06

134 7 21
                                    

06 : Papansin

"Hala! Hehehe makikita ako nila kuya na maglaro niyan ng volleyball, matapos nila akong tawanan noong grade 6 ngayon tingnan ko lang kahit nanonood sila kayang-kaya kong i-spike sa mukha nila yung bola kapag tinawanan nila ako," pinatunog pa ni Kylie ang daliri niya kulang nalang ay makita kong umusok ang ilong niya.

"Pwede na kayong bumalik sa mga klase niyo, dahil bago ang Inter-high mayroon pang exam," saad ni coach, bahagya akong napabusangot.

"Daan muna sa canteen bago bumalik sa room," yaya ni Kylie.

"Ikaw! Riza? Tara na!" yaya ni Rose kay Riza.

"Kausapin ko lang muna si coach," saad ni Riza. Talagang kina-career niya na ang pagiging manager namin.

"Una na kami, ingat," saad ni Mary habang nakaakbay kay Thea.

"Bye!" paalam ni ate Julia bago kumaway sa amin at lumabas na ng court.

Pagkatapos namin pumunta sa canteen ay dumiretso na kami sa room at naghabol sa mga lessons namin. Hanggang sa mag-uwian na.

"Denise, pwede makitulog senyo?"

"Ikaw Riza? Sama ka?" umiling si Riza kaya sabay kaming napasimangot ni Kylie.

"Babantayan ko pa mga pamangkin ko," saad ni Riza.

"Edi sama mo," sagot ni Kylie.

"Gaga, edi hindi na tayo makakapag-bonding nun kase mag-aalaga lang tayo ng pamangkin nun?" tanong ko sa kanila.

"Ilan ba sila?"

"Tatlo," ani Riza.

"Ah, sige goodluck. Sa susunod sama ka ha?" tanong ni Kylie tumango naman si Riza bago kumaway sa amin dahil bibilisan niya na ang lakad niya.

"Riza! Video call mamaya ha?!" kumaway lang si Riza habang nakatalikod na sa amin at naglalakad palayo.

"Tara, punta tayong palengke," yaya ni Kylie habang nakahawak sa strap ng bag niya.

"Uwi muna tayo para makapagbihis," sabi ko sa kanya tumango lang siya bago kami naglakad pauwi.

"Sa Tinajero pa talaga yung laban natin noh? Paano kung makalaban natin yung mga ka-team mo dati doon?" tanong ni Kylie.

Malaki ang posibilidad na makalaban namin ang girl's volleyball team ng Tinajero University.

"Shet rinig ko may first year sa kanila na malakas,"

"Atsaka bago yung Inter-high may exams pa tayo, taena naman tapos baka katapos ng Inter-high magpapa-excuse ako kase may tournament kami,"

"Tournament? League of legends?"

"Oo," sagot ni Kylie.

"Anong ulam gusto mo?" tanong ko kay Kylie pagkabukas ko ng pinto ng tinutuluyan ko.

"Menudo," sagot naman niya bago tinanggal ang sapatos niya at dumiretso sa sofa.

"May pambili?"

"Syempre,"

"Goods," sagot ko bago dumiretso sa kwarto ko para magbihis. Medyo maaga kaming nakauwi ngayon kaya mayroon pa kaming oras para bumili ng uulamin namin.

Saulo na ni Kylie ang papuntang palengke kaya hindi na kami nahirapan, naglakad nalang kami para ma-exercise naman yung mga binti namin.

"Mag chess nalang ata ako, baka maaga akong mawalan ng binti," saad ni Kylie.

"Nakakatamad mag-isip ng next move na gagawin mo sa chess, kaya volleyball pa din ako," saad ko naman.

"Ano kase ingredients ng menudo? Diba may bell pepper yun?"

"Oo," pagkapasok namin sa palengke isang pamilyar na lalaki ang nakita namin.

"Diba si Vergel yun?" tanong ni Kylie.

"You're right," nagbubuhat siya ng sako-sakong patatas at ang suot niya ay iyong suot niya nung nakita ko siya sa court kanina.

"Hala, part-time job ni Vergel?" tanong ni Kylie bago ako hinila palapit sa kung nasaan man si Vergel.

