TWCIASA #46: Fake News

530 27 17
                                    

TWCIASA #46: Fake News

Sorry kung matagal po akong nakakapag-update. I promise mag-uupdate ako ng mas maaga para hindi kayo mabitin agad.

P.s. Wag niyo pong aawayin ang mga characters ko dito. Lahat po ng ginagawa nila ay naaayon talaga sa tadhana. Wag niyo pong pangunahan ang takbo ng storya. Parang pagmamahal pinapangunahan mo na sasagutin ka agad niya (Hugot) Hahaha. Pero totoo po. Sana suportahan niyo pa rin! Salamat.

***

NAKAHIGA ako ngayon sa kama ko at nakatingin lamang sa kisame ko. Masyado kong iniisip ang mga pangyayaring naganap kanina.

'Bumalik na siya.'

Bakit pa nga ba siya bumalik?

Nang oras na iyon ay parang huminto ang pagpintig ng puso ko. Kitang kita ko ang pag-igting ng panga niya nang makitang ginagawa namin 'iyon'. Hindi ko alam kung bakit rin ako sumang-ayon sa gusto ni Kiano. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko. Ginusto ko yung nangyari. Pero hindi ginusto ng puso ko. At pakiramdam ko ay hindi tama.

Itinabon ko ang unan sa mukha ko. Kung pwede ko lang patayin ang sarili ko ngayon. Bakit ba ako nagkakaganito ng dumating lang siya? Yung nararamdaman ko sa kanya, kinalimutan ko na iyon.

Dapat ay gumagawa na ako ng plano. Sila ang dahilan kung bakit kami hindi naging masaya.

Wala kaming kinilalang ama at ina.

Dapat iyon lang ang nasa isip ko. Kung paano ako maghihiganti sa kanila. Hindi lang dahil ito ang misyon ko kung hindi dahil nakatadhana na ako ang kumalaban sa pamilya nila.

Napapikit ako. At sobra akong naiinis dahil pumapasok ang imahe niya sa mga mata ko at hindi siya maalis sa utak ko.

Mas naging mature siya. Tumangkad na sa tingin ko ay mas matangkad pa ito kay Kiano at humubog ng husto ang katawan. Lumalim ang boses niya.

'Dad wants to see you.'

At yung mga matang hindi mo makikitaan ng kahit ano. Mukhang siya yung tipo ng tao na kahit masaya, malungkot, o iiyak man ay walang reaksyon. Hindi mo mababasa kung ano ang nasa mga mata niya, nasa utak niya. Tanging mga galaw lang niya ang makakapagsabi nito. Ugh! I hate thinking of him!

Bakit ba siya ang palaging nasa utak ko? Kahit pumikit ako nakikita ko pa rin siya.

Aminin ko man o hindi, I really miss him. Gusto ko ulit na..yakapin niya ako ng mahigpit. At iparamdam na pwede kami. Na kaya ko siyang mahalin ulit. Pero... Parang panaginip lang yun lahat. Hindi mangyayari, hindi panaginip kung hindi bangungot.

Tumayo ako sa pagkakahiga. Hating gabi at hindi pa rin ako makatulog. Kinuha ko ang jacket na may hood ko at sinuot ko iyon. Lumabas muna ako para magpahangin.

Walang tao sa paligid.

Sana ganito na lang palagi, tahimik at walang inaalala. Payapa lang siguro ang lugar na ito paggabi. Pero mukhang nagkakamali lang siguro ako, kahit gabi ay mas panganib rin.

Pumunta ako sa field. At tiningala ko ang ulo ko, kitang kita ko ang magandang tanawin sa kalangitan. Maraming bituin ngayon. Ang alam ko hindi naman sila nawawala sa umaga nandiyan lang sila natatakpan lang. Parang sa tunay na buhay, maraming taong nandiyan para sa atin hindi lang talaga natin makita dahil mas ginugusto nating mapag-isa.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant