TWCIASA #45: He's back

542 29 23
                                    

TWCIASA #45: He's back

Pasensya na at ngayon lang po. Busy po talaga ako eh. Sobra. :'( Kaya sana magustuhan niyo po. :)

***

Minulat mulat ko ang mga mata ko. Nahihirapan pa akong imulat para na stock na ang mata ko. Nanlalabo ang paningin ko. Hindi ko masyadong magalaw ang katawan ko. Para akong naistock dito.

Tinignan ko ang paligid ko kung nasaan ako.

Tahimik.

Walang tao.

Mukhang nasa hospital ako. Hanggang sa dahan dahan akong tumayo. Naramdaman ko ang sakit sa tagiliran ko. Napapikit ako sa sakit. Naalala ko yung pagtama niya ng kutsilyo sa akin. Napakaraming aparato ang nakalagay sa katawan ko. Ganun ba kalala ang naging tama ko.

Buhay pa ko.

Napahawak ako sa ulo ko ng biglang may imaheng pumasok sa utak ko. Sobrang sakit nito at pilit na pumapasok ang mga iyon naramdaman kong may bandage ang ulo ko.

"Engot!"
"Mag-ingat ka nga!"
"Kapag tayo lumaki na. Papakasalan kita!"

Yung lalaking iyon. Yung lalaki sa debut ko na nagpakilala na pinangakuan akong magpapakasal kami paglaki namin. Kumirot pa ito.

"Oh, Apo. Sana magustahan mo itong regalo ni Lolo."

Naalala ko yung matanda din. Yung kapatid daw ni Lola.

Bakit? Bakit lumalabas ito isipan ko? Sinabi nila na nagkaroon ako ng temporary amnesia. At bumabalik na ito ngayon.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Sumalubong ang mukha ni Cj sa akin. Nagulat pa siya dahil sa pagkakagising ko. Pinikit pikit niya pa ang mata niya.

"TOTOO NGA! ZAM!" Patakbo siyang lumapit siya sa akin. "A-akala ko hindi ka na magigising." Malungkot na sabi niya. "Saglit tatawag ako ng Doctor." Agad siyang lumabas. "Doc! Doc!" Hanggang sa humina iyon nakita ko ang pagpasok ng isang doctor. Nagulat siya ng makita akong gising.

"You're finally awake Ms. Amphere. I thought you will not awake. It's a miracle." Napangiwi ako sa sinabi niya. Parang sa pananalita niya ay parang gusto niya akong matuluyan.

"Lahat kasi ng mga dinala dito ay hindi na nakaligtas." Seryosong sabi nito. Pumunta siya sa gilid ko at tinignan ako.

"You're the lucky one. Mabuti na lang hindi ganoon kalala ang pagtama ng kutsilyo sa vital organs mo. Buti na lang at naagapan at naidala ka dito sa hospital. " Dagdag nito. "And I'm happy that you already awake. Ipagpahinga mo pa ang katawan mo para tuluyang gumaling na ang mga sugat mo. And the bandage in your head, I didn't know na nauntog ka pala. So, I need you to drink you vitamins para maibalik ang lakas mo. Hindi biro ang dalawang buwan." Pagkatapos noon ay umalis na siya at naiwan akong tulala doon.

Dalawang buwan? Dalawang buwan akong nandito?

"Buti na lang nagising ka. Alam mo bang nag50-50 ka." Diretsong sabi ni Cj.

50-50? Agaw buhay? Muntik na. Muntik na kong mamatay.

Hindi ako umimik. Inayos ko ang pagkakaupo ko nakaramdam pa rin ako ng kirot. Buti na lang nakaligtas ako.

"Huwag ka ngang gumalaw!" Sigaw ni Cj sa akin. Tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"Hindi pa naman ako baldado. Kaya kong kumilos." Supladang sabi ko.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Where stories live. Discover now