TWCIASA #55: Hard

82 3 0
                                    

TWCIASA #55: Hard

Halos hindi ako nakatulog buong gabi at iniisip ang mukha niya. He was totally changed! He's a Greek God! Pati si Kendall ay nahuhumaling sa itsura niya. He's dangerous appearance. Napapikit ako sa mga ala-alang binigay niya sa akin. His kisses, touch-- What the hell Zam? He didn't even touch you! Sa legs lang! But I felt him! His omyghod. I'm not supposed to imagine this damn things.

Napailing na lang ako. Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Tumatawag si Val "Valentine". He's gay. Organizer siya ng gaganaping event ngayon sa The Hellenic Centre Marylebone.

"Hello?"

"Omg, Zamantha--"

"It's not Zamantha, Valentine. It's my initials! ZAM ONLY." Napairap na lang ako sa kawalan. Palagi niya akong tinatawag ng ganon kase mas bagay daw sa akin.

"It's only Val or Valerie! Valentine, Iww sounds like a boy!" Nandidiring sabi niya rin. "Btw, 6pm! Don't be late okay?!" Natawa na lang ako ng pinandirihan niya ang totoong pangalan naman niya.

"Okay. See you, Val!" Pinatay ko na ang tawag.

Pagbaba ko ay nandon na si Zin, Granny at Mom.

Yes, natanggap na ulit siya ng pamilya ulit namin. Noong una ay hindi talaga matanggap ni Zin dahil nga nawalan ako ng ala-ala. Pero wala siyang choice kung hindi tanggapin ulit yon. At okay na kami.

Hindi na rin naman nagbabanggit si Mom about sa Agency at kung ano ang nangyari 3 years ago. Hindi na rin naman ako nag-abala dahil bangungot lang iyon.

Bineso ko silang lahat at kumain na ko. Pagtapos ay dumiretso din ako sa kwarto ko para ihanda ang mga gagamitin sa events. Nang paalis na ako ay nakita kong nag-aabang si Kad sa labas. Kinunutan ko siya ng noo. Tinutuktok niya ng paa niya ang gulong niya at mukhang naiinip na sa kakaantay. Iniangat niya ang paningin niya napataas na lang ako ng kilay ng nagliwanag ang mukh niya. Napabuntong hininga ako at nilapitan siya.

"Uhmmm. Flowers for you." Sumalubong ang iba't ibang flowers sa mukha ko. Hindi naman na bago sakin ang mga ito dahil ginawa na niya na ito noon.

"I told you, hindi ako mahilig sa flowers. Kad. And please, wag mo ng ipilit--"

"Zam. Please.. give me a chance... I'll do everything! Ang hirap pigilan. Ang...hirap.." Frustrated na sabi nito. Hindi ko alam kung maiinis ako o maaawa eh.

"You know that I'm a heartbreaker, Kad. Alam mo yan--"

"Hindi ka pa ba nakakamove on kay Liam, Zam? Sobrang tagal na non!"

Nagulat ako sa sinabi niya. Magkaibigan kami as in close na nagsasabihan about sa ganon. Natuto akong makihalubilo sa New York pagbabago sa lahat. Sinabi ko din ang tungkol kay Liam pero hindi niya alam kung sino ang huling minahal ko.

"It's not that, Kad! I'm not ready to commit again, okay? Please? Kung ipipilit mo lang alam mo ang mawawala satin."

"I know, di baling mawala basta mapunta ka saken."

Napahawak ako sa sintido ko. Sumasakit ang ulo ko sa lalaling ito.

"Just accept it." Wala na akong nagawa at tinanggap ko na lang. "I'll drive you--"

"No thanks, Kad. I'll use my car." Sabi ko. Tinanguhan ko siya. Mabuti na lang at hindi na siya nagpapilit.

Nang palubog na ang araw ay dumiretso na ko sa Marylebone kung saan dito gaganapin ang big event. Nandito ang iba't ibang modelo sa iba't ibang bansa. Nangnai-set up na lahat ay nagsimula na ang event. Maraming tao at kadalasan ang mga businessman ang mga importanteng guest. Pinagtitignan ko ang mga tao ko. Nagthumbs up na lang sila kada makikita ko sila. Pinagtutunguhan ko lang sila. Nagfocus na ako sa trabaho ko. Kung saan saan ako napapadpad.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Where stories live. Discover now