TWCIASA #22: Final Project

767 34 5
                                    

TWCIASA #23: Final Project

Nakatulog naman ako. Tinignan ko ang oras halos 2 hours ang lumipas bago ako magising. Mas bumigat ang nararamdaman ko.

Bumangon ako at naramdaman agad ang bigat ng ulo ko. Kumirot iyon. Napahawak ako at hinawakan ito. Mas lumala pa yata ang sakit. Bumangon ako nakaramdam ako ng paglalagkit sa katawan kaya nagpasya akong maligo.

Hindi pa rin nawawala ang sakit ng ulo ko. Bawat pagkilos ko sobrang bagal. Hindi man lang ako makakilos ng mabilis dahil pati katawan ko sumasabay. Pagkatapos nun nagbihis ako at naglagay ng kung ano ano sa mukha. Dala dala ko naman ito dahil nasa kabilang side yung bag ko nilalagay ko doon pang emergency. Lalabas lang ako saglit nakakapagod mag-isa.

Hapon na. Ang ibang mga estudyante ay pakalat kalat lang sa Campus. Ang iba ay natingin sa akin at napagbulungan na naman ako. Mga chismosa talaga mga tao dito. Harap harapan pwede naman kapag nakatalikod na ako saka sila mag-usap usap.

Pumunta lang muna siguro ako sa unit ko. Mabagal lang ang lakad ko dahil kapag binibilisan ko sumasakit ang ulo ko. Napapamura na lang ako. Parang nananamlay ang mga binti at tuhod ko at ilang oras ay babagsak na ito. Tinignan ko ang paligid ko. Normal naman lahat ang ginagawa nila.

Paghakbang ko.

"Shit." Bigla akong nahilo at napakapit sa pader na malapit sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata. Para akong nablack out. Nanlalabo ang mga paningin ko at paulit ulit kong pinipikit ang mga mata ko. Para bumalik sa dati ang paningin ko. Napapailing na lang ako at napapakunot ang noo. Napabuntong hininga ako. Ilang sandali ay bumalik na. Nagsimula na akong maglalakad. Kahit hinang hina na ako pinipilit ko lang hindi ako pwedeng bumulagta dito.

Malapit na ang building ng unit ko. Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nahilo na agad ako at wala akong nakitang pwedeng masuportahan sa pagtumba ko. Hinihintay ko na ang pagbagsak ko ng may maramdaman akong mainit na katawan sa likod ko na siya sumusuporta sa likod ko. Pinikit pikit ko ang mata ko. Bigla niya hinawakan ang magkabilang braso ko para alalayang tumayo.

Itinayo niya ako at hinawakan sa braso para sumuporta. Nakahawak ako sa braso niya. Pinikit ko ang mata ko para makita kung sino ang lalaking nasa harap ko malabo siya. Nakita kong matangkad siya halos hanggang leeg niya ako. 6 footer ata ang isang ito. Malaki ang katawan niya. Nahahawakan ko ang balat niya. Malambot at makinis iyon. Parang sa babae. Naliwanagan na ang mga mata ko.

Pero biglang nagblack out kaya bumagsak ako buti na lang bumagsak ako sa lalaking nasa harap ko ngayon.

"Shit! Hey! What's happening to you?!" Naiiritang tawag niya pero halata ang pag-alala niyang naririnig ko. Niyuyugyog niya ako. Minulat ko ang mata ko.

Maliwanag na maliwanag kong nakita kung sino ang nasa harap ko ngayon. Maladyos na mukha. Palagi ko na lang sila idinidescribe kapag nakikita ko. Basta sobrang gwapo niya. Na pwedeng mong titigan siya maghapon dahil hindi ka magsasawa sa kakatingin. Ang mga mata niyang mapang-akit.

"Are you okay?" Ang boses niya na parang musika sa pandinig ko.

Sobrang lapit niya sa akin. Naramdaman ko ang kamay niya sa leeg ko. Nanlaki ang mga mata niya.

"Fuck! Ang taas ng lagnat mo!" Bawat pagtatagalog niya ay nakakatuwang pakinggan. Sobrang manly.

'Teka! Bakit ko ba pinag-aaralan ang mukha at boses niya?! Tandaan mo ang ipinunta mo dito sa Zam. Hindi porket ganyan kaga-gwapo ang mga iyan, ganyan na ang gagawin mo. Hindi mo misyon ang mamangha sa physical appearance ng mga yan!'

Bigla akong tumaas sa ere. Binuhat niya ako ng pabridal-style.

'Wtf?! O____O'

"I-Ibaba mo ko." Mahinang sabi ko. Nakadikit ako sa katawan niya at hawak hawak niya ang likod ko at ang hita ko. Napalingon na siya sa akin. "K-kaya ko na ang sarili ko." Sabi ko. At tinutulak ko ang dibdib niya para bitawan ako.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Место, где живут истории. Откройте их для себя