12

109 5 25
                                    

12 : Aurelia

"Baka mamaya malasin yung team nila o kaya baka matalo sila dahil sa kanya,"

"Tigilan niyo nga siya," saway ni JC sa mga babaeng nasa likuran namin ngayon. Sila ang dating kong mga ka-team sa volleyball noong first year college palang ako.

"Tara na nga JC," yaya ko kay JC bago siya hinila palayo sa kanila.

"Bakit ganoon nalang ang galit nila sayo? Diba sila ang dahilan kung bakit lumipat ka sa Roundell?" natigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni JC.

"Saan mo nalaman yan?" seryosong tanong ko sa kanya kaya bahagya siyang natigilan.

"Sila ang nagpakalat," saad ni JC, naikuyom ko nalang ang kamay ko.

"Mga putanginang wala ng magawa sa buhay nila," bulong ko bago pinatunog ang mga daliri ko.

"Tara na, ayaw ko ng makita ang mga pagmumukha nila," tumango si JC bago kami nagsimulang maglakad.

Ngayon, sisiguraduhin ko talagang maipapanalo namin ang mga laban namin hanggang sa sila na ang makalaban namin sa huli, dahil papakitaan ko talaga sila.

Napangisi ako ng malademonyo dahilan kaya bahagyang kinabahan si JC dahil sa ekspresyon ko.

"Ano ba talaga ang nangyari? Matapos umalis nung captain niyo dati, umalis ka din diba?"

Ang captain namin noon na si Annika, umalis siya dahil sa pagkatalo namin noon sa isang laban namin na kapag nanalo kami, kami ang ilalaban sa Nationals.

Sinisisi niya ang sarili niya dahil sa tingin niya siya ang dahilan kung bakit kami natalo, at last year niya na din noon sa College.

Kung si Annika, sinisisi niya ang sarili niya sa pagkatalo, ang iba naman naming ka-teammates ay iba ang sinisisi.

At ako ang taong sinisini nila.

"Tsk, hindi na mahalaga yun," saad ko bago ko nakita ang pinsan ko na nasa isang stall at naglalaro ng Jenga sa isang lalaki.

"Izel!" sigaw ko kaya napunta ang atensyon niya sa akin dahilan para matumba ang Jenga dahil natamaan niya.

"Denise!" sigaw niya bago dali-daling lumapit sa akin.

"Diyan ka na muna? Batiin ko lang yung iba pang players," saad ni JC kaya tinanguan ko siya.

"Tae! Diko expect na makikita kita dito! Tsaka tara dun ka sa stall namin! Kung sinong ang mga manalo silang maniningil ng bente pesos sa kalaro nila na natalo," nagpahila na ako sa stall niya.

"Kaninong Jenga yan? Bakit parang pamilyar?" pinanliitan ko ng mata si Izel noong nagkamot siya ng ulo niya.

"Sayo," sagot niya bago ngumiti ng maluwang.

"Tara laro tayo!" saad ni Izel, ang lalaking kalaro niya kanina ay nakipaglaro na din sa amin.

"Woi matibay!" saad ni Izel noong nailagay ko na ang block sa tuktok ng Jenga. Medyo delikado na dahil mukhang matutumba na ang Jenga.

Napahawak ako sa dibdib ko bago ma-dramang nag-inhale at exhale.

"Ang baho," saad ni Izel kasabay nun ang pagtumba ng Jenga kaya napangisi ako dahil siya ang nakatumba.

"All right! Bente pesos mo nasan na," tanong nung lalaking nakalaro namin.

"Hi Denise!" natigil ako sa pagkuha ng mga blocks na nahulog nung marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Mag-audition ka muna," saad ni Vergel sa lalaking kalaro ko bago tumayo sa tabi ko.

"What? Para saan?" tanong nung lalaki kay Vergel.

"Mag-audition ka muna kung pasok ka ba sa standards ni Denise, bago ka pumila," seryosong saad niya, nagsalubong naman ang kilay ko habang nakatingin kay Vergel na kinukuha ang iba pang blocks na nahulog.

"Bakit ko naman gagawin yun---"

"Diko din alam," saad ni Vergel bago kinuha ang iba pang wooden blocks na hawak ko at nilagay iyon sa lamesang nasa harapan namin.

"Ayos ka lang?" tanong ko kay Vergel, napalingon naman siya sa akin bago ngumiti.

"Kusa nalang pumunta yung mga binti ko dito nung nakita kita, kaso nakita ko kung paano siya tumingin sayo..." tinuro pa ni Vergel gamit ang nguso niya iyong lalaki bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Alam ko yung tingin niya sayo eh kase ganoon din ako tumingin sayo kaso mas gwapo ako," saad ni Vergel kasabay nun ang pag-angat ng gilid ng labi niya.

Kanina para siyang bata na nagsusumbong pero ngayon hindi na.

"Oh, panalo si Denise san na yung pera niyo?" tanong ni Vergel, napatingin sa akin ang pinsan ko bago binigay ang bente sa kamay ni Vergel.

"Tsk, mukhang magandang mag-aral sa Roundell, noh Denise?" pabirong tanong ni Izel, inirapan ko naman siya.

"Sino siya?" tanong ni Vergel nung naglalakad na kami palayo sa stall ng pinsan ko.

"Pinsan ko yun," saad ko.

"Tara bili tayo nung corndog," yaya ni Vergel kaya sumang-ayon na din ako.

"Hi! Aurelia!" kinawayan ako nung lalaking nandoon sa stall ng corndog.

"Hi," saad ko bago bahagyang ngumiti. Kaklase ko siya nung first year at kapitbahay din namin kaya dapat batiin ko baka kase sabihin nila na ma-attitude ako.

Pagkatapos namin bumili ng corndog, nilabas ko ang phone ko para malaman ko kung saan kami magkikita-kita nila Kylie.

"Alam mo, may gusto akong gawin ngayon," saad ni Vergel habang naglalakad na kami, nawala ang atensyon ko sa phone ko at napatingin sa kanya habang kinakain ang corndog na binili ko.

"Anong gagawin mo?" tanong ko.

"I'd kiss you..." natigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya.

"Infront of anyone who has a crush on you," saad niya kasabay nun ang pagkindat niya.

"Ano kayang itsura nila nun," saad ni Vergel bago tumawa ng malademonyo. Natulala naman ako dahil sa sinabi niya. Nagsimula na siyang maglakad pero nakatayo pa din ako sa pwesto ko.

Napahawak ako sa dibdib ko nung maramdamang parang mas mabilis ang pagtibok nito kumpara sa dati.

"Natulala ka na diyan, baka mamaya isipin ko na bumilis bigla ang tibok ng puso mo dahil sa akin," saad ni Vergel habang nakatingin sa akin.

"Tara na," saad ni Vergel bago lumapit sa akin at hinawakan ang pala-pulsuhan ko. Hindi ko alam pero nakatulala lang ako habang pinapanood siya na dalhin ako sa kung saan.

"Bakit tinawag kang Aurelia nung lalaki kanina?" napatingin na ako sa kanya dahil sa tanong niya.

"It's my second name," sagot ko bago ulit kumagat sa corndog ko.

"Aurelia..." saad niya.

Why do I feel like, it's a music into my ears.

"Ang alam ko meaning nun ay 'golden', diba?" nagsalubong ang kilay ko bago nagsalita.

"Paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya.

"Ni-google ko," ngayon ko lang napansin na hawak-hawak niya ang selpon niya habang nasa screen noon ang 'Aurelia meaning'.

I stifle a giggle before nodding.

Kinuha ko ang pala-pulsuhan ko sa kanya bago nilabas ang phone ko at sinearch kung ano ang meaning ng pangalan niya.

"Goodluck," saad ko.

"Huh? Para saan?"

"That's the meaning of your name," napa 'O' ang bibig niya kaya nag-iwas ako ng tingin para hindi niya ako makitang nagpipigil ng tawa.

"Goodluck meaning ng pangalan ko pero malas ako sa lahat, sayo lang ako swerte," napabuntong hininga ako nung kinindatan ako ni Vergel.

"Bahala ka na nga dyan," saad ko bago siya nilagpasan.

"Oy wait---!"

Let Me Hear You (CRS #7)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora