TWCIASA #54: New Life

75 3 1
                                    

TWCIASA #54: New Life

3 years passed...

"Hey, Zam! Let's dance, don't waste your time here. It's your GYLENS celebration. Don't tell me you will just sit here? Come on!" Nakakunot ang noo ni Zin sa akin. Natatawa na lang ako ng umirap siya sa akin at bumalik sa dance floor. Sumalubong pa sa kanya ang boyfriend niyang isa sa pinakasikat na model sa London at naghalikan pa. Napailing na lang ako. Liberated dito sa London kaya kahit kung anong gawin mo dyan ay hindi ka sisitahin. Ininom ko yung vodka na nasa harapan ko. Medyo tipsy na din kasi ako.

Celebration ng GYLENS dahil kalahating taon pala ay sumisikat na hanggang sa makilala sa buong mundo. GYLENS means GraysonYuinLens. At ngayon ang daming project na nito. Isa ako sa mga professional photrapher sa bansang ito. Kadalasan mga models ang subject ko at nag-eexhibit din. Ang GYLENS ang kinukuha kapag may malalaking event sa London.

Kinuha ko ang phone ko. Tinext ko si Kad.

Where are you?

Nagreply agad siya.

I'm on the way, Zam! Miss me? Hahaha.. :* Don't! I'm reserved for someone!

Napairap na lang ako sa kalandian ng lalaki ito.

Maya-maya ay dumating na siya. Nag-sipag apiran muna dahil kilala siya ng lahat dito. He's my bestfriend afterall.

"Zam! Congrats!" Tumayo ako ng nakangiti atsaka siya niyakap ng mahigpit. Namiss ko din itong buang na ito. Matapos ko kasing bastedin ay hindi na ako pinansin noon. He's really a nice guy. Pero nagka-ayos na rin naman kami.

"HEY! Wag mo masyadong higpitan at baka malimutan kong naka-move on na pala ko sayo!" Natatawang biro niya. He's Pinoy. Hindi lang siya bolero.. gwapo din..

Sinapak ko siya sa braso niya.

"Whatever!" Inirapan ko siya. Sinasbi niyang reserved na siya pero hindi ko pa nakikila ang babaeng kinahuhumalingan niya ngayon.

Maya maya ay lumapit sa amin ang mga kaibigan namin.

"Whazzup, dude!" Binati lang nila si Kad.

"Oh, Bright! How are you? Long time no see! Sinagot ka na ba ng nililigawan mo? Sana hindi!" Nagtawanan lang kami sa pagiging joker nitong si Kad sa lahat ay siya ang pinakaclose ko sa lahat. Si Bright, Katelyn, Cassio, and Leigh ang Circles of friends ko dito sa London. They are part of GYLENS. Mga half-pinoy at half -pinay ang mga ito.

"You idiot! Of course, Wait!" Umalis siya kaagad, hinanap niya ito. Syempre sumunod din kami ng tingin ng makita niya ay hinila agad papalapit sa amin. Pero may isang aura akong nakita sa dulo ng VIP madilim ang tingin sa akin. Biglang tumigil ang tibok ng puso ko at hindi makapaniwala.

"Hey, Zam! Where are you? This is Diana. She's very beautiful, right?"

Napabaling ako sa isang angelic ang mukha. Nawala ang kaninang tinitignan ko.

"Y-Yeah.. She is." Nakangiting sabi ko. Pero ng ibinalik ko na ang tingin ko doon ay nawala siya. Nagpalinga linga ako pero wala talaga. Napabuntong hininga ako guni guni ko lang iyon. Imposibleng nandito siya. 3years na ang lumipas imposibleng magpakita pa siya tahimik na ang buhay ko.

Nagpatuloy ang kasiyahan namin. Medyo lasing na rin ako. Hinila ako ni Kad at sumayaw kami sa dance floor natatawa na lang ako kase pinapaikot ikot niya eh nahihilo na nga ako.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Where stories live. Discover now