"Uy! Vergel!" napatigil sa pagkuha ng isa pang sako ng patatas si Vergel nung makita niya kami ni Kylie. Bahagya siyang natigilan noong nakita niya ako sa likod ni Kylie.

"Ginagawa niyo dito?" tanong niya bago pinagpatuloy ang pagbubuhat ng sako.

"Bibili ng pang-menudo," sagot ni Kylie.

"Bili kayo kay nanay ko,"

"Nagtitinda nanay mo dito?" tumango si Vergel bago pinunasan ang leeg niya at noo. Halos masilaw ako dahil sa ginawa niya, de joke lang.

"Sige doon nalang kami bibili," saad ni Kylie napangiti si Vergel bago tumango at hinayaan kaming sundan siya. Lahat ng nadadaanan namin na mga tindera ay binabati siya yung iba ay kinikilig pa.

Sabagay, may itsura din si Vergel na hindi nababagay sa palengke na ito.

"Ah! Nay! Mga kaklase ko nga pala, si Kylie tapos si Denise," magmamano sana ako sa nanay ni Vergel pero tumanggi siya dahil madumi daw ang kamay niya.

"Sa susunod nalang ikaw magmano," bahagyang kumunot ang noo ko.

Bakit? Makikita ko pa ba siya?

Well, world is small. Minsan magkikita nalang kayo sa daan o kung saan pa man.

"Sige po," saad ko bago ngumiti.

"Ganda ng ngiti, shet," rinig kong bulong ni Vergel kaya napatingin ako sa kanya. Agad naman siyang napaayos ng tayo noong nagtama ang mga tingin namin.

"What?"

"Wala, sabi ko ganda mo," saad niya bago tumalikod at pinuntahan ang isang lalaki.

Agad akong nag-iwas ng tingin bago lumapit kay Kylie na ngayon ay namimili na ng mga sangkap para sa lulutuin namin na menudo.

"Malapit lang ba bahay niyo?" biglang sulpot ni Vergel sa tabi ko.

"What the? Para ka namang kabute bigla-bigla nalang susulpot," pasinghal kong sabi sa kanya bahagya naman siyang natawa bago napakamot ng ulo.

"Ganun ba? Pero mas masarap ako kesa sa kabute," saad niya bago ako kinindatan. Inirapan ko lang siya.

"Sungit, pag ikaw nagkagusto sakin..." hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya dahil tinulungan ko na din sa pamimili si Kylie.

"Menudo ulam niyo?" tanong ulit ni Vergel.

Kanina pa to ah.

"Accept mo naman friend request ko sayo sa FB, tagal na nun eh," saad ni Vergel nung hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Nasa 800 palang friends mo wala naman siguro magbabago kung a-accept mo ako diba?" saad niya ulit.

"Hindi ba masakit yung paa mo? Ilang beses kitang nakita na nakasubsob kanina o kaya hinahabol yung bola," tanong niya at medyo malambing na ang boses.

"Diba taga Tinajero kayo?"

"Hay nako, Vergel. Bakit ginugulo mo si Denise?" sabat ng nanay niya kaya napabuntong-hininga ako.

"Pagpasensyahan mo na si Vergel, ganyan talaga siya kapag interesado," ramdam ko ang pagngiti ni Vergel na nakatayo pa din sa likuran ko habang namimili ako ng carrots.

"Huwag kang magbasa ng bibig mo Vergel, baka mapasma yan," sabat ni Kylie kaya bahagya akong naubo.

"Bakit naman ako makikinig sayo? Kay Denise lang ako makikinig," saad ni Vergel bago sila nag-irapan ni Vergel.

"Eto na po," inabot na ni Kylie ang bayad sa nanay ni Vergel.

"Salamat mga iha," nginitian ko lang siya bago kinuha kay Kylie ang supot ng pinamili namin.

"Bye! Denise! Accept mo ako sa Facebook ha? Tsaka na din sa puso mo kung pwede," napailing nalang ako sa sinabi ni Vergel habang naglalakad kami palayo ni Kylie.

"Papansin amputa," bulalas ni Kylie kaya natawa ako.

Let Me Hear You (CRS #7)Where stories live. Discover now