01

194 6 37
                                    

Yieee! Nasa first chapter na siya! Hehe! Enjoy reading!
____________
_________
_____
__

01 : The guy who's singing

"Grabe Riza! Kung alam mo lang!" tahimik lang akong naglalakad sa tabi ng dalawa kong kaibigan na ang aga-aga bunganga agad nila ang naririnig.

"Napano ba?"

"Sinasabi ko sayo! May tumawag kay Denise! Ang gwapo ng boses!" bahagyang tumili si Kylie kaya napailing-iling nalang ako.

"Diba kakaalis lang nung ex mo? Bakit parang wala lang sayo?" pinanliitan ko siya ng mata, napanguso naman siya bago ako inakbayan.

"Hay nako Denise, hayaan mo muna kaming dalawa ng Markhus babes ko." saad niya bago ngumiti ng maluwang.

"Kahit madaming lalaki dito ang may magandang boses, sa kanya pa din ang paborito kong pakinggan," saad ni Kylie. Sa mga panahon na kasama ko si Kylie, ngayon ko lang siya nakitang may ganoong ekspresyon.

Ang ekspresyon na laging dine-describe sa mga librong nababasa ko. Ang ekspresyon na akala ko sa libro lang nakikita.

Pero ngayon, nakikita ko kay Kylie.

She really love her ex, huh?

Kahit kailan, hindi mo maisip na magkakaroon din ako ng ganoong ekspresyon. Ang ekspresyon ng taong naiisip ang taong mahal niya.

"Pati boses ngayon gwapo na noh?" tanong ni Riza bago ngumisi.

"Na-miss ka namin, gaga ka!" agad akong inakbayan ni Riza.

"Miss you too," saad ko bago napangiti.

I'm happy because I'm back again. Matapos alagaan ang lola ko, ngayon ay nagbabalik na ako, kahit second semester na.

"Ano girls? Bonding?" tanong ko sa kanila.

"Game ako,"

"Bonding para sa pagbabalik ni Denise at pag-alis ng ex ni Kylie," saad ni Riza dahilan para mapangiwi si Kylie.

"Tara canteen!" yaya ni Kylie.

"Lagay muna natin sa room yung mga bag natin," saad ko sa kanila kaya pumunta na kami sa room namin. Dahil maaga pa, unti palang ang mga kaklase namin na nandoon.

"Dito ka sa dating pwesto mo," saad ni Kylie bago tinanggal ang bag ko at nilagay iyon sa pwesto ko dati.

"Kaso sira yung armchair beh," saad ni Kylie bago tinanggal ang armchair ng upuan ko dahilan para lumaki ang mga mata ko dahil sa gulat.

"Tangina?" sabi ko.

"Palit tayo gusto mo?" tanong ni Kylie bago binalik ang armchair.

"Syempre," sagot ko bago kinuha ang bag ko at bag niya.

"Luh," saad niya bago naghanap ng kaklase namin na lalaki para ipagpalit ang mga upuan namin.

"Hoy! Devin halika nga dito,"

"Napapano ka na naman?" tanong ng isa naming kaklase na nangangalang Devin.

"Pagpalit mo to," tinuro ni Kylie ang mga upuan namin.

"Diba ikaw yung kaklase namin dati?" tanong ni Devin.

"Oo siya yun, kaya dalian mo na," saad ni Kylie.

"Nagmamadali ka ha? May date ka? Ha?" nakangiwing tanong ni Devin bago pinagpalit ang mga upuan namin.

"Pupunta kaming canteen kaya dalian mo diyan," saad ni Riza.

"Eto na, eto na," napailing nalang ako sa tatlong kumag.

Sa panahon na wala ako dito sa room na ito, madami na ang nagbago. Pero ang mga pwesto namin kagaya nung first day ay hindi nagbago.

"Parang pamilyar ka sa akin," isang babae ang lumapit sa akin.

"Si Denise yan, kaklase natin yan nung first week," napatango ang babae bago ako pinanliitan ng mata.

"Yung katapos ng first week bigla nalang nawala?" tanong niya sa akin, tiningnan ko lang siya. Ang tingin ko ay ang tingin na pinapakita ko sa tuwing nang-ju-judge ako.

