TWCIASA #31: To be mine

702 42 3
                                    

TWCIASA #31: To be mine

Papaalala ko lang sa inyo na LIVINGSTON po ang apelyido nila. NOT LIVINGSTONE. OKAY PO? SALAMAT!

***

Matagal akong tumitig sa kanya. Para bang siguradong sigurado siya sa nalaman niya. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa.

"Hindi iyan sapat na ebidensya para maniwala ang lahat sayo." Sabi ko.

Tumawa siya ng mala demonyo. Nakakapang-init ng dugo. Yung ipinapakita niya parang kaplastikan lang lahat iyon.

"Isa akong Livingston. Mukhang hindi mo pa ata kilala ang tunay na kulay namin?" Sabi niya. Napahawak siya sa baba niya at mukhang nag-iisip."Well, after a few months you had only begun here. You don't quite know." Sabi niya. Ipinagcross niya ang arm niya. Hindi ko maalis ang mga tingin ko sa kanya. Galit at poot ang nararamdaman ko. Mabilis ang tibok ng puso ko.

"Hintayin mo ang pag-sikat mo. Andrei Marie Amphere." Nakangising sabi niya.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Nanlamig ang buong katawan ko. Itong kaharap ko maling mali sa inaakala ko mas malala pa pala siya sa demonyo.

"The weird commoner turns to popular. Napakagandang pamagat ng istorya mo, hindi ba? Hindi ikaw ang bida dito. Kung hindi ang mga kaaway mo." Sabi niya. I feel that he would put me in danger.

"Wala ka bang ibang sasabihin? O gusto mo pang mag-iwan ng mensahe para sa mga taong sumusuporta sa istorya mong... masisira na." Naiyukom ko ang kamao sa galit. Napakawalang hiya niya.

"Hintayin mo ang pag-sikat mo commoner. Pwede ka namang lumapit sa akin kung ayaw mong malaman ng lahat ang sikreto mo? Pero kung ayaw mo. Wala akong magagawa." Sabi niya. Hinawakan niya ang itim na hikaw niya sa tenga niya. Lumakad siya papalapit sa akin at binangga ako. Muntik na akong matumba dahil sa lakas niyon. Naisip ko na lang na walang baba-babae sa paningin nila.

"Hindi dapat nananatili ang isang katulad mo dito." Huling sabi niya.

Napaupo ako sa bench at bumuntong hininga ng malakas. Kilala na ako. Malapit na ang kamatayan ko. Kamatayan na mismo ang nag-hihintay sa akin.

Pero pwede ko namang pigilan iyon. At pakiusapan siya na wag iyong ipagsabi at itago na lang. What will I do?! I'm very very confused! Ano bang paiiralin ko?! Gustong gusto kong ibaba na ang pride ko pero may nagtutulak sa loob ko na wag tinatakot ka lang nila!

Napapikit ako. Napahawak ako sa noo ko anong gagawin ko?

Bigla na lang kumilos ang katawan ko at nagtatakbo. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Takot pa akong mamamatay. Hinanap ko siya. Tinakbo ko bawat building. Muntik na akong may mabangga dahil sa katangahan ng bumangga sa akin.

"Ano ba yan?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Tatanga-tanga eh!" Hiyaw niya. Hindi ko na lang siya pinansin. Kasalanan naman rin niya. Ngiting ngiti kasing hawak ang cellphone niya at hindi rin tumitingin sa nilalakaran. Ako pa ang sinabihang tatanga-tanga ha?

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu