23

95 5 29
                                    

23 : Voice

"Itatakas kita kapag may pera na ako," saad ko sa kapatid ko na isang taong gulang na.

"Saan mo naman dadalhin?" pinagtaasan ako ng kilay ni Izel habang naglalaro ng Fortnite sa tv namin.

Nung pasko ay sumunod dito sila Izel at dito na din nanirahan pero minsan ay umuuwi ang mga magulang ni Izel sa Pilipinas dahil sila ang nagpapasahod sa mga nagbabantay sa mga luma naming mga bahay doon.

Nasa last year na din ako ng college at ang kursong kinuha ko ay architecture.

"Sa Japan, bakit?"

"Sama,"

"Sama daw siya? Selina?" tanong ko sa kapatid kong buhat-buhat ko at nakatingin lang sa akin gamit ang bilugan niyang mga mata.

"Ayaw niya," sagot ko kay Izel bago binaba si Selina at hinayaan siyang gumapang at maglakad kahit hindi pa naman siya masyadong nakakapaglakad.

"Tara laro tayo Tekken," yaya ni Izel pagkaupo ko sa tabi niya.

"Hinahamon mo ba ako na eksperto sa Tekken?" tinaasan ko siya ng kilay bago ngumisi sa kanya.

"The tables might turn this time, Aurelia," saad ni Izel bago tumawa ng malademonyo.

"So you're saying I'll lose to you?"

"Exactly," kasabay nun ay nagsimula na kaming mamili ng mga karakter na gagamitin namin.

"You fuck!" sigaw ni Izel sa karakter niya noong na knock out na naman.

Natawa ako bago binalik sa kanya ang console.

"Sa Jenga hindi mo ako matalo, sa Tekken pa kaya," I smirked before walking towards our kitchen.

Sila mama at papa ay umalis kasama sila tita ko na magulang ni Izel kaya kaming dalawa ang naiwan para bantayan si Selina. Pero may kasambahay din kami na nagbabantay din kay Selina.

"Peram account mo sa Netflix," saad ni Izel.

"Huwag mong papanoorin yung mga hindi ko pa natatapos ha?"

"Yes, yes,"

"Ate Annie, pabantayan po si Selina," saad ko sa kasambahay namin bago pumunta sa kwarto ko.

Kakamustahin ko lang sila Kylie na ngayon ay tapos na sa kanilang pag-aaral.

[Yo, nasa New York si Riza natin. May nakakita sa mga design ng mga gown niya kaya ayun napunta doon,]

"Ikaw? Nasaan ka?" tanong ko kay Kylie.

[Nasa rooftop ng building ng penthouse ni Ythan,]

"May tournament?"

[Oo, para sa pangalawang taon namin sa Worlds,]

"I'm bored." pumangalumbaba ako bago humikab.

[Buksan mo account mo sa FB,] suggest ni Kylie kaya tumango ako.

"Mamaya," saad ko kaya napabusangot si Kylie.

[Ay, bye na. Hinahanap na ako nila Sebastian,] tumango ako bago kumaway kay Kylie. Sinara ko na ang laptop ko bago napatingin sa phone ko na nakapatong sa tabi ng laptop.

Wala namang mawawala kung bubuksan ko ulit yung Facebook account ko.

Buti nalang at memorize ko pa iyong password ko kaya nabuksan ko na.

Napatingin ako sa napakaraming friend request sa akin.

Kasunod nun ay nag-download ako ng Messenger.

Wala naman masyadong nag-chat sa akin dahil siguro alam nila na inactive na ako sa FB.

Napansin kong mayroong message request na isa kaya tiningnan ko iyon.

Bahagya pa akong natigil noong nakita ko ang pangalan niya.

Vergel Perez.

Agad kong binuksan ang message request niya at doon ko nakita ang audio na sinend niya.

It was sent to me last year.

Tatlong araw pagkatapos kong umalis sa Pilipinas.

You'll always be a part of me
I'm part of you indefinitely
Girl, don't you know you can't escape me
Ooh darling
Cause you'll always be my baby

And we'll linger on
Time can't erase a feeling this strong
No way you're never gonna shake me
Ooh darling
Cause you'll always be my baby

Nakatakip ako sa bibig ko habang pinapakinggan iyon.

This voice.

I really know this voice.

Ngayon ko narealize na malalim ang nararamdaman ko para kay Vergel.

So.

Please, Lord.

Sana.

"Sana siya na ang para sa akin," wala sa sariling bulalas ko bago ko naramdaman ang pagtulo ng luha ko.

Ever since I'm young, I'm a fan of romance novels. I don't believe in love cause I believe that it only exists in the novels that I'm reading. Hindi ako naniniwala na mangyayari ang mga nababasa ko sa totoong buhay.

Sinasabi nila na masarap kung magmamahal ka.

Iyong palagi kang masaya kapag naiisip mo siya.

Minsan sa tuwing nagbabasa ako, napapatanong ako sa sarili ko kung mararamdaman ko din ba iyong mga nararamdaman ng mga bidang babae sa nobelang binabasa ko.

Iyong pakiramdaman na may nagmamahal sayo na isang tao na masarap magmahal kaya ang sarap din nilang mahalin.

Yung kapag minahal ka niya napapatanong ka nalang sa sarili mo kung deserve mo ba yung binibigay niyang pagmamahal sayo.

Pinahid ko na ang luha ko bago tumikhim.

Kung magkikita man ulit kami ni Vergel sa loob ng ilang taon, sana ako pa din.

Dahil doon ko masasabi na worth it ang paghihintay niya sa akin.

Ipaparamdam ko kung gaano siya kaswerte, dahil siya matagal niya nang pinatunayan kung gaano ako kaswerte sa kanya.

Kylie:
Gurl, nakita na kitang online kaya tinext kita.

Kylie:
Gaga! After one year and a half nagbabalik ka na sa epbi yey kung hindi ko lang sinabi baka forever ng bulok acc mo.

Kylie:
Welcome back!

Kylie:
Sana in the future, masabi ko ulit yung 'welcome back' sayo dahil nakabalik ka na dito sa Philippines

Napangiti ako sa huling text ni Kylie.

I will come back.

Tatapusin ko muna ang dapat kong tapusin dito sa Amerika at katapos nun ay siguradong babalik na ako at hinding-hindi na aalis.

Let Me Hear You (CRS #7)Where stories live. Discover now