29

108 5 34
                                    

29 : Label

"I'm here to review the progress of the project,"

"Feel free to visualize the project," tumango ako bago naglakad papunta sa site ng bahay ni Markhus.

Malapit na itong matapos, naging maayos naman lahat. Mukhang magiging maganda ang kalalabasan ng proyekto na ito.

Paminsan-minsan nalang akong pumupunta sa site dahil halos buong araw ay nasa opisina ako.

"Architect Salguero, coffee?" inabutan ako ni Architect Romero ng kape bago tumayo sa tabi ko.

"Grabe yung trabaho sa site, ang init pa," saad ni Architect Romero bago tiningnan ang monitor ng computer ko.

"May kumukuha sayo?"

"Oo, isang building yung ipapa-design,"

"Kunin mo," aniya bago ko binuksan iyong kape na binigay ni Architect Romero at ininom.

"Di pa nga tapos yung project ko,"

"Grab the opportunity, baka kapag nagustuhan yung design mo malay mo madami pang kumuha sayo, edi baka dito kana tumira sa Pilipinas," natahimik ako dahil sa sinabi ni Architect Romero.

Ako? Titira ulit dito sa Pilipinas?

Paano sila mama at papa sa Amerika?

"Temporary lang ako dito, katapos nitong proyekto ko babalik na ako sa Amerika," saad ko bago sumandal sa inuupuan ko.

"Sabagay mataas din ang sahod doon sa Amerika, gusto ko nga mapunta doon eh,"

"Ano nang oras?"

"Alas-dos, bakit pupunta ka doon sa site?"

"Oo, malapit na nga matapos yung proyekto. Baka nga next month tapos na," saad ko bago inayos ang mga gamit ko na dadalhin ko sa site.

Pagkarating ko sa site ay walang sumalubong sa akin na Vergel.

"Nasaan si Architect Perez?" tanong ko sa isang trabahador na nakasalubong ko.

"Nasa tabing dagat po ma'am,"

"Salamat po," saad ko bago dumiretso sa tabing dagat. Buti na lang at hindi mainit dahil natatakpan ng ulap iyong araw.

Walang sabi-sabi ay umupo ako bigla sa tabi niya. Nakayuko siya at tahimik lang na nakaupo sa buhangin.

"May problema ba?" tanong ko sakanya.

"Oo," sagot niya.

"Ano?"

"Namatayan," sagot niya kaya napatango.

"Kaibigan ko iyong nawala," saad niya habang nakayuko pa din.

Napatango ako bago tahimik na lang siya na sinamahan.

I know it's hard to lost a friend.

"It's Aspen," saad niya kaya natigilan ako bago siya hinarap.

"You mean our classmate?"

"Oo," napatakip ako sa bibig ko dahil sa nalaman ko.

"Iyong lagi mo ding ginugulo?" tanong ko.

"At yung tanging nakaintindi sa akin noong umalis ka..." saad niya kaya napakagat labi na lang ako.

"Alam kong madami siyang pinagdaanan pero masaya ako sa kabila ng lahat ng iyon, natupad pa din iyong pangarap niya na makasama si Deinne bago pa man siya tuluyang..."

Para akong sinasaksak sa puso noong nakita ko si Vergel na nagpipigil ng iyak.

"Lagi niyang sinasabi sa akin noon na sana ay makita niya ulit si Deinne kahit masaya na ito sa iba, pero swerte ng gagong iyon eh. Para talaga sila sa isa't isa, akalain mo ilang taon na ang lumipas pero mahal pa din nila ang isa't-isa," nakikinig lang ako sa mga sinsabi niya.

Sa sinabi ni Vergel, alam kong para talaga sa isa't-isa ang dalawa pero iba din ang plano ng tadhana eh.

Bakit kase pinatay pa ng author si Aspen.

De joke lang.

"Pero alam kong mas masakit ito para kay Deinne," saad ni Vergel bago nag-angat ng tingin at lumingon sa akin.

"Alam mo, dati kinukwento sa akin ni Aspen iyong mga karanasan niya noong magkasama sila ni Deinne, ang saya ko noon kase nakaka-relate ako. Dahil naramdaman ko din iyong nararamdaman niyang saya sa tuwing nakikita niyang masaya iyong mahal niya,"

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya, pero ang alam ko lang ay siya lang.

Siya lang ang lalaking nagparamdam sa akin nito at tanging siya lang at wala ng iba.

"Kailan siya namatay?"

"Last three days, magkikita-kita sana ulit kami nina Reyna atsaka nila Deinne at Aspen dahil nalaman namin na malapit lang sa site iyong rest house na pinuntahan nilang dalawa kaso ayun nga,"

"May he rest in peace," saad ko bago hinawakan ang pisngi ni Vergel at tiningnan siya gamit ang mapupungay ko na mata.

"If you go visit Aspen, can you please bring me with you?" tanong ko sa kaniya, isinandal niya naman ang pisngi niya sa kamay ko bago tumango.

"I'll also introduce you to my friends," saad niya.

"Bakit? Sinagot na ba kita?"

"Eh ano pala yung 'love you too' mo?" itinikom ko nalang ang bibig ko kaya natawa siya.

"Thanks for listening to me, dagdag points ka sa akin," saad niya kaya napangiti ako.

"Ewan ko sayo, tara na balik na tayo," saad ko bago tumayo.

"Balik na tayo sa dati?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Pinagsasabi mo, tayo na diyan,"

"Okay mahal," saad niya bago tumayo at hinawakan ang kamay ko at pinagsalikop ang mga kamay namin.

"Simula ngayon may label na tayo,"

"Hanggang kelan?" pabiro kong tanong sa kanya.

"Ano pang punto nitong label natin kung hindi naman pala ito mapupunta sa kasal?" padabog niyang tanong kaya natawa ako.

"So ibig sabihin jinowa mo ako kase sigurado ka na ako ang magiging asawa mo?"

"At ina ng mga anak ko," pagpapatuloy niya sa sinabi ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya bago ko siya inunahang maglakad.

"Kilig ka lang eh," saad niya bago ko narinig ang halakhak niya.

Oh ano Aurelia Denise? Babalik ka pa ba sa Amerika?

Let Me Hear You (CRS #7)Where stories live. Discover now