TWCIASA #8: MRank

1K 41 0
                                    

TWCIASA #8: MRank

"Bakit walang CCTV sa loob?" Tanong ko sa kanila.

"May kapangyarihan sila para ipatanggal ang mga iyon. Kung anong ayaw nila sa school. Ayun dapat ang masunod. Sila na ang soon to be owner sa future ang mag mamay-ari ng University. Tinatakot ng mga bawat grupo. Kaya walang kakayahan ang mga students and teachers na magsumbong kundi papaalisin sila dito or kung anong gusto nilang gawin gagawin nila. Just like to KILL." Mahabang paliwanag nila.

"Paano niyo nalaman ang mga information na yan?" Tanong ko.

"Marami ng nagspy sa University na iyan. Kaya walang duda. Marami kaming alam. Pati background nila. Ang kaso.." Napatigil sila.

"Ano?"

"Napatay lahat ng mga nagspy diyan." Sabi nila.

Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko. Tama nga sila ito ang pinakamahirap na misyon sa lahat.

"Pero may isang nakalabas." Pagpapatuloy nila.

"S-sino?" Tanong ko.

"She's Arianna Cruz but her truly name was Andrei Marie Amphere. Na ginagamit mo ngang pangalan. Siya ang pinakamatapang na Agent noon na tumanggap ng misyon subalit hindi siya nagtagal sa lugar na iyan." Sobra ang mga naririnig ko. Parang pagkatao ko na unti-unting nabubuo. Eto nalalaman ko na ang bawat piraso na kulang sa mga nalalaman ko.

"A-anong ikinamatay niya?" Lakas loob na sinabi ko.

"Nakatakas siya put she was shot in her head." Napakagat ako sa labi ko.

'Hindi lang pala magspy ang kailangan ko gawin. Kailangan ko ring protektahan ang sarili ko. Means hindi imposibleng makapatay ako ng tao.'

Biglang nanlambot ang tuhod ko. Pumatay ng tao? Hindi ko yun makakaya. Hindi naman ako mamamatay tao.

"N-Nakapatay na rin ba si Andrei Marie Amphere ng tao?" Sabi ko. Halos magaralgal kong tanong. Hindi malabong sabijin niyang oo dahil kung ako ang tatanungin ay para madepensahan ang sarili niya. Hindi na ko magtataka pa.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα