09

112 4 18
                                    

09 : Perfect

"Yan ang mga makakalaban niyo, nandiyan ang mga heights nila pati ang taas ng talon nila, lahat-lahat kaya basahin niyo ang mga iyan, pinaghirapan ko yan," saad ni Riza bago inabot sa amin ang mga papel na kasing kapal ng libro namin sa History.

"Seryoso ka?" tanong ni Kylie habang tinitingnan ang papel na binigay sa kanya.

"Oo, palibhasa ikaw hindi ka nagseseryoso eh pero ngayon kailangan mong magseryoso," saad ni Riza. Tinanggap ko naman ang papel na binigay sa akin.

"Anong hindi? Sineryoso ko nga si Markhus---"

"Sige, yun lang ang dahilan bakit ko kayo pinatawag dito." saad ni coach.

"Bumalik na kayo sa mga room niyo, bago pa man magsimula ang examination,"

Oo nga pala, ngayon na ang exam namin.

Sabay kaming tatlo nina Riza bumalik sa room at kabalik namin ay medyo madami na ang mga kaklase namin na nandoon.

"Anong first subject na sasagutan?" tanong ni Reyna sa president namin.

"Wala pang binigay si ma'am na schedule eh," saad nung president namin.

"Nise, yung axiomatic geometry ba yung ire-review? " tanong ni Kylie habang nilalabas ko iyong reviewer ko.

"Yun yung kailangang i-review?" tanong ni Riza habang inaayos ang reviewer niya.

"Oo," sagot ko sa kanila bago nagsimulang mag-review.

"Guys, hiwa-hiwalay niyo ng kaunti mga seats niyo," saad ni Justine na presidente namin sa room.

"Magtetest na ba?" tanong ni Vergel.

"Hindi, pero kapag nandito na si ma'am edi hindi na tayo mag-aayos diba?"

"Sabagay," rinig kong saad ni Vergel.

Lately, mas lalong nagpapapansin etong si Vergel sa akin lalo na kapag break time nila sa pagba-basketball. Speaking of volleyball, medyo nasasanay na ako na maging ka-team sila ate Julia at nagagawa ko na ding saluhin iyong mga spike nila.

"Denden, may ballpen ka?" tanong ni Vergel dahilan para mawala ang atensyon ko sa nire-review ko.

"Denden?"

"Ay ayaw mo ba nun? Sige mahal nalang pala," nagsalubong ang kilay ko kaya napangiti siya bago tinaas ang dalawang kamay niya na parang sumusuko.

"May ballpen ka?" I look at him with a 'are you kidding me?' look. Napatango naman siya at mukhang nabasa ang tingin ko.

"Oo nga, wala akong ballpen. Mabuti nga naiisip ko pang ibalik sayo iyong ballpen na ipapahiram mo sakin pero ikaw yung puso ko hindi mo na binalik," napabusangot ako bago kinuha ang isa pang ballpen sa loob ng bag ko at agad iyong inabot sa kanya.

"Malandi kang haliparot ka, tigilan mo ako dahil hindi ako mahuhulog sa mga pinagsasasabi mo," saad ko sa kanya bago siya tinulak palayo.

"Sumbong kita sa pulis eh. Kung yung nararamdaman mo din sana ay ibalik mo saakin edi hindi na tayo aabot sa presinto," rinig kong reklamo niya na parang bata.

"Nahiya naman ako sayo na nakulong dahil nagnakaw ng ballpen," nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Reyna na dumaan sa gilid ko. Napasinghap si Vergel bago tinakpan ang bibig ni Reyna.

"Gaga ka talaga, wag mo akong siraan sa harapan ni Denise!" agad na tinanggal ni Reyna ang kamay ni Vergel bago humarap sa akin.

"Iyang si Vergel, magnanakaw na nga lang ng ballpen tapos yung wala pang tinta," napatakip ako ng bibig ko para pigilan iyong tawa ako.

Are they serious?

"Seryoso? Kailan nangyari?" tanong ko habang pinipigilan ang tawa ko.

"First year palang kami nun," saad ni Reyna bago ngumisi kay Vergel.

"Nakulong talaga siya nun," tumawa si Reyna nang parang mangkukulam bago malaki ang ngising bumalik sa pwesto niya.

"Jusko Vergel, magnanakaw ka na nga lang ng ballpen tapos wala pang tinta? Wala ka pala eh!" saad ni Kylie dahilan para mas lalong napabusangot si Vergel.

"Masarap bang matulog sa kulungan?" nakakalokong tanong ko.

"Ayos lang kung mukha mo ang una kong makikita, paggising ko sa umaga---"

"Kaharutan level, unreachable," saad ni Kylie.

"Bitter ka lang kase wala kang kaharutan, wala si Mark eh," saad ni Vergel, napailing na lang ako sa kanilang dalawa ni Kylie.

Agad na tumahimik ang mga kaklase ko noong pumasok na ang adviser namin na magbabantay sa amin habang nag-e-exam.

"Class bibigyan ko kayo ng ten minutes review, pero ihanda niyo na ang mga ballpen niyo," saad ni ma'am bago inayos ang mga test paper na ipapamigay niya mamaya.

"Kabado isang libo," saad ni Kylie.

"Kabado tatlong libo," saad ni Riza.

"Dito nakasalalay ang kinabukasan natin," saad ko bago tinali ang buhok ko para habang nagsasagot ay walang sagabal.

"Eto ang tatlong subjects na sasagutan niyo ngayong umaga," saad ni ma'am bago sinulat sa board ang mga subjects na sasagutan namin.

"Mare may chika pala ako," biglang saad ni Kylie bago lumapit sa aming dalawa ni Riza.

"Ano yun?" interesadong tanong ko.

"May napaginipan akong gwapo kagabi kaso na-deado ang potek," saad niya bago impit na tumili.

"Gaga, mag-review ka na nga---"

"Goodluck," saad ni Vergel bago ngumiti. Nag-angat ako ng tingin sa kanya bago tinabi ang reviewer ko.

"Isa nga ding goodluck diyan baka kase mamaya ma-perfect ko lahat ng exam," saad niya bago kumindat, napangiwi ako bago umayos ng upo at pinag-krus ang mga braso ko.

"Asa kang mape-perfect mo ang mga exam," saad ko bago siya inirapan.

"Hala ka, kapag may na-perfect ako na exam, papayagan mo ba ako sa gusto kong mangyari?" tanong niya bago lumitaw sa labi niya ang nakakaloko niyang ngiti.

Gusto niyang mangyari?

Bakit parang kinakabahan ako.

"At ano naman ang gusto mong mangyari? Bakit kailangang involved pa ako?" nakakunot ang noo ko habang tinatanong ko iyon sa kanya.

"Kase yung gusto kong mangyari ay kakailanganin pa ng consent mo," saad niya bago napakamot sa likod ng ulo niya.

"Ano nga," saad ko bago napatingin sa relo ko.

"Gusto ko, payagan mo akong ligawan ka. Alam ko namang hindi kita maliligawan ng hindi ka pumapayag," saad niya bago ngumiti.

Nanigas ako sa kinauupuan ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

Let Me Hear You (CRS #7)Where stories live. Discover now