07

131 7 22
                                    

07 : Milk

"Tawagan natin!" pangungulit ni Kylie.

"Wala nga akong load," saad ko sa kanya. Kanina niya pa ako kinukulit na tawagan ang number ng taong tumawag sa akin noon at kinantahan ako.

"Kailan mo ba balak tawagan? Nakakamiss boses niya," napahiga si Kylie sa kama ko habang nakaupo naman ako.

"Kapag may rason na ako para tawagan siya," sagot ko bago tinanggal ang indoor slippers ko at humiga na sa tabi ni Kylie.

"Wushu, sa pasko tawagan natin tapos pakantahin natin ng Christmas song," makahulugang ngumiti si Kylie kaya napailing nalang ako bago tumingala sa kisame.

"Hindi ko expect na nagtatrabaho pala si Vergel sa palengke," saad ni Kylie kaya bigla kong naisip si Vergel.

The fuck?

Umiling-iling ako para mawala sa isip ko ang kumag na iyon.

"Anong iniiling-iling mo diyan? Tinatanggal mo mga balakubak mo sa ulo?"

"Tangina mo, gusto mo patulugin kita habangbuhay?" napanguso si Kylie dahil sa sinabi ko.

"Huwag po! Hindi ko pa natatanong si Markhus kung papakasalan niya ba ako," napangiwi ako dahilan para mas lalong ngumuso ang gagang to.

"Makatulog na nga lang," saad ko bago pinatay ang lamp shade na nasa katabing bed table sa gilid ko.

"Bukas mag lotion tayo, mga boys yung gagamit ng court,"

Pero bakit kami ngayon ang gumagamit ng court?

"Akala ko sa labas tayo?" tanong ko kay ate Julia.

"Naisipan nilang sa labas ulit sila dahil mag-jo-jogging sila," tumango ako bago nagsimulang mag-stretch.

Naka-shorts na kami at white tshirt tapos nakasuot ng volleyball shoes, tinali ko din ng bun ang buhok ko para hindi ako mahirapan.

"Three on three tayo ngayon!" sigaw ni coach habang nasa tabi niya si Riza na may notebook.

"Kampi tayo Aurelia," kumunot ang noo ko matapos marinig ang pangalang tinawag sa akin ni Kylie.

It's not like it's not my name, it's just it's the been a while since I heard someone call me that.

"Bakit? Nostalgic feeling?" tumango ako bago inayos ang knee pads ko.

"Yeah, tagal na din simula nung tinawag mo akong ganoon," saad ko bago ngumiti.

My teammates in Tinajero calls me that, tapos simula nung narinig ni Kylie na tinatawag akong ganoon edi tinawag niya din akong ganon paminsan-minsan nga lang.







"Water break!" sigaw ni Riza bago namigay ng tubig.

"Thanks babe, may kiss ka mamaya sa akin," agad na binatukan ni Riza si Kylie kaya napailing nalang ako habang umiinom ng tubig.

"Hi!" napunta lahat ng atensyon namin kay Vergel na nakadungaw habang kumakaway. Kumunot ang noo ko nung hinanap niya ang mga mata ko bago ngumiti ng maluwang.

"Makikipasok lang ako, break niyo naman eh," saad niya bago naglakad papasok ng court at mukhang papunta pa yata sa direksyon ko.

"Oh," napunta ang tingin ko sa strawberry milk na inaabot niya sa saakin.

"Bakit sa akin mo binibigay yan?" pinanliitan ko siya ng mata, napakamot naman siya sa likod ng ulo niya bago nagsalita.

"Ayaw mo ba ng strawberry milk? Anong flavor gusto mo?" hindi ko sinagot ang tanong niya, dahil baka mas lalo pang humaba ang sasabihin niya.

"Palaki ka ha?" he said before patting my head.

Badump.

Pinigilan kong ilagay sa dibdib ko ang kamay ko noong maramdamang biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Nararamdaman ko lang iyon kapag kinakabahan ako.

"Inumin mo yan ha? Calcium yan," saad niya bago ngumiti ng maluwang, halos mawala na ang mata niya dahil sa ngiti niya.

Agad akong nag-iwas ng tingin bago tinanggal ang kamay niya sa ulo ko.

"I'm already tall," masungit kong sabi sa kanya bago binuksan ang strawberry milk na binigay niya. Wala akong almusal dahil late na akong nagising. Kagaya ni Kylie.

"Sabagay, our heights are perfect for each other," saad niya kaya nagsalubong ang kilay ko. Bago ko ininom ang strawberry milk.

"Madali ko nung maaamoy buhok mo," saad niya dahilan para maubo ako habang umiinom ng gatas.

"Ay, speed ba ako masyado?" tanong niya bago ako dinaluhan.

"Ano bang pinagsasabi mo?!" agad akong lumayo sa kanya natawa naman siya bago ulit lumapit sa akin.

"Masyado na akong speed sayo, sabagay sigurado na ako sayo eh," mas lalo pa akong naubo kaya nagkaroon na ng pag-aalala sa mukha niya.

"Hala, wag ka mamatay," saad niya at mas lalong lumapit sa akin. Yung tipong naaamoy ko na siya.

Pawisan siya dahil kakagaling lang ng practice nila pero bakit ang bango niya pa din?

"Lumayo ka saking dimunyu ka," saad ko sa kanya napanguso naman siya bago tinawag si Kylie.

"Hoy! Lapitan mo nga tong prinsesa ko, ayaw akong palapitin," mas lalo pa akong naubo dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Putangina mo, tumigil ka na sa pagsasalita!" singhal ko sa kanya.

"Hala galit---"

"Hoy! Vergel! Anong ginawa mo kay Denise?! Ang ayos-ayos lang niya kanina ah!" agad akong nilapitan ni ate Julia, si Thea naman ay lumapit na din para bigyan ako ng inumin.

"Tawag ka na ng coach niyo," saad ni Riza kay Vergel.

"Ikaw talagang bata ka---!" hinabol pa ni Kylie si Vergel habang nakaambang hahampasin siya ng bote ng tubig.

Bago pa man siya tuluyang makalabas ng court, nagtama pa ang mga tingin namin.

Para siyang tuta na iniwan ng amo niya.

Let Me Hear You (CRS #7)Where stories live. Discover now