11

108 6 18
                                    

11 : Tinajero

"Guys, na-hacked yung Facebook account ko, kapag may nag-chat senyo tas nanghihingi ng pera bigyan niyo nalang para wala ng problema," tiningnan ko si Kylie na nakangisi habang nakatayo sa daanan sa loob ng bus.

"Tangina mo, kung hindi ka titigil masasapak na talaga kita," saad ni Riza na halatang puyat dahil nanood ng mga video ng gameplay ng mga makakalaban namin.

"Riza niyo puyat na, kahit hindi ka naman nagpuyat parang puyat ka pa din eh---" napaiwas nalang ako ng tingin nung tumayo si Riza sa pagkakaupo niya.

Ngayon na ang punta namin sa Tinajero, pero bukas palang ang simula ng Inter-high.

"I-tour namin kayo sa Tinajero University," saad ni Kylie.

"Doon kayo nag-aral dati?" tanong ni ate Julia.

"Oo," sagot ni Kylie.

"Ano guys? Ready na?" tanong ni coach pagkaakyat niya sa bus. Hinila ko naman si Kylie para makaupo na siya sa tabi ko.

"Ready na!" saad ni Mary na katabi si Rose.

"Coach! Tulog na agad si Christy!" saad naman ni Veronica habang nakatingin kay Christy na nakapikit na ang mga mata kahit hindi pa umaandar ang bus.

"Gutom na ako," saad ni Kylie bago kumuha ng tsitsirya sa bag na dala niya.

"Gaga, baka magsuka ka," saad ko kay Kylie habang inaayos ang headset ko dahil matutulog lang ako buong biyahe habang nakikinig ng kanta.

"Saglit lang naman yung biyahe papunta dun pero hihinto tayo sa isang mall para makakain ng agahan bago tayo dumiretso sa Tinajero University," saad ni coach.

"Nise, diba may opening ceremony dun sa Tinajero kapag Inter-high?" tanong ni Kylie.

Totoo ang sinabi ni Kylie, bago mag-Inter-high nagkakaroon ng opening ceremony sa Tinajero University para i-welcome ang mga players galing sa iba't-ibang Unibersidad.

Nakabukas ang gate ng Tinajero para sa lahat ng tao na gustong pumasok para bumili sa mga stall na tinayo ng mga estudyante doon o kaya ay gumala sa buong unibersidad.

"Makikita niyan natin yung mga kaklase natin dati," saad ni Kylie.

Naalala ko noon nung tinulungan ako ni Kylie at nung dati naming mga kaklase na alagaan si lola ko noong may sakit siya dahilan para hindi ako nakapag-aral ng ilang buwan at nanatili sa Tinajero para maalagaan si lola.

Pero masaya ako dahil ngayon ay maayos na si lola kaya nakabalik na ako sa pag-aaral sa Roundell.

"Aalis na tayo," saad ni coach, umandar na ang bus na sinasakyan namin, yung ibang mga players na nasa ibang bus ay umalis na din para pumunta sa kanya-kanyang Unibersidad na pupuntahan nila.

"May kapangalan pala si Veronica dun sa Tinajero," saad ni Kylie habang kumakain ng  chips.

"Yung kaklase natin dati?" tanong ko, tumango naman si Kylie. Sinuot ko na ang headset ko bago sumandal sa upuan ko at tumingin sa labas ng bintana.

Kapag nakarating na kami sa Tinajero, sisiguraduhin kong mabibisita ko sila lola bago kami umalis pabalik ng Roundell University.

"Naalala niyo pa ba ang mga line-up?" tanong ni coach.

"Yes! Coach!" sabay-sabay naming sabi maliban kay Christy na humihilik na.

"Takpan niyo nga yan, o kaya itapon sa bintana," saad ni ate Julia habang nakaturo kay Christy.

"May sinabi siya kanina samin ni Veronica bago siya matulog! Hayaan daw natin siya matulog para daw kapag nagising siya edi good mood siya tapos baka ilibre niya pa daw tayo," saad ni Thea na nakangisi ng makahulugan.

