16

108 4 23
                                    

16 : Let me hear you

"Sino yan?!" malakas na tanong ni Kylie habang tulala lang akong nakatingin sa lalaking nakatingin din sa akin.

"Gago! Adrei?!" gulat naman na tanong nung isa naming kaklase.

"Ha? Napano?" tanong naman nung Adrei.

"Ikaw yung tumawag kay Denise noon?!" tanong naman nung isa pa naming kaklase, kumunot naman ang noo ni Adrei, na isa pala sa mga kaklase namin.

"Aken na nga," kinuha ni Riza ang selpon sa kamay ko. Napansin kong napatayo si Vergel sa kinauupuan niya at nagtatakang tumingin sa amin.

"Anong nangyari?" tanong ni Vergel kaya napunta sa kanya ang atensyon ng iba naming mga kaklase.

"Wala, tinawagan lang ni Denise yung tumawag sa kanya noon tapos si Adrei pala yun," sagot ni Kylie sa tanong ni Vergel. Napaupo ako sa upuan ko bago uminom ng tubig sa baso.

Tangina, akala ko talaga si Vergel na yun eh.

"Ha?" rinig kong tanong ni Adrei at halatang wala pa ding alam.

"Guys, pinatay ko na yung tawag pero bakit parang may katawagan ka pa din Adrei?" nagdududang tanong ni Riza.

"Ha? Mga bugok, hindi naman si Denise yung tumawag sa akin. Si mama ko, ano siya? Mama ko? Sugar mommy---"

"Tumigil ka na nga," rinig kong saad ni Daniel.

"Oh, girl hindi daw si Adrei yun," saad ni Kylie nung umupo siya sa tabi.

"Well, that's good. I still hope it's Ver---" dahil nakainom ako hindi ko na napigilang sabihin iyon.

"Ha?!" saad ni Kylie bago gulat na napatayo.

"Gago! Vergel! Tingnan mo ang putanginang selpon mo na palaging naka-mute!!" malakas na sigaw ni Kylie dahilan para mapatakip ako sa tenga ko. Inis akong tumayo at hinarap si Kylie para sabunutan.

"H-Ha? Paano mo nalaman na naka-mute," kinuha ni Vergel sa bulsa niya ang selpon niya bago iyon binuksan.

Pinanood lang namin siyang mapasinghap at gulat na pinakita kay Kylie ang selpon niya.

"Gago! Tumawag sa akin yung prinsesa ko!" saad ni Vergel kaya nagsalubong ang kilay ko.

"What? Sino itong 'Paraluman'?" tanong ni Kylie, sumilip ako sa selpon ni Vergel at nakitang nag-missed call sa kanya iyong taong may pangalan sa phone niya na Paraluman.

"Yung Paraluman ng buhay ko," saad ni Vergel bago siya napatingin sa akin.

"Sino nga?"

"Si Denise,"

Bahagyang natahimik ang lahat sa sagot ni Vergel. Maging ako din eh.

"Paano mo nakuha ang number niya?" tanong ni Kylie, bahagyang humikab si Vergel bago sumagot.

"Diba binigay mo sa akin yun?" napatingin ako kay Kylie.

"Ay, oo nga pala. Hehe,"

"Kung tinatawagan mo ako, ibig sabihin yung number ko ay na sayo?" katapos niyang sabihin ang katagang iyon ay para siyang tangang kinilig bigla.

Napangiti ako bago kinuha kay Riza ang selpon ko.

"I'll call you one more time, so please answer it," saad ko sa kanya ng nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

Hindi ko alam pero parang ang sarap sa pakiramdam na nakatingin sa akin ang mga mata niya. Tapos parang gusto ng kumawala ng puso ko sa ribcage ko. Powta.

"I will," saad naman niya.

"Tabi-tabi, ngayon na magkakaalaman," saad ni Kylie.

"Pag-pe-pray ko kayo, Perez!" sigaw ni Renzo.

Pinindot ko ang call kasabay nun ang pag-ring ng selpon ng lalaki sa harapan ko. Sabay kaming napatingin ni Vergel sa screen ng selpon niya at doon ko nakita ang

Paraluman calling...

In-accept niya ang tawag ko bago nilagay iyon sa tapat ng tenga niya at tumingin sa akin. Ginawa ko din ang ginawa niya at hinintay siyang magsalita.

"Hi, miss. Na-miss mo ba ako?" parang bigla nalang nagkaroon ng mga paru-paro sa tiyan ko matapos marinig ang boses niya.

"Pwede ba kitang kantahan?" tanong niya ulit.

At doon ko nakumpirma na siya nga. Siya ang tumawag sa akin nung gabing iyon para lang kantahan ako.

"Let me hear you..." saad ko.

"Let me hear you sing for me again." saad ko bago ko naramdaman ang sarili kong ngumiti.

"Gladly," saad niya bago binaba ang selpon at humarap sa mga kasama niya.

"Peram gitara, kantahan ko lang itong si paraluman," saad niya sa mga kasama niya. Napahiyaw naman ang mga kasama niya habang sina Kylie ay lumapit sa akin.

"Gaga! Ano to? Wattpad story? Talagang kayo ang tinadhana," saad ni Kylie bago ako kiniliti.

"May pa let me hear you ka pa diyan," saad naman ni Riza.

"Hindi ko expect na may ganung ugali si Vergel," saad naman ni Reyna.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng nag-strum ng gitara, agad na tumabi sila Kylie kaya nakita ko si Vergel na nakaupo sa isang upuan at may hawak na gitara.

Oh ang isang katulad mo
Ay di na dapat pang pakawalan
Alam mo ba pag naging tayo

Hinding-hindi na kita bibitawan
Aalagaan ka at di pababayaan
Pagka't ikaw sakin ay prinsesa

O magandang diwata
Sana'y may pag-asa
Pag-ibig ko'y aking sinulat
At ikaw ang pamagat

I felt myself closing my eyes while listening to his song.

I admit, he has a beautiful voice.

Hindi ko ine-expect na maririnig ko ulit siyang kumanta, pero imbes na sa telepono nalang kagaya ng inaakala ko, sa mismong harapan ko pa.

"Kung sinuswerte nga naman ikaw pa ang natawagan ko nung gabing iyon," saad niya bago ngumiti.

"Anong trip mo at ginawa mo yun?" tanong ni Kylie.

"Tanungin mo si Daniel at Renzo, sila ang may pakana," saad ni Vergel bago tinuro sila Daniel na kumakain ng barbecue.

"Tangina, ang swerte ko naman," saad ni Vergel.

"Sabagay meaning naman ng pangalan ko ay goodluck," kinindatan ako ni Vergel kaya napairap ako.

"Lasing ka na talaga,"

"Slight lang naman eh, atsaka lahat ng nangyari ngayong gabi. Hinding-hindi ko makakalimutan," saad niya bago tumingin sa aking mga mata.

You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm fallin'and I am lost in your eyes
You make me crazier, crazier

"Bigla-bigla ka nalang kumakanta," saad ko sa kanya bago natatawang nag-iwas ng tingin.

"By the way, congrats. Pasok kayo sa Nationals," saad ko sa kanya.

"Salamat, sayo din congrats."

"Di nga kami nakapunta sa Nationals," saad ko bago ngumuso.

"Kahit na, umabot kayo hanggang third day. Proud pa din ako sayo," bahagya akong natigilan sa sinabi niya.

Kahit kailan wala pang nagsabi sa akin ng katagang iyon.

Proud siya sa aken?

Napatingin ako sa kanya habang pinapakinggan ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Let Me Hear You (CRS #7)Where stories live. Discover now