TWCIASA #53: I'm your...

600 21 29
                                    

TWCIASA #53: I'm your...

Kamusta readers? Buhay pa ba? HAHAHAA 

***

"Zam, Are you listening?" Mabagal akong tumingin sa kanya. Hindi ako nagsalita o kahit ano. Maraming kumakausap sa akin pero hindi ko sila kinakausap pabalik. Kumbaga hindi nila ako makausap ng maayos.

"Natrauma siya." Sabi na lang nung isang agent.

Gusto kong bumalik sa lugar na iyon para balikan siya. Pero sa utak ko sinasabing..

'Inilalagay mo lang yung sarili mo ULIT sa kapahamakan. Nagsakripisyo siya para makatakas ka. Mababaliwala yon kapag bumalik ka.'

Ayan ang tumatakbo sa isip ko ngayon.

"Maswerte siya at nakalabas pa ng buhay. Siguro kailangan na natin ulit na magpadala ng tao--"

"HINDI PWEDE!" Napasigaw kong sabi. Maski ako nagulat ako sa pagsigaw. Nagsasayang lang sila ng buhay don. Kung ako maswerte dahil may tumutulong saken. Hindi ko na lang alam kung anong pwedeng mangyari sa ipapadala nila.

"At bakit hindi? Pinadala ka namin don. Pero anong ginawa mo? HINDI KA NAMIN MASYADONG MAPAKINABANGAN!" Sigaw ng isang Agent na nakakataas.  Hindi ko sila makausap ng matino dahil takot pa din ako hanggang ngayon. Hindi nila alam ang pinagdaanan ko doon. "Bakit hindi mo samin sinabi na may ugnayan na kayong dalawa? Ang balita pa doon, matapos ka niyang patakasin siya naman ang pinapahirapan ng lahat." Nagulat ako sa panghuli niyang sinabi. Wala akong masabi na ang tanging tumatakbo sa isip ko ay bumalik doon. "Hindi mo ba naisip Zam? Lahat ng nangyari kay Andrei ay nangyayari sayo. Mukhang nahuhulog ka na rin pala sa kanya." Hindi ako nagsalita dahil alam ko naman na nahulog na talaga. "Pagkatapos ano? Papatayin ka na rin nila? Mag-ingat ka sa mga pinag-gagagawa mo. Isang maling galaw, tapos ka."

"Alam ko kung anong ginagawa ko. Hindi ka naman ang pinadala don. Para malaman mo ang lahat. May mga sikretong tinatago. Pero hindi alam ng lahat." 

"May gustong kumausap sayo at sa tingin ko maliliwanagan ka na." Tumingin siya sa kabilang pinto na alam namin lahat na ayon ang pinagbabawal na pasuking pinto sa lahat dahil ang lugar na iyon ang opisina ng may-ari ng Corin Agency. Maski ako ay hindi ko pa siya nakikita.

Lumabas siya ng pinto suot ang itim na kapa at nakamaskarang itim. Nakatitig lang ako sa kanya. Gusto kong makita kung sino ang taong ito.

Pero siya na mismo ang nagtanggal ng kapa niya at bumungad ang pangbabaeng katawan at bumungad ang mahabang kulot na buhok niya at maputing kutis. Dahan dahan niyang tinaggal ang maskara niya. Nakatitig lang ako sa magandang mukha niya. At hindi makapaniwala sa nakikita...

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon