Chapter 51: What The Hell?!?!

9.5K 202 53
                                    


AN: As always, sorry. Hahaha, alam niyo na ang hirap pala talaga ng K-12 pero masaya naman. Nakakawindang lang yung iba kong classmates. Atsaka I am really trying to write naman eh pero I just keeps on experiencing heartbreak after heartbreak hehehe, ooops dito pa ako magdr-drama hehe.

Guys, I just want to really thank you for the messages and motivation. And I really should stop falling in love with the wrong people and just focus na lang sa pagsusulat at studies. Diba guys? Hehehe, ang hirap naman kasing umiyak na lang lagi diba?

I was actually thinking of deleting or deactivating my wattpad account pati na rin siguro yung other social media accts ko, I just really need a break. I've been really beat up lately hehe. Pero hindi ko pala kaya iwan ang mga mahal  at makukulit kong readers na laging nandjan to support me hehe.

Anyway, one advice. Always jump that free fall even if you know no one will catch you at the very end, even if it hurts. Bakit? Wala lang test niyo lang kung gaano kayo katang, joke! Hahaha. But seriously, just jump and enjoy the pain cause it will make you stronger.

I love you guys! :D

So tama na tong drama, this is it na o! :D

_______________________________________

Alyssa's POV

This morning I have received a text from Gretch saying that I need to call her ASAP kahit ano pa yung time. Si ito nga ngayon, nong tinawagan ko naging hysterical na. Pero ayaw naman niyang sabihin if ano bang problema.

"Hay naku Aly, you need to come home. I am telling you and laking gulo na dito, you really have to come home. We are worried and we do not know what to do anymore. Pati kami naaapektuhan na, you reall-"

"Okay Gretch, I get it. I need to come home? Pero bakit nga?" Kanina ko pa siya tinatanong niyan, hay nako parang baliw na nga.

"Basta Ly..." Sabi nito na parang sobrang laki talaga ng problema, bigla tuloy akong nangamba.

"Does it have to do with my Dennise?" Nababahala kong tanong sakanya, at bigla naman itong natahimik sa kabilang linya na mas lalong nagpakaba sa akin.

"Gretch, what is happening?" Naguguluhan at natatakot na tanong ko dito dahil hindi na ito sumasagot.

"Basta Ly, sasabihin ko na lang pag uwi mo. Kelan ka ba uuwi?" Tanong nito, at napangiti naman ako thinking of the day na uuwi ako.

"Soon, I'll be home soon." Nag-usap pa kami ng konti ni Gretch bago ko pinutol ang tawag.

Pagkatapos ng tawagan namin ay si Den naman ang tinawagan ko, wala daw kasi ito sa dorm at kasama na naman daw si Amanda. I'm glad that they are doing great together, pero yung teammates ko pa ring iba ang timpla.

Ewan ko ba don sa mga yun, hindi naman sila mukhang galit basta iba lang.

Hay naku, matawag na nga lang si Den at namimiss ko na.

First ring pa lang ay agad na sinagot ni Den yung tawag ko, at sobra naman akong napangiti.

"I miss you My." Agad na bungad nito sa akin, at rinig ko na agad ang pamilyar na lungkot sa boses nito.

"I miss you too." Sagot ko naman dito. "Did you get the flowers that I sent?" Tanong ko dito at di ko na maiwasang malungkot. Kasi kung nandon ako sana nakita ko ang naging hitsura nito if ako ang nag abot ng mga bulaklak sakanya.

"Yes love, they're beautiful. I wish you were that one na umabot non sa akin." Malungkot na giit nito sakin.

"I wish I was there too."

BurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon