TWCIASA #17: Blue Slip

922 40 4
                                    

TWCIASA #17: Blue Slip

Nakita kong papalabas ng Discipline Office si Cj (Ian). Mukhang hindi niya ata ako napansin kasi malayo ako sa kanya.

"Hey!" Nakita ko si Janna papalapit sa akin. Nakaupo lang ako dito sa bench. Vacant ko naman kaya okay lang magpetics dito.

"May transferee na naman pala?" Sabi niya habang inilalagay ang bag niya sa tabi niya. "If I were him, aalis na ako dito habang maaga pa." Sabi niya.

"Bakit hindi ka umalis dito? Alam mong may kakaiba dito sa school, why don't you leave this University?" Nanlilit ang mga mata kong nakatitig sa kanya.

She chuckled. "Batas na iyon sa University. Sa oras na umalis ka..." Hindi na niya dinugtungan ang sinabi niya dahil may tumawag sa kaniya.

"Janna!" Sigaw nung kagrupo niya.

"Ah, sige Andrei. May gagawin pa kasi kami eh. Bye!" Sigaw niya.

Pinanood ko lang siyang lumayo sa akin at pumunta doon sa kasama niya.

Naglakad lakad na lang ako.

Mahigit 1 buwan na pala akong nandito. Marami na akong nalamang impormasyon. Pero kulang pa iyon. Marami pa akong kailangang malaman at maimbestigahan.

"Tss." Nabunggo ako sa isang lalaking matipuno ang pangangatawan. Halos hindi ako makagalaw dahil sa naramdamang aura sa kanya. Ang aurang iyon. Kilalang kilala ko.

'B-bakit siya nandito?'

"Tumingin ka sa dinadaanan mo, pede?" Sabi niya habang pinapagpag ang damit niyang narumihan lang ng konti.

Bumalik lahat ng ala-ala ko sa kanya. After so many years ngayon ko na lang siya nakita. Napapalunok ako. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.

Ang taong naging dahilan kung bakit ako naging ganito. Lahat nakatatak sa akin. Ang paggalaw niya, ang ugaling hindi mo maaalis sa kanya ang pagiging gentlemen at caring, maraming nagbago sa kanya. Nakikita kong naging mature ang itsura niya. At mas lalong naging gwapo sa paningin ko.

'Ilang taon na ang lumipas.'

"Miss, are you okay?" Tapik niya sa balikat ko. Tinig pa lang niya nagpapataas na ng balahibo ko. Ilang years na kong walang balita sa kanya nandito lang naman pala siya sa University na ito. Ang liit nga naman ng mundo.

"D-don't touch me.." Nauutal na sabi ko. Bakit siya nandito...

Napangiwi siya. Para bang nawiwirduhan siya sa mga kilos ko.

"Weird." Anas niya. Sabay alis sa harapan ko.

Mabilis akong naglakad. Lakad lang ako ng lakad. Dito ko pa talaga siya makikita. Bakit siya nandito? Di ba nasa London siya? Pano siya napadpad sa Pilipinas? Bakit dito pa? Kaya pumunta akong Pilipinas para kalimutan lahat ang mga masakit na nangyari.

Nagtago ako sa may pader. Ang lakas ng kalabog ng puso ko.

'No. Zam. Not again! Tapos na! Wala na!'

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Kde žijí příběhy. Začni objevovat