TWCIASA #26: Stoneheart

1K 48 18
                                    

TWCIASA #26: Stoneheart

Alas 8 ng gabi magsisimula ang event. Kaya ang iba umaga pa lang ay nag-aayos na. Alam kong masaya ang mga ganito pero bakit ako lang ata ang hindi?

Si Zin ang mamake-up daw sa akin. Siya lahat ang mag-aayos. She volunteer to do it.

Kanina umaga may dala siyang bagahe. Nagulat na ako akala ko kasi dito siya titira sa unit ko. Sinigaw sigawan ko pa siya, yun pala hindi. Yung nasa bagahe niya ay puro pang-ayos kapag may party. Nagmamake-up siya ng mga model sa Singapore.

Inilatag niya iyon sa kama ko. Hindi ko alam kung ano ano iyon. Basta puro pangmake up may extension pa. May pangcurl ng buhok, blower, pangplantsa ng buhok at kung ano ano pa. Mag-aalasais na ng hapon (6). Pinipilit niya na akong maligo ulit sinabi ko namang mamaya na dahil masyadong maaga pa.

"No!" Sagot lang niya. Pero sa huli napasunod niya na rin ako. Dahil magmamake-up pa daw siya sa sarili niya at baka maubusan kami sa oras.

Natapos na akong maligo at nakasando lang ako at shorts. Binlower niya ang buhok ko hanggang sa matuyo. Sinimulan niyang ayusin ang mukha ko. Nilagyan niya ng foundation. Muntik na kaming mag-away.

"Yang mga foundation na yan ay hindi maganda sa mukha. Nakakasira. Huwag mong ilalagay sakin yan." Sabi ko. Dahil last time na nilagyan ako niyan nasira ang balat ko.

"Original lahat ang foundations ko. Your face will never destroy." Mariin niya sabi.

"Ayoko." Sabi ko.

"What? No! You need this!" Pagpipilit niya.

"I don't need that Zin!" Sabi ko.

"What the?! Hindi ito basta basta foundation lang! And this is different!" Sabi niya.

"Whatever you say! Just don't force me to put that thing on my face and I swear I will ruin your face, too." Sabi ko.

"Zam. We don't have enough time to be picky!" Sabi niya.

Buti na lang at napapayag niya ako. Nako binlackmail ba naman akong sasabihin niya ang identity ko. Eh ako naman itong si tanga naniwala. Bwisit. Kapag nalalagyan ako nito I felt so uncomfortable. Ugh!

Hindi naman niya masyadong kinapalan. Simple lang siya pero napakaelegante na agad ng mukha ko. Mukhang akong espasol.

Pagkatapos ng foundation naglagay siya ng liquid na kung ano man iyon. Hindi ko alam. Kinuskos niya ang mukha ko ng brush. Then, Nilagyan niya pa ako ng eyeshadow, extension ng eye lashes, liquid eyeliner. Sunod ay may inilagay siya sa ilalim ng chickbone ko.

"What lipstick color do you want me to put in your lips? Red or-" Pinutol ko siya.

"Wala." Sabi ko.

"No!"

"Lip gloss." Sagot ko ayaw ko naman ng lipstick talaga.

Sinabi niya waterproof naman ang nilagay niya sa mukha ko.

Isinunod niya ang buhok ko. Itinaas na lang iyon. Tinignan ko ang sarili ko. Ngumiti naman ako. Pinaalis na niya ako sa pwesto ko at siya naman ang aayos sa sarili niya. Naglagay ako ng earings, necklace, at bracelet na dala ni Zin para sa akin.

Kinuha ko ang gown ko. Nahirapan akong isuot dahil mahirap. Hindi ko alam kung saan ko padadaanin. Nagdesisyon akong padaanin na lang sa paanan ko dahil masisira ang ayos ng buhok at make-up ko kung dito ko pinadaan. Pero bago ko isuot iyon. Tumingin muna ako kay Zin. Seryoso siya sa pagmamake-up niya sa sarili niya.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Where stories live. Discover now