Chapter 34:

12.3K 259 7
                                    

AN: As promised, here is my update! :D


Medyo natagalan kasi nagbrownout eh kaya nadelete yung sinulat ko so I have to rewrite.

____________________________________________________


Denden's POV

Nagising ako kasi may yumuyogyog sa akin. Kaya naman dahan dahan kong inimulat ang mga mata ko. Grabe ang sakit ng katawan ko, ang bigat pa ng ulo ko.

"Den, gising na muna." Si ate Cha pala akala ko si....hay. Bakit ba ako nag-expect eh wala naman na siyang pakiealam sa akin.

Bumangon na ako pero sinandal ko ang katawan ko sa headboard, ang sakit ng ulo ko eh.

"Kain ka muna, di ka pa kumakain ng dinner." Sabi ni ate Cha at nilapag yung dala niyang tray.

"Anong oras na ate Cha?" Tanong ko habang menamasahe ang ulo ko, para akong pinupokpok ng baseball bat.

"9:00 pm na Den." Sabi ni ate Cha at umupo sa may paanan ng kama ko.

"Ah ganun po ba." Sabi ko lang, I'm losing track of the time.

"Kumain ka na Den, baka lumamig na tong niluto ni Al- ni ano, ni Kara. Oo tama si Kara ang nagluto kaya kumain ka na." Huh?

"Ah eh, sige po." Sagot ko na lang, may mali talaga dito kay ate Cha.

"Sige, kukuha lang ako ng tubig para dito sa gamot mo." Sabi ni ate Cha.

"Ah okay po, thank you po ulit sa pag-aalaga." Sabi ko sakanya.

"No need to thank me." Sabi niya lang, may pinapahiwatig ba tong si ate Cha?

Lumabas naman na siya ng room. At nagsimula na rin akong kumain, sobrang sarap naman neto. I should thank ate Kara for this meal.

Pagbalik ni ate Cha may dala na itong tubig para sa gamot na iinumin ko, agad ko naman akong uminom ng gamot pagkatapos kong kumain.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin.

"Ah, medyo masama pa rin pero magiging okay din to, konting pahinga lang." Sabi ko, kailangan kong magpalakas agad. Paano na lang ang bagay na gagawin ko para kay Ly kapag  manghihinga ako dito.

"Hay nako Denden, wag mo namang pabayaan ang sarili mo. Nag-aalala kami sayo eh, lalo na ako." Sabi ni ate Cha, at napabuntong hininga na lang ako.

"Realizing how much it hurts when the person you miss is doing everything they can to keep a distance from you. I suppose I brought this upon myself, I broke her heart, so in result she's doing it back at me." I said as tears threatening to roll down my face.

"Well, you both hurt yourself. Alyssa is just making this complicated by simply not trying to listen to whatever you have to say. Pero sana naman Den, wag mong papabayaan ang sarili mo." Ate Cha said and I just simply nodded my head.

BurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon