19

89 4 24
                                    

19 : Purple lilac

Napahikab ako habang nag-di-discuss si Mrs. Carabeo na adviser namin. Kagaya ko, mukhang inaantok din ang iba kong mga kaklase pero merong isang tao ang kanina pa masigla sa klase.

"Okay, now think critically class. How the past influences the present and the future?" tanong ni ma'am at kagaya ng sinabi ko, may isang tao na sobrang sigla na halos lahat ng tanong ni ma'am siya na ang sumagot.

"Yes, Mr.Perez,"

"The experiences we are having today were likely shaped by the past events we have been through. The past and future are actually not so different---"

Nag-ring na ang bell kaya ibig sabihin nun ay break time na. Agad na napatayo si Riza dahil kanina pa daw siya gutom.

"Ano bibilhin natin? Magkanin tayo," saad niya kaya tumango ako, isang bulto naman ang naramdaman ko sa may tabi ko kaya agad akong napalingon sa bultong iyon.

"Hi," parang batang kumaway si Vergel habang nakangiti.

"Para sayo," isang lunch box ang inabot niya, tinanggap ko naman dahil baka bigla nalang siyang malungkot kung hindi ko tatanggapin.

"Luto ni mama," saad niya kaya nawala ang pagtataka ko sa mukha ko.

"Anong ulam?" tanong ko bago tinanggal ang takip ng lunchbox kaya kumalat ang masarap na amoy ng chicken curry.

Wow.

"Ang bango noh? Favorite ko yan," saad naman ni Vergel, tumikhim si Riza sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Salamat sa ulam, ibabalik ko nalang mamaya itong lunchbox," nginitian ko si Vergel na tumango lang sa akin.

"Sige pala, pakabusog ka ha," saad niya bago sumama kila Renzo na kanina pa siya hinihintay sa may bukana ng room namin.

Makahulugang ngumiti si Riza kaya napanguso ako bago siya niyayang pumunta na sa canteen. Siguradong magkakanin kami dahil may ulam na kami.

"Tawag daw mamaya si Kylie sa atin---" natigil ang pagsasalita ko nung biglang nag-ring ang selpon ko.

"Sagutin ko lang," tinanguan lang ako ni Riza na kumakain.

Tiningnan ko ang caller, at noong nakitang si papa ko ang tumatawag agad ko iyong sinagot.

"Pa?"

[Nak, kumusta ka na?] napangiti ako noong marinig ko ang boses ni papa.

"Ayos lang po, kasalukuyan po kaming kumakain,"

[Ganoon ba? Pasensya ka na kung tumawag ako habang kumakain ka. May sasabihin lang kasi ako,]

Medyo kinabahan ako sa gustong sabihin ni papa. Halos mag-da-dalawang buwan na ako dito sa Roundell University pero sana naman ay walang masamang nangyari sa bahay na magiging dahilan ng pag-uwi ko sa amin.

[Anak, buntis si mama mo,]

Napasinghap ako sa sinabi ni papa bago napatingin kay Riza ng may maluwang na ngiti sa mga labi ko.

Let Me Hear You (CRS #7)Where stories live. Discover now