Chapter 58: Emergency Call

5.3K 141 8
                                    

AN: So, I'm back! Hehehe, I know antagal na talaga! Sorry, I was kinda fixing some stuff pa. Alam niyo na kahit summer busy pa rin, pero heto na po ako at magu-update na at humihingi ng tawad sa hindi ko po pag-update ng mas maaga.

By the way guys, anong thoughts niyo about don sa scandal ni Mister Ravena? Sa totoo lang nanggagalaiti ako sa tuwing iniisip yun kasi naku...........! Ah basta, share your thoughts down sa comment section!

So here is my update! Medyo sabaw to, pero mag-uud naman ako siguro this coming Friday! Di ako busy eh! Hahaha. 

__________________________________________________________________



Alyssa's POV

I was on a water break, nakikipag-harutan with my Dennise when a received an important call. Nabulabog ako when it was a drunk ate Rachel who was on the other line.

First of all, hindi naman mahilig si ate Chel kaya imagine my surprise. Panglawa, mag-isa lang pala siya.

And mas lalo akong nasorpresa na ang dahilan ng pagdidileryo niya ay dahil sa nag-away sila ni ate Jov.

Kung meron man akong kilalang couple na hindi nag-aaway ay sila yun. I mean, tampuhan meron pero yung mga away na umabot talaga sa point na may naglalasing wala pa. Well, not until now.

"Ano ba nangyari kasi?"

"Nakakainis na yang kapatid mo Alyssa, makikipaghiwalay na ako sa walangyang kapatid mo leche!"

"Hoy ate Rachel, walang maghihiwalay! Ano ba, pupuntahan kita. Asan ka ba? Wag kang gagawa ng kagagahan!" Dali-dali ko namang niligpit yung mga damit ko sa gym bag, si Den naman tiningnan lang ako sa mata na nagtatanong.

"Nandito ako sa bar malapit sa village naming, leche wag na wag magpapakita yang kapatid mo sa akin Alyssa." Tapos hamagolgol na siya sa kabilang linya, lasing na nga ata eh. Pucha ang aga-aga pa oh, 6 PM pero sabog na.

"My, kailangan kong puntahan si ate Chel. Emergency eh, sorry talaga My." Sabi ko naman sakanya, tapos napalitan naman ng pag-aalala ang mukha niya.

"Huh? Hala, sige My puntahan mo na. Baka kung ano pang mangyari sakanya, atsaka okay lang. Sige na, mag-ingat ka sa pagdr-drive." Sabi naman nito sa akin, at malungkot naman akong ngumiti dito.

"Sayang yung dinner date natin eh." Naghihinayang saad ko, lumapit naman ito sa akin at hinawakan ang mga pisnge ko.

"It's okay, atsaka gusto lang kitang makasama pero kailangan ka ng mga kapatid mo. Okay?" Ngumiti ito sa akin kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Okay, I love you." Sabi ko at mabilisang hinalikan ang mga labi niya.

"Love you too, now go." Kaya naman patakbo na akong umalis ng BEG.

When I got in my car agad na nilagay ko yung gym bag ko sa backseat at nag-drive na kaagad sa bar na sinabi ni ate Chel.

Habang nagdr-drive ako tinawagan ko naman si ate Jovelyn, agad din naman itong sumagot.

"Ly, it's not really a good time to chitchat." Agad na pambungad nito sa akin.

"What the heck happened between you and ate Rach?!"

"Paano mo nalaman?" Malungkot naman nitong tanong sa akin.

"I talked to h-"

"Wait, you talked to her?!"

"Ye-"

"Where is she?! Ano? Okay lang ba siya?!" Napa-iling naman ako.

"Yes, I talked to her. She sounded so hurt, what the heck did you do ba kasi?!" Inis kong tanong, paano ba naman kasi kung kelan ikakasal tsaka nagdrama.

BurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon