14

101 6 12
                                    

14 : In The End

"Shit! Tumatawag si coach!" sigaw ni Riza kaya napatingin kami nina Kylie sa kanya.

"Text mo nalang siya baka di mo marinig kapag sinagot mo yung tawag," saad ni ate Julia kay Riza kaya tumango si Riza at sinunod ang sinabi ni ate Julia.

"Baka mag-training kayo niyan," saad ni Riza habang nag-ta-type sa selpon niya.

"GO! GO! LET'S GO! LET'S GO! BLACK WARRIORS!"

"Anong sabi?" tanong ni Kylie kay Riza.

Biglang tumayo si Riza sa kinauupuan niya bago humarap sa amin.

"Girls---"

"BOTH TEAMS! ARE YOU READY?!"

"Girls! Sabi ni coach! Balik! May training!" tumayo ako kasabay nina Veronica na napatayo din.

"Paano niyan, hindi tayo makakanood ng laro nila," saad ni Mary habang naglalakad na kami paalis ng pwesto namin.

"Mananalo mga yan, sa third mapapanood pa natin sila," saad ni ate Julia bago kami nakababa ng bleachers at nakipagsiksikan sa mga taong sa baba nanonood.

I look back just to see what's happening in the court, and there I saw him while he's stretching his arm.

Hindi niya pa napapansin na wala na kami sa mga pwesto namin.

And in my mind, I silently told him a goodluck.

"Girls, nalaman na ni coach yung unang makakalaban niyo," saad ni Riza pagkalabas na pagkalabas namin ng basketball court.

"Sino daw?" tanong ni Kylie.

"Sabihin niya daw kapag nandoon na tayo kung saan siya," pumunta kami sa court kung nasaan si coach, kausap niya ang ibang mga coach mula sa ibang team. Noong nakita niya kami, agad siyang lumapit sa amin para kausapin.

"Ang makakalaban niyo mamaya ay ang representative ng Unibersidad na ito, ang Tinajero," nagkatinginan kami ni Kylie.

"Hiniram ko itong court na ito ng isang oras, mag-training kayo dito para kapag lumaban na kayo mamaya, masanay na kayo sa court na ito," saad ni coach.

Tumango kaming lahat bago nagpalit ng mga damit pang-training.

Ilang oras lang ay kami na ang maglalaro.

"Tanda niyo pa ang line up?"

"Yes coach!" napatango si coach.

"Sige na, punta na kayo doon," saad ni coach. Sa unang line-up ako muna ang papasok imbes na si ate Julia

"ARE YOU READY?!" medyo nagulat pa ako nung mapagtantong madami ang manonood sa amin.

"Shet, kaka-excite," saad ni Kylie noong naglalakad na kami sa gitna para pumuwesto.

"Kung nandito lang si Markhus baka siya ang may pinakamalakas na sigaw ng pangalan ko," saad ni Kylie bago humagikhik ng parang tanga.

Maya-maya lang ay nagsimula na ang laro. Hanggang sa halos tatlumpung minuto na kaming naglalaro kaya malapit na kaming matapos sa unang set.

"Ano? Pakitaan na ba natin?" tanong ni Kylie.

At alam ko na kung anong atake ang gagawin namin.

"Sige ba," saad ni Rose. Ni-recieve ni Christy ang bola at isinakto sa pwesto ni Kylie. Imbes na i-set ni Kylie ang bola kagaya ng ginagawa niya, ni-recieve niya ito at itinaas sa ere bago umalis sa pwesto niya.

Ako naman ang pumalit sa kanya, at hinintay kong bumaba ang bola bago ito i-toss.

"ANG LIBERO NILA MAG-SE-SET NG BOLA?" saad ng announcer.

"THIS IS THE FIRST TIME I SAW THIS, MUKHANG NAGBABALIK NA NGA TALAGA ANG VOLLEYBALL TEAM NG ROUNDELL!!"

Kasabay ng pag-to-toss ko, ginawa din nila ang synchronize attack kung saan lahat sila, maging si Kylie na setter ay mag-a-attack, kaya hindi malalaman ng kalaban kung kanino ko i-to-toss ang bola.

Ito ang attack na matagal naming pinag-aralan. Pero ngayon ay magagamit na namin.

This toss.

Alam niya na na para sa kanya ang toss na ito. Dahil ilang beses na namin itong ginawa.

