20

96 5 19
                                    

20 : Call

"Grabe kung alam niyo lang kung gaano kami katagal maglaro dahil magaling din kalaban namin! Almost one hour!" sambit ni Kylie habang pinapakita pa ang mga daliri niyang nangalay daw kakapindot ng keyboard.

"Congrats, nakaabot kayo ulit ng Worlds," saad ni ate Julia habang kumakain ng sandwich na nilibre sa amin ni Kylie.

"Hindi ka pa din maka-get over? Halos dalawang buwan na simula nung matapos ang laban niyo ah," saad ni Riza na nakabusangot.

"At tatlong buwan na din simula nung nanligaw si Vergel kay Denise, yieee!" kiniliti ako ni Kylie sa tagiliran ko pero wala naman akong kiliti doon kaya hindi ako gumalaw sa pwesto ko.

"Lapit na matapos ng second semester," saad ni Christy bago tumayo sa kinauupuan niya at nag-stretch.

"Lapit na ding umalis ni ate Julia dito sa Roundell," nakasimangot na tumingin si Veronica kay ate Julia na nakasimangot na din.

"Kapag dumating ang oras na tatanungin na ako ng adviser ko na umalis sa team na ito para makapag-focus na ako sa pag-aaral ko---"

"Ano gagawin mo nun?" tanong ni Kylie bago pinanliitan ng mata ang captain namin.

"Hindi ako papayag, kase kaya ko naman magpokus sa pag-aaral ng hindi pinapabayaan ang volleyball," napapalakpak kami sa sagot ni ate Julia. Tumayo pa nga siya at nag-bow sa amin.

"Jusko, test na naman." problemadong sabi ni Kylie.

"Next year sino na yung captain natin? Eh wala na nun si ate Julia, sumakabilang---" natigil sa pagsasalita si Mary noong biglang nagsalita si ate Julia.

"Gaga ka, para naman akong mamamatay sa sinasabi mong sumakabilang---"

"Ate, sumakabilang-buhay. I mean hindi ka na College student nun kaya magiging iba na ang buhay mo," pag-e-explain ni Kylie.

"Pinagsasabi niyo," natatawang tanong ko sa kanila bago tumayo at pinagpag ang palda ko.

"Saan punta mo? Kay Vergel?" tanong ni Riza bago ngumisi.

"Hindi, sa canteen. Iinom ako, anong magagawa ko kay Vergel? Maiinom ko ba yun?" walang kwentang tanong ko.

Makahulugan naman silang ngumiti sa akin kaya napailing nalang ako bago sila iniwan sa volleyball club room.

Noong uwian na, nagyaya sila ate Julia na kumain ng fishball kaya ngayon ay nasa fishball-an kami at kumakain.

"Katapos natin dito, panoorin natin yung practice nila Vergel," yaya ni Christy.

Noong naglaro sila sa Nationals at ikatlong laro na, natalo sila. Pero nasali pa din sila sa top 10 teams na magagaling. At pang-pito ang Black Warriors.

Nakita pa nga nila ang grupo ng dati nilang captain na si Elion ng Eastfar University.

"Denise, bakit parang pakiramdam ko may pag-uusapan tayo mamaya sa bahay niyo na sobrang importante," pinanliitan ako ng mata ni Kylie, kunot noo naman akong tumingin sa kanya dahil sa mga pinagsasabi niya na hindi ko naman alam.

"Pinagsasabi mo?"

"Wala! Mamaya sleepover ako sa inyo baka kase may pag-uusapan tayo na importante," ngumiti muna si Kylie sa akin bago sinubo ang kwek-kwek na kinakain niya.

"Aray! Tanginang kwek-kwek!" naluwa ni Kylie ang kwek-kwek na kinakain niya dahil napaso siya. Tanga-tanga kase.

"Punta nalang tayo sa mall, manggulo tayo sa arcade," yaya ni Kylie kaya sumang-ayon naman ang mga kasama namin.

Ang ending, hindi kami pumunta sa practice ng basketball team dahil pumunta kami sa arcade at doon naglaro.

