahalikan atsaka-"

"Op, tama na. Kung ano pang detalye yang sasabihin mo jan, bibigwasan na talaga kita. Pero sa totoo lang parang di ka naman masyadong nalulungkot eh, madalas naman kayong magkasama ni Amanda." Sabi ko dito sabay hirit na rin.

Nagdududa na kasi ako kay Dennise at Amanda eh. Araw-araw na kasi silang lumalabas atsaka late pa minsan umuuwi yang si Dennise.

I mean, wala namang problema kung maging magkaibigan sila ni Amanda pero iba naman na yung araw-araw na sila nagha-hangout tapos ang weird pa kasi parang ex narin ni Ly si Amanda.

Ewan ko, pero nakakaduda lang talaga. At kung tinatanong ko naman si Den tungkol sa mga lakad nila ni Amanda ay hindi naman ito sumasagot ng maayos, ewan ko ba. Baka nagiging paranoid lang ako o ano.

"Ah yun, wala. Nagpapaturo ako ng tennis, marunong pala kasi si Amanda. Ang galing niya pa Besh." Sabi pa nito, o kitams. Sino bang hindi magdududa niyan.

"Ah so, may lakad ulit kayo ngayong hapon?" Tanong ko dito, kunware parang wala lang.

"Yep, teka nakakahalata na ako sa inyo ha. Ba't parang tanong kayo ng tanong tungkol sa amin ni Mands?" Tanong nito sa akin na parang nagdududa.

Sa totoo kasi niyan, lahat kami ng team ay nagdududa na. Nagpla-plano na nga si ate Gretch na sundan ang dalawa eh.

"Do you want me to be honest?" Sabi ko dito at naging seryoso na din ako. Kung walang nangahas na tanungin tong si Den edi ako na lang para matapos na din tong kung ano man to.

"Geh lang." Sabi nito na parang wala lang.

"Honestly, the team is weirded out or more like nabo-bother kami sa closeness niyo ni Amanda. I mean, alam namin na you guys are friends kaya lang parang sobrang close niyo naman ata. Atsaka hindi ka pa nagsasabi kung saan ang mga lakad niyo. And I know na dapat magtiwala kami sayo, specially ako kasi best friends tayo, pero kasi you had a history kasi of hurting Ly and we just don't want you guys to go through that again." I said and all I could see sa expression ni Den is confusion and hurt, oh god.

BurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon