TWCIASA #59: Forget

35 3 2
                                    

TWCIASA #59: Forget

"Everything about you needs to be confidential because you will be part of his company. They can use you to pay off their company's debt so you need to be skilled. That's their hidden agenda, Zam. It's not that their company is big and competitive they also very rich, sometimes others have a lot of debt. So, this is Megan. She can help you as your secretary." Isang babaeng hanggang balikat lang ang buhok at presentableng tignan. Makikita mong may kalahating banyaga din siya siguro chinese o japanese.

"Hi, Ms. Zam. I'm Megan Howard. I've graduated in Harvard University in all of core business classes as Cumlaude. I know the intricacies of business." Pagpapakilala niya.

Tango lang ang itinugon ko sa kanya matapos ang pagpapakilala ni Mommy sa kanya. Nasa loob kami ng Agency.

Matapos non ay pinag-aralan namin ang pasikot sikot ng kumpanya ng Livingston University.

Kukunin ko ang kumpanya niya hanggang maghirap sila.

Pero sabi ni Mommy ay hindi ganoon kadali patumbahin sila dahil marami na rin ang gumawa non. Masyado daw silang mabagsik at sobrang talino. Kung pag-uusapan ang utak dito ay kailangan hindi lang natutunan mo sa paaralan ang magamit kung hindi sa mga nakakasama at experience sa mundo ng negosyo.

Nagsend sakin sila ng email by next week na may magaganap na meeting at ipapakilala ako as their one of their major stockholder dahil hindi biro ang pag-aaksaya ng 300 million para sa kanila.

Mayroon kami company dito sa Pilipinas pero sa ibang tao namin iyon pinapahawak. Sa mapagkakatiwalaang tao.

Dumating ang araw ng paghahanda at pagpapakita sa ibang tao. Makikilala nila ako bilang Zam Yuin. Hindi under ng Grayson. Kung baga ay hindi kilalang tao.

Nakikita ko ang mga matatanda sa loob at makikita mo talagang mga delikadong tao ang mga ito. Mga may edad at makapangyarihan lalo na ang mga ng tatay ng mga Livingston.

"Let's go inside, Miss Yuin."

Taas noo akong pumasok sa meeting hall.

"May I get your attention everyone? I would like to introduce the new major stockholder of Livingston Corporation. Miss Zam Yuin."

Pokerface akong tumingin sa lahat ng mga taong nandon. Agad na nagbulung bulungan ang mga matatanda doon.

Nakita ko ang magalang na pagsensya ng secretary ko para magsalita sa harap nila.

"Nice meeting you." Nagdiretso ang tingin ko sa tatay ng mga Livingston. Bahagya naman siyang nagulat pero nawala iyon ng ngumiti ako sa mga taong nandoon. Pero hindi ko inaasahang makita ang isang nakakakilabot na tingin. Yung ngiti ko ay biglang naglaho ng parang bula.

Isang buwan halos hindi kami nagkita...

Wala akong nararamdamang kahit ano. Pero hindi maaalis ang kabang dulot presensya niya.

Agad ko ring binalewala ang presensya sa kanya. At iniisip na sila ang taong pumatay sa Granny ko. Balewala na ang nararamdaman ko para sa kanya. Parang naging manhid na.

Nakipagshake hands ang iba bilang pagwelcome sa akin.

"Nice meeting you, Miss Yuin. Well, I think you should invest my company." Nangingiting sabi ng isang may edad na babae.

"It would be great madam." Sagot ko.

Sa isip ko ay gusto ko ng irapan ang matanda. Halos lahat naman sila ay ganon ang sinasabi sakin kung baga ay paiikutin mo ang pera. Mas maraming invest mas maraming tubo.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Where stories live. Discover now