10

125 7 21
                                    

10 : Blushed

"Tae, hindi ako sigurado doon sa sagot ko sa English," kinakabahang sabi ni Kylie habang  nagpapalit kami ng damit dahil may practice kami ngayon.

"Practice match pala natin ngayon noh? Tas kalaban natin yung dating mga ka-team ni coach," saad ni Riza habang hinihintay kami ni Kylie na magbihis.

"Hala, baka malalakas yung mga yun! Rinig ko may ka-team dati si coach na magaling sa jump float," mas lalong kinabahan etong si Kylie dahil first time niyang makipag-practice match sa ibang school.

"Hayaan mo na, setter ka naman eh halos sa akin lahat mapupunta yung mga serve nila," saad ko bago tinali ang buhok ko ng ponytail.

"Paano kung magaling yung setter nila?"

"Gaga si Thea yung magiging setter nila diba?" saad ni Riza.

"Magaling din si Thea noh! Baka nga siya yung mapiling setter na lalaban sa Inter-high tapos ako bench warmer," saad ni Kylie bago bumusangot.

"Mamaya na din pala sasabihin ni coach yung mga players na nasa starting line up," saad ni Riza.

"Tara na," yaya ko sa kanila kaya lumabas na kami ng banyo at pumunta na sa court. Dahil may practice match kami, hinayaan kami ng mga boy's volleyball team na gamitin ang court kahit na sila ang dapat na gumamit ngayong araw.

"Kylie! Denise! Tara warm up!" agad kaming lumapit kila ate Julia noong binaba na namin ang mga gamit namin sa bench.

"Ihanda niyo na ang mga gamit na dadalhin niyo bukas, dahil bukas na ang alis natin papuntang Tinajero," saad ni coach pagkatapos naming mag-warm up.

"Ang mga kasama sa starting line up natin, o yung mga players na maglalaro, si Denise, Julia, Veronica, Christy, Rose, Mary at Kylie," narinig kong napasinghap si Kylie dahil nasali siya sa mga napiling maglalaro.

Napalingon ako kay Thea na nakangiti habang nakatingin kay Kylie na kinakausap na siya.

Buti naman at walang problema sa kanila, pero alam kong gustong-gusto din maglaro ni Thea sa court.

"Mayroon tayong tatlong wing spiker, dalawang middle blocker, isang setter," nakinig na ako sa sasabihin ng coach namin dahil iyon ang magiging line up namin sa laro.

"Ganito, defense muna tayo sa unang round, pag-aaralan muna natin kung paano umatake ang kabilang team, okay?"

"Sa front row si Kylie, Mary, at Christy," paliwanag ni coach bago pinakita sa amin ang drawing kung saan kami pu-pwesto.

"Si Denise at Julia ang magpapalitan," nakinig lang kaming lahat sa mga strategies na gagawin, pinag-usapan din namin ang synchronized attack na ilang beses nilang pinag-aralan.

"Gusto niyo ba makita yung quick attack namin ni ate Julia?" nakangising tanong ni Kylie nung tapos na ang meeting namin.

"Sa laban mo nalang ipakita," saad ni ate Julia bago inakbayan si Kylie.

"Nasa gate na daw yung team na makakalaban natin, sunduin ko lang," saad ni Riza.

"Kuha lang akong tubig," saad ko sa kanila bago kinuha ang tumbler ko at lumabas ng court.

"Hi,"

"Ay! Shet!" napahawak ako sa dibdib ko nung biglang lumitaw sa paningin ko si Vergel na may malaking ngiti na naman.

"San punta?" tanong niya bago ako sinundan.

"I'll get some water," sagot ko sa kanya para tigilan niya ako, pero hindi niya pa din ako tinigilan.

"Parang gusto kong pasuot sayo yung jersey ko kagaya nung ginawa nung dating captain," rinig kong bulong ni Vergel habang naglalakad kami papunta sa kuhanan ng tubig na nasa building ng mga first years.

"Hell no, baka ipalaba mo pa sakin yan," saad ko bago siya inirapan at inunahang maglakad.

"Bakit ko naman papalaba sayo? Ayaw kong mangulubot kamay mo atsaka mabango ka naman kaya bakit lalabhan mo pa?" hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at kumuha nalang ng tubig at pinuno ang tumbler na dala ko.

"Diba bukas na yung pag-alis natin papuntang Tinajero? Gusto mo tabi tayo sa bus?"

"Akala mo naman mangyayari yun," saad ko sa kanya bago uminom ng tubig mula sa tumbler ko.

"Lahat ng ginagawa mo nagugustuhan ko, normal pa ba ako?" tanong niya bigla kaya nagsalubong ang kilay ko bago siya tiningnan.

"Hindi ka naman talaga normal," saad ko bago tinakpan ang tumbler ko at nagsimulang maglakad pabalik sa court.

"Pero para sa akin normal lang na magustuhan ko ang lahat sayo dahil gusto kita," saad niya.

"Alam mo? Naiirita na ako sa panggugulo mo,"

Sarap mag-spike ng bola sa mukha netong kumag na toh eh.

"Atleast may nararamdaman ka para sa akin, kesa yung wala at hindi ako pinapansin," saad niya bago nagkibit-balikat. Napabuntong hininga nalang ako bago nilahad sa kanya ang tumbler ko.

"Pahawak," saad ko sa kanya bago tinanggal ang pangtali ko sa buhok para ayusin ang pagkakatili.

"Ganda mo talaga," saad niya. Pinigilan kong ngumiti baka kase lumaki ang ulo neto eh.

"Sabi nila mas magandang respetuhin ang babae kesa sabihan siya ng maganda araw-araw, pero alam mo kung ano ang ginagawa ko? nirerespeto kita tapos araw-araw pa kitang sinasabihan ng maganda, para malaman mo kung gaano ka kahalaga," agad ko siyang nilingon at sigurado akong namumula ang mukha ko.

"Akin na nga yan!" agad kong kinuha ang tumbler ko sa kamay niya bago naglakad palayo, kasabay naman nun ang pagtawa niya.

"Denise! Kahit hindi mo naririnig araw-araw na sinasabihan kita na maganda ka, wag kang mag-alala sa isip ko palagi ko iyong sinasabi!" halos takpan ko na ang tenga ko nung marinig ko ang sigaw niya.

Napapatingin tuloy sa akin ang mga estudyante dahil sa sinisigaw niya.

"Hoy anong ganap senyo?" tanong ni Kylie nung makita ko siya sa bukana ng court.

"W-Wala!" saad ko bago nagmamadaling pumasok sa court at dumiretso sa bench kung nasaan ang mga gamit namin.

Did I just blushed?!

Napahawak ako sa mga pisngi ko bago tulalang nakatayo.

Ganoon ba talaga kabulaklak ang bibig ng lalaking iyon?!

Let Me Hear You (CRS #7)Where stories live. Discover now