Kagaya ng sabi ni Kylie, makiki-sleepover nga siya dito sa bahay ko. Kaya ngayon ay nasa kusina siya habang nakaupo ako sa may sala.

"Kylie..." tawag ko sa kanya.

"Yeah?" tanong niya noong papunta na siya sa sala at nakatingin sa akin.

"Sagutin ko na ba o hindi?" agad na lumapit at umupo sa tabi ko si Kylie dahil alam niya na kung ano ang tinutukoy ko.

"Gaga! Sabi ko na nga ba eh! Na May pag-uusapan tayo na importante! Oo! Sagutin mo na!" impit na tumili si Kylie kaya natawa ako bago umayos ng upo.

"Parang gusto kong videohan yung magiging reaksyon ni Vergel kaya sinagot mo na siya," humagikhik si Kylie.

Sa tatlong buwan na pangliligaw ni Vergel sa akin, naipakilala niya na ako sa pamilya niya hindi lang sa mama niya. Minsan ay hinahatid niya ako sa bahay ko pagkatapos ng practice nila na pinapanood ko.

Ilang beses na din kaming kumain ni Vergel ng fishball, minsan sa tapsilogan pa kami kakain o kaya sa mga mamihan. At talagang naging masaya ako noon.

Paano pa kaya kung sinagot ko na siya, sigurado akong mas masaya.

Wala sa sariling napangiti ako kaya napasinghap si Kylie na akala mo ngayon lang ako nakitang ngumiti.

"Hala! Sasagutin mo na siya?! Swerte ng lalaking yun ah!"

"Dapat lang na swerte siya, sino ba namang hindi susuwertehin kapag ako ang girlfriend nila?" umangat ang gilid ng labi ko bago tumayo sa kinauupuan ko.

"Bukas, sasagutin ko na siya" siguradong-sigurado na ako sa desisyon ko.

Kinabukasan, pagkarating namin ni Kylie sa school dumiretso kami sa volleyball club room at doon namin nakita sila ate Julia na nakatambay o kaya'y nililinis ang mga bola ng volleyball na nandoon.

"Guys may i-a-announce daw ang libero natin," saad ni Kylie bago humarap sa akin at ngumisi. Napabuntong hininga nalang ako dahil alam ko na kung ano ang sasabihin niya sa mga ka-team namin.

"Sasagutin na ni Denise si Vergel!" napasinghap sila kaya natatawa akong tumingin sa kanila.

"Gulat na gulat?" biro ko sa kanila.

"Gaga ka! Congrats kahit hindi mo pa nasasagot ang kumag na yun," saad ni Riza bago ako niyakap.

"Ikaw kelan ka magjojowa?"

"Wag mo na akong tanungin dahil wala akong balak," saad ni Riza.

"Aglet text ko lang siya kung saan ko siya papapuntahin," ngumiti ako bago kinuha sa bulsa ko ang selpon ko.

"Sa rooftop!"

"Oo nga,"

"Sige,"

Me:
Punta ka rooftop mamayang uwian, may sasabihin ako.

Vergel:
Mahal mo na ako?

Me:
Basta pumunta ka nalang sa rooftop ng building natin.

Vergel:
Parang may pakiramdam na ako kung ano ang sasabihin mo ha.

Vergel:
Mukhang kailangan ko ng support mamaya baka himatayin ako.

"Gago talaga," saad ni Kylie bago tumawa ng malakas, binabasa niya yung text namin ni Vergel eh.

"Record mo mukha niya," saad ni ate Julia bago tumawa. Umupo naman ako sa tabi niya bago tumango.

"Try ko, tapos pakita ko sa inyo,"

Biglang nag-ring ang cellphone ko, siguro si Vergel ang tumatawag.

Pero medyo natigilan pa ako nung si papa pala ang tumatawag. Agad ko iyong sinagot, hindi pa ako nakakapag-salita pero agad ng nagsalita si papa.

[Denise! Ang lola mo!] napatayo ako sa kinauupuan ko noong marinig ko ang tono ng boses ni papa.

"N-Napano si lola?!"

Let Me Hear You (CRS #7)Where stories live. Discover now