"Weh? Oh sige, sana maganda panaginip niya," saad ni ate Julia bago sumandal sa upuan niya. Napangiti nalang ako sa kanila, alam kong ninenerbyos din sila kagaya ko pero may kasamang excitement din.

"Guys, alam kong mahirap manalo pero ang kailangan lang nating gawin ay manalo, ganoon lang kasimple kaya sana kayanin natin hanggang dulo," saad bigla ni ate Julia.

"Kakayanin yan! Tayo pa!" saad ni Kylie.

"Ky, diba may tournament kayo?"

"Yung sa LOL?"

"Oo,"

"Oo nga noh, isang buwan nun akong wala," saad ni Kylie.

She's a pro-gamer, kinakabahan ako baka madaming makakilala sa kanya.

"Baka mamaya pagkaguluhan ka ng mga tao dun na nakakakilala sayo bilang si Chiller," saad ko sa kanya.

"Nga pala, nagpakilala na ako. Markhus babes kase eh!" saad ni Kylie, napangiwi tuloy ako.

"Kung nandito lang siguro si Markhus baka mas lalo siyang maging proud sa akin kase pro-gamer na nga tapos volleyball player pa, san ka pa?" natatawang sabi ni Kylie bago sumandal sa upuan niya at ngumiti.

"You really love him," saad ko bago tumingin sa labas ng bintana.

"Oo teh, hulog ng hulog na ako," saad ni Kylie.

Pagkatapos naming kumain sa mall, dumiretso na kami sa Tinajero University. Mula sa labas ng unibersidad, kitang-kita na ang madaming tao sa loob.

"Let's go! Iwan muna ang mga gamit at mag-gala-gala muna kayo," saad ni coach kaya tumayo na kaming lahat para bumaba.

"Kanina pa ako naiihi, bwisit," saad ni Riza na kakagising lang.

"Ako din," saad ni Christy bago sila sabay na bumaba.

"Welcome to Tinajero University!!" mas lalong lumaki ang ngiti ng lalaking bumati sa amin pagkababa namin ng bus.

"Gago! JC! I miss you bugok!" agad na niyakap ni Kylie si JC na kaklase namin noon nung first at second year sa college.

Isa din siya sa tumulong sa akin noon.

"Musta Denise?" tanong ni JC nung bitawan na siya ni Kylie sa pagkakayakap.

"Eto, nakapag-aral na din," saad ko bago siya nginitian.

"Wag kang mag-aalala lagi kaming dumadaan ni Jerome sa bahay niyo para tingnan kung ayos lang si lola, kapag nagdidilig siya sa bakuran niyo ibig sabihin ayos lang siya," saad ni JC bago nalipat ang atensyon niya sa mga kasamahan ko.

"Wait, kung nandito kayo at nakasakay pa sa bus ng Roundell University, ibig sabihin players kayo?!" bahagya akong natawa sa itsura ni JC bago tumango.

"Nasaan nga pala sila Kristine?" tanong ni Kylie kay JC.

"Ah nandun sa stall nila," saad ni JC, tumango naman si Kylie at sinama si ate Julia na pumunta sa mga nakahilerang stall.

"Bili lang kami ng pagkain, Nise," saad ni Veronica, tumango naman ako bago sila pinapanood na maglakad papunta sa mga stalls.

"Ano? Alam mo pa ba ang itsura ng buong school na to?" nakakalokong tanong ni JC.

"Gagi, syempre," saad ko bago kami nagsimulang maglakad.

"Weh? imposible, makakalimutin ka nga eh," saad ni JC kaya napabusangot ako.

Totoo ngang makalimutin ako kaya nga masaya akong naging kaibigan ko si Kylie dahil siya ang palaging nagpapaalala sa akin ng mga bagay na nakakalimutan ko.

"Volleyball player pa din?"

"Oo,"

"Baka makalaban niyo sila---"

"Isn't that Aurelia?" natigil ako sa paglalakad nung marinig ko ang pamilyar na boses ng babaeng minsan ko nang naging ka-team sa volleyball team ng Tinajero University.

"If she's here? Ibig sabihin nun player siya," nasa likuran namin sila pero hindi na ako nag-abalang lingunin sila.

Baka mabanas lang ako.

Let Me Hear You (CRS #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon