TWCIASA #60: Merging

59 6 1
                                    

TWCIASA #60: Merging

Nang makauwi na ako ay hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdid ko. Nanlalamig pa rin ang mga kamay ko. Dumiretso ako sa kwarto ko kaagad para magshower. Hindi ko alam para akong nilalamig na naiinitan.

'I want that kind of moan.'

Agad nagmulat ako sa narinig ko sa isip ko. Nagtingin tingin ako sa paligid ko kung may tao ba. Para na akong nababaliw na baka sumulpot siya bigla sa tabi. What the hell, Jawrence?! Bakit kailangan pang pumasok ka sa utak ko?

Napailing na lang ako at tinapos ang pagshower ko. Paglabas ko ay nandoon si Zin. Hindi ako umimik ng makita siya dumiretso ako sa kama ko at tumalikod banda sa kanya. Kinuha ko ang cream at pinaglalagay sa mukha ko.

"I-I just want to say sorry." Panimula niya.

Napahinto naman ako agad.

"Maybe I'm scared.. no.. I-I'm really scared. I don't know what  I'll  do  to keep us away from that family  now that Granny is gone if you're 
not afraid for our lives. Your 
vengeance is something I'm terrified of. At hindi malabong--" Napatingin naman ako sa kanya.

"Mamatay ako?" I chuckled. At tumayo para harapin siya. "Nung nasa loob ako ng University na yon ay maraming beses na nangyari yon.I was shot, beaten, and vomited blood all at the same time! 
Para san pa ang takot kung handa naman na ko?"

"Ready to die? Pano kami? Do you think it's fucking okay to see you die? What the hell? You're just thinking of yourself again, Zam!"

"I only do this for the sake of our family. I don't care what you think. Sisingilin ko sila sa lahat ng mga ginawa nila. Hindi pwedeng wala akong gawin, at hindi ako makakapayag na basta basta na nila tinatapos ang lahat. You can leave now. " Sabay tinalikuran ko siya