TWCIASA #61: WHO?

39 2 4
                                    

MAY NAG-AABANG PA BA? COMMENT PO KAYOOO PLEASEEE <3

TWCIASA #61: WHO?

Iba ang tingin ni Jawrence sa babaeng dumating. Nakasuot siya ng magarbong kasuotan na mahahalata mong galing sa ibang bansa. Elegante siyang nakangiti sa mga bisita at nagpapalakpakan ang mga ito.

'Engagement party?'

"You look wonderful tonight, Ms. Andy Mallari. It's a privilege to meet you finally! How are you?"

Magiliw na ngumiti ang babae at muling nagsalita.

"Thank you, I'm glad to be back in the Philippines after such a lengthy absence... as well as meeting my fiancée." Sabay tingin niya kay Jawrence na para bang lubusan niya itong kilala.

Natapos ang pagpapakilala tanging mga galaw ng babaeng to ang tinitignan ko, she looks familiar...

Hindi ko alam kung saan ko siya nakita at sobrang pamilyar ng mukha niya. Someone in the past maybe pero hindi ko matandaan. Di bale na kailangan kong kumilos para maisagawa ang mga plano ko. Nagtuloy tuloy ang event at ang pamilya ni Jawrence, hindi kasama ang mga kapatid niya dahil si Jawrence lang ata may interes pagdating sa negosyo.

Pero hindi ko alam ang mararamdaman ko na matapos may mangyari samin ni Jawrence...hindi.. Hindi ko na dapat iniisip ang nararamdaman ko hangga't maaari ay kailangan ko na isantabi ito at kalimutan.

Hindi ko na alam na nakailang kuha na ko ng wine dahil ito lang ang naging libangan ko sa bawat oras. Nakita kong papunta siya sa bathroom pero agad ko din napansin na hila hila na siya ni Jawrence papunta sa pribadong luga na hindi napapansin ng mga tao.

Kakaibang dulot ang naramdaman non sa dibdib ko, hindi ko alam pero dinala ako ng mga paa ko papunta sa kanila.

"Panong nangyare at buhay ka, Ririe?" Bakas sa mga mata nito ang gulat at hindi makapaniwala na nasa harapan niya ang babaeng iyon.

"Bumalik ako para sayo, Rence..." Nakatalikod sa akin si Jawrence habang ang babae ay nakaharap sa akin mabuti na lang may pader na pwedeng pagtaguan.

"Hindi inaakalang mabubuhay ka....."

"Ako din, pero lumaban ako. Kinalimutan ko lahat ng mga nangyare at.. at.. pede na tayong magsimula ulit. Handa akong pakasalan ka, Rence. Wala ako sa harap mo kung hindi ako lumaban para mabuhay. " Hinawakan nito ang mukha ni Jawrence at maluha luha itong tinignan.

"Arianna..." Hinawakan niya ang kamay nito.

Arianna...

Arianna...

Arianna...

Arianna...

Halos huminto ang puso ko ng marinig ang pangalan na yon.

Siya si Arianna Cruz...



Ang babaeng spy noon na namatay na kung saan ako ang pumalit. Siya ang pinakamamahal na babae ni Jawrence. Ang may-ari ng pangalang Andrei Marie Amphere.

"Bakit ka bumalik? Delikado pa rin ang buhay mo lalo at buhay ka--"

"Hindi na nila ako magagalaw, Jawrence... Protektado na ko. Nung mga panahon na akala ko mamatay na ako hindi ko aakalaing magigising ako na wala nang naaalala. Hindi ko alam kung nasaan ako.. Takot na takot ako Jawrence.. taon ang ginugol ko para ibalik lahat ng mga ala-lang nawala!" Narinig ko ang paghagulgol niya.

"I-I'm sorry...kung yung mga panahon na yon ay wala akong magawa. Hindi kita maprotektahan, hindi kita magawang ipagtanggol, hindi kita nagawang iligtas. Patawarin mo ko, Ririe..kasalanan ko lahat.." Nakita ko ang pag-iling ni Arianna sa kanya at ang mabilis nitong paglapit sa mga mukha ni Jawrence. Napatago ako dahil hindi ko kayang makita iyon at alam ko ang ginawa niya sa kanya.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Feb 12, 2022 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Onde histórias criam vida. Descubra agora