"All right!" sigaw ni Kylie bago malakas na hinampas ang bola. Pinanood ko kung paano natulala ang kalaban sa pwesto niya at kung saan din mismo papunta ang bola dahilan para matamaan siya sa mukha. Walang ginawa para i-recieve o kaya'y iwasan yung bola eh.

"Ay! Sorry! Masyado ka yatang natulala sa maganda kong talon kaya natamaan ka ng bola, awit!" pinigilan kong tumawa sa ekspresyon ni Kylie habang nakatingin siya kay Jade.

Nakipag-apir si Kylie sa akin bago siya bumalik pwesto niya. Napansin ko ang matalim na tingin ni Jade sa akin kaya nginitian ko siya at kinindatan.

If she didn't control her emotions like me, then it's all over.

"Nice toss!" saad ni Mary.

"Nice kill Kylie!" nag-thumbs up pa si Rose kay Kylie.

Napalingon ako sa mga scores namin. Kasalukuyan na kaming 21 habang ang kalaban ay 18.

"ROUNDELL'S BACK ATTACK!" kasabay nun ay hinampas ni Veronica ang bola at pasok.

"Nice kill!" sigaw ko sa kanila. Pero katapos nun ay ang kabila naman ang nag-attack kaya nadagdagan din ang score nila.

Biglang nag-time out ang kabilang team kaya lumapit kaming anim sa bench kung nasaan sila coach at Riza pati ang iba naming ka-team.

"Julia, ikaw ang papasok." saad ni coach. Umupo ako sa tabi ni Riza bago niya ako binigyan ng pamunas at tubig.

"May napansin ako sa number 8 ng ibang team, diba dalawa yung serve niya? Jump float at jump serve? Parang nalaman ko sa pamamagitan ng hakbang niya ang kung ano ang gagawin niyang serve," saad ni Kylie kaya napunta lahat ng atensyon sa kanya.

"Halimbawa kapag apat yung hakbang niya ang kanyang gagawin na serve ay jump float tapos kapag dalawang hakbang lang ang gagawin niya ay jump serve," kasabay nun ay natapos na ang time out.

Nanatili ako sa bench dahil si ate Julia na muna ang papasok sa laro.

"Alam mo, kanina pa may nakatingin sayo," saad ni Riza.

"Sino?"

"Si Vergel," napatingin ako kay Riza bago ko ipinalibot ang tingin ko psr hanapin ang lalaking tinutukoy niya.

At doon, nakita ko siya kasama ang mga kaibigan niya. May hawak pa nga siya na dalawang lobo na pahaba.

"Go! Kylie! Whoa!" sigaw ni kuya Kyden.

"Go Chiller!" sigaw naman nung fans ni Kylie, na kilala siya sa pangalan niya kapag pro-gamer siya.

"Go! Kylie! Napakatalentado talaga ng mga kamay mo!" sigaw naman ng kuya Kyler niya.

Buti pa si Kylie may mga suportado siyang mga kuya.

Ilang minuto lang ay nag-time out si coach para ipasok na ako sa laro. Tumayo na ako at hinawakan ang numero ni ate Julia para malaman ng mga manonood na si ate Julia ang papalitan ko.

"Go! Aurelia Denise!" napatingin ako kay Vergel na siyang sumigaw nun. Dahilan para mapangiti ako bago naglakad papunta sa pwesto ko, pero bago pa man ako makapwesto narinig ko ang boses ni Jade.

"Sisiguraduhin kong tatalunin namin kayo Aurelia Denise, at tatawanan ko kayo kapag nangyari iyon," saad ni Jade na siyang captain ngayon ng Tinajero girl's volleyball team.

"Sisiguraduhin naming maipapanalo namin lahat ng laro dito," seryosong saad ko sa kanya.

Bago nag-serve si Christy. Naipanalo na namin ang first set at ngayon ay nasa set point na kami sa second set.

"ROUNDELL'S SET POINT!" saad ng announcer kaya mas lalong lumakas ang mga cheers sa amin.

Hanggang sa kami na ang panalo, at nakita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon ni Jade noong nagtama ang mga tingin namin.

Agad akong hinila ni Kylie para sa group hug kaya hindi ko na nakita pa si Jade.

In the end, ako ang lihim na tumawa dahil natalo sila.

Let Me Hear You (CRS #7)Where stories live. Discover now