Judgemental ako eh lalo na kapag kasama ko ang dalawang gaga kong kaibigan.

"I'm Reyna," saad niya bago naglahad ng kamay.

"Denise," sagot ko bago tiningnan ang nakalahad niyang kamay.

"Aguy, halatang mataray," saad ni Reyna, tinaasan ko lang siya ng kilay. Binaba ko na ang bag naming dalawa ni Kylie bago hinawakan ang pala-pulsuhan nilang dalawa ni Riza.

"Tara, gutom na ako," saad ko sa kanila.

Gagong Kylie, ang aga niya akong ginising tapos hindi pa ako pinakain ng almusal.

"Oo nga pala, gutom na pala alaga ko," inakbayan ako ni Kylie bago niya din inakbayan si Riza.

Ako ang pinakamatangkad sa aming tatlo kaya medyo nakayuko pa ako.

"Bait ni Denise, yumuko pa para lang maakbayan ko. But that doesn't mean you're going to Heaven," sinamaan ko ng tingin si Kylie na ngumiti bago kami naglakad tungo sa canteen.

"Bili tayo ice cream," saad ni Riza.

"Yung may mochi?" tanong ni Kylie.

Nakatingin lang ako sa kanila habang nag-uusap sila kung ano ang bibilhin nila sa canteen. Nakakamiss ang ganito.

Tahimik lang akong tao, kaya aakalain ng iba na mataray ako. Minsan lang naman eh. Kung ipagkukumpara ako ng iba sa mga kaibigan ko, ako ang mas mabait kesa sa kanila.

"Oh? Anong nginingisi mo diyan? Bakit parang may iniisip ka na hindi maganda tungkol sa amin?" pinanliitan ako ng mata ni Riza, sumunod naman si Kylie. Napabuntong hininga nalang ako sa kanila.

Karating namin sa canteen, bumili kami ng sandwich at ng strawberry milk. Medyo dumadami na din ang mga tao lalo na sa canteen kaya naisipan namin nila Riza na maglakad-lakad.

"Sinasabi ko sayo Riza! Akala ni Denise tatay niya yung tumawag nun eh," napabusangot nalang ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa din maka-move on etong si Kylie sa nangyari kagabi.

But damn, hindi din ako maka-move on eh.

"Denise niyo tulala na naman," saad ni Kylie. Inirapan ko lang siya bago nilagay sa bulsa ko ang balat ng sandwich.

"Ngayong wala na si Markhus, may bago ng singer ang room natin," saad ni Riza.

"Sino?" tanong ni Kylie. Dahil nag-drop ako dati, hindi ako maka-relate sa kanila.

"Vergel," agad na naubo si Kylie kaya dinaluhan ko siya.

"Sige, ako na bahala sa kabaong mo." saad ko.

"Tae ka, nakakasira ng tenga yung boses ng baklang yun!" singhal ni Kylie.

Kung sino man ang lalaking sinasabi ni Kylie, sigurado akong masasaktan siya dahil sa sinabi ni Kylie. Lalo na kung feeling singer ang taong iyon.

"Ay papis," saad ni Kylie sabay tayo ng tuwid nung may dumaan na mga lalaki sa harapan namin.

"Basketball player?" tanong ko sa kanila.

"Oo," saad ni Riza.

"Tara, punta muna tayo sa court nangangalay na paa ko," yaya ni Kylie. Wala naman akong choice kung hindi sumama.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa court, isang lalaki ang nakita ko sa gitna ng stage sa loob ng court. He's holding a guitar and singing. Damn, he has deep voice.

"Who's that guy?"

"Ha?" kumunot ang noo ni Kylie.

"The guy who's singing, what's his name?" nagsalubong ang kilay ko matapos mapansin ang nakakalokong tingin sa akin ni Kylie. May kakaiba na naman sigurong naiisip ang gaga.

"Ah, si Vergel. Yung bagong singerist ng room natin," saad ni Kylie bago sila ngumisi sa akin ni Riza.

Let Me Hear You (CRS #7)Where stories live. Discover now