03

141 7 28
                                    

03 : Captain

"Find your own group, four members per group," agad akong niyakap ni Kylie kaya alam kong ka-grupo ko na siya.

"Devin! Dito ka! Ka-grupo ka na din namin," saad ni Kylie kaya walang nagawa si Devin kundi lumapit sa aming tatlo nila Riza.

"Kung wala kayong bondpaper, papayagan ko kayong bumili sa canteen pero dalawa lang ang pupunta doon sa canteen," agad akong tumayo at tumingin kay Kylie. Alam kong kaming apat ay walang bondpaper.

"Tara, Kylie bili tayo---"

"Denise! Pabili ng bondpaper," napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.

"Oh si Denise nalang ang bibili ng bondpaper," saad ni ma'am kaya wala na akong nagawa.

"Sino papabili ng bondpaper?" tanong ko sa mga kaklase ko.

"Denise! Pabili! Limang piso,"

"Nise! Ako dalawang bondpaper!"

"Isang oslo---"

"Bondpaper nga lang diba? Ba't oslo sayo?" pagtataray ni Kylie sa isa naming kaklase.

"Edi bondpaper," nag-irapan ang dalawa kong kaklase kaya napabuntong-hininga ako bago kinuha ang mga pera ng mga nagpapabili.

"Tara Riza," tumango si Riza bago kami nagsimulang maglakad.

Nung makarating kami sa canteen nagtanong kami kung may bondpaper pero naubos na daw at oslo nalang ang natira.

"Ano? Tanungin natin sa iba kung oslo na ang papabili?" tanong ni Riza, tumango naman ako bago kami bumalik sa room.

"Walang bondpaper kaya ibabalik na namin mga pera niyo," saad ko kaya nagsilapit sa akin ang mga kaklase kong nagpapabili at kinuha ang mga pera nila.

"Paano yan? Wala tayong bondpaper?" tanong ni Riza.

"Nakahingi na ako," saad ni Kylie bago inaangat ang bondpaper na nahingi niya.

"Bili na nga lang ako sa mga kaklase---"

"Ito oh, sayo nalang," gulat akong tumingin kay Vergel bago kinuha ang bondpaper na binibigay niya.

Napansin kong isa nalang ang bond paper na natira sa kanya, at sabi ni Kylie sa akin na kilala siya bilang isang malaking buraot. Kaya himala nalang kung mamigay siya.

"May himala..." bulong ko.

"Oh nakahingi ka na pala eh, tara gawa na tayo ng floor plan sa second floor," yaya ni Kylie kaya umupo na ako sa pwesto ko.

I gave Vergel a one last look before focusing on our floor plan.

"Seryoso ka bang gaga ka?" singhal ko kay Kylie matapos makita ang design ng bahay na balak niya. Isa kasi iyong bahay na nakabaliktad.

"Scratch lang yan, grabe ka," saad ni Kylie bago ngumuso.

"Kulang na nga tayo ng bondpaper sinayang mo pa ang isa," saad ni Riza kaya mas lalong napanguso ang gaga.

"Gusto niya yatang siya ang gawin nating scratch," saad ko bago pinanliitan ng mata si Kylie.

"Oo na, manghihingi na ako ng bondpaper," agad siyang tumayo at pinanood ko lang siyang palipat-lipat sa mga kaklase namin.

"Anong gusto niyo? Gumawa tayo ng bahay ng aso?" tanong ni Devin kaya sabay na nabaling sa kanya ang atensyon namin ni Riza.

"Aso?"

"Ma'am, bahay daw ng aso gagawin namin," agad na nabaling ang atensyon naming tatlo nila Devin kay Kylie na nasa may desk na ni ma'am at may hawak na dalawang bondpaper.

"House for people not dogs," pinanliitan kami ni ma'am ng mata kaya agad akong nag-iwas.

"Hehe, kay ma'am ako humingi ng bondpaper," saad ni Kylie pagkaupo niya sa upuan niya.

"Gaga ka talaga, akala mo naman gagawa talaga tayo ng floor plan para sa bahay ng isang aso," saad ni Riza bago nilabas ang lapis at pambura niya. Nilabas ko naman ang ruler na dala ko, dahil iyon lang ang ma-aambag ko.

"Si Denise na bahala sa coloring tsaka si Devin sa exterior design ng bahay si Riza sa floor plan ng first floor tapos ako sa floor plan ng second floor," saad ni Kylie.

"Walang second floor yung gagawin ko," saad ni Devin napangisi naman si Kylie bago pinag-krus ang mga binti niya.

"Exactly," saad niya bago nilabas ang mga color pencil niya.

"Ma'am! Pwedeng patanggal si Ky---" agad na tinakpan ni Kylie ang bibig ni Riza.

"Joke lang, hehe tutulong ako," napailing-iling nalang ako bago kami nagsimula sa gagawin namin.

Hanggang sa makagawa si Devin ng design ng bahay na may kaunting tulong naming mga ka-grupo niya agad namang gumawa si Riza ng floor plan syempre tulong-tulong kami. Pero sa pagkukulay, ako na ang bahala.

"Bukas pwede niyo ng ituloy iyan, goodbye class," saad ni ma'am.

"Hindi talaga lahat ng goodbye ay malungkot, yung iba masaya kagaya nung sinabi ni ma'am," saad ni Kylie.

"Busy niyan sila ma'am kase malapit na yung Inter-high," saad ni Devin.

"Inter-high?"

"Yup, nagaganap iyon bago ang exam," nagkatinginan kami nila Riza.

"Meron din palang inter-high dito," saad ni Riza.

"Sali ka na niyan sa volleyball, nise," napatingin ako kay Kylie na nakangisi.

"Ikaw din sali ka sa Taekwondo, tas kapag nasipa ka sa ulo iyak ka ulit kagaya nung ginawa mo dati," natikom ni Kylie ang bibig niya kaya bahagya akong natawa.

"May mga athlete pala tayo dito eh," sabat ni Jacod bago umupo sa pwesto niya na katabi ni Devin. Nakilala ko na din siya dahil narinig kong tinawag siya kanina ni Devin para manghiram ng libro para pampatong.

"Pero pangmalakasan yung labanan sa basketball, tapos nagbago na din yung team captain ng Black Warriors," saad ni Devin.

"Rinig ko, gwapo yung dating captain nila," napahagikhik si Kylie sa tabi ko.

"Ah, sumakabilang Unibersidad na yun," ani Devin bago tumawa.

"Sayang," saad ni Riza at Kylie.

"Ano name?"

"Elion," sagot ni Jacod.

"Pati pangalan ang gwapo!" impit na napatili si Kylie at Riza. Napatingin lang ako sa kanila gamit ang blanko kong ekspresyon.

"Pero alam niyo ba na ang bagong captain ng basketball team eh nasa room lang natin," saad ni Devin kaya napunta ang atensyon naming tatlo sa kanya.

"Talaga?! Sino?"

"Ako," napatingala ako nung may humawak sa likod ng upuan ko.

"Eh? Vergel? Ikaw?" nakangiwing tanong ni Kylie.

"Yeah, and the girl beneath me will be my cheerleader," ang kaninang impit na tili nila Kylie ay mas lumakas. Kumunot ang noo ko bago agad tumayo dahilan para tumama ang tuktok ng ulo ko sa baba niya.

"Putang---"

Let Me Hear You (CRS #7)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora