24

101 6 28
                                    

24 : Project

"I still need to make business plan," saad ni Izel noong niyaya ko siyang maghapunan.

"Mas mahalaga ba yan kesa sa lasagna na ginawa ko---" dali-daling tumayo si Izel sa kinauupuan niya bago niya ako niyayang bumaba sa kusina.

Natatawa akong umiling bago sinara ang pinto ng kwarto niya at sumunod sa kanya na bumaba papuntang kusina.

"Ate!" tawag niya habang nakaupo na siya sa high chair niya. Bahagya kong pinisil ang pisngi niya bago umupo sa upuan ko.

"Diba may sinabi si Architect Mendoza na ni-recommend ka niya sa isang client na magpapagawa ng bahay?"

"Oo, bakit? Kukunin kang Engineer?" tanong ko kay Izel bago umupo sa tabi ng upuan ni Silena.

"Hindi, kinakamusta lang kita kung nakausap mo na yung client mo," saad niya bago sumubo ng lasagna.

Dalawang taon na ako dito sa Amerika at kakatapos ko lang ng College. Ang sinasabing client ni Architect Mendoza ay ang magiging pinaka-una kong client.

"Bakit? Kilala mo ba yung client?" pinanliitan ko siya ng mata kaya napailing-iling siya.

"Rinig ko taga-Pilipinas yung kliyente kaya di ka mahihirapan makipag-englishan," makahulugang ngumiti si Izel kaya inirapan ko siya.

"Gusto mong sementuhan kitang bwisit ka?"

Pagkatapos ko ng pag-aaral, nakakapag-ipon na ako ng maayos. At sa ngayon medyo madami na din akong naipon at siguradong madadagdagan pa iyon dahil baka makakuha ako ng client na gustong magpadisenyo ng bahay.

Bigla nalang nag-ring ang phone ko kaya agad ko iyong sinagot dahil si Architect Mendoza ang caller.

"Architect Mendoza speaking. Architect Salguero I recommended you to a client from the Philippines, he would like to meet you later in zoom call for discussion, I'll tell you what time so please be ready. This will be your first client, I wish you all the best,"

"Thank you, Architect Mendoza," saad ko bago binaba ni Architect Mendoza ang tawag.

"May client ka na?" tumango ako bago uminom ng tubig sa baso ko.

"Taga Pilipinas noh?" tumango ulit ako bago sumubo ng kinakain kong lasagna.

"First client mo?" tumango ulit ako habang nginunguya na ang kinakain ko.

"Siya pa din ba?" tumango ulit ako bago linunok ang kinakain ko.

"Weh?!" napatayo si Izel sa kinauupuan niya kaya nagsalubong ang kilay ko bago tumingin sa kanya.

"Ha? Ano bang tanong mo?"

"Wala wala," saad niya bago umayos ng upo.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko at nag-online para maka-chat sila Riza.

Riza:
Nag-apply ako sa isang kumpanya sa New York

Kylie:
Nasunog yung ulam namin na torta, gagong Aeron kase hindi binantayan

Me:
I have my first client now.

Kylie:
Wow, congrats penge naman ng dollars HEHE

Riza:
Congrats nise! Keep it up! Miss ko na ikaw

Me:
Napano ulam niyo Kylie?

Kylie:
Nasunog, kaya lasang mapait na maalat

Me:
Dapat nilagyan mo ng asukal

Riza:
Good idea

Kylie:
Sige sabihin ko kay Sebastian na lagyan niya. Brb

Let Me Hear You (CRS #7)Where stories live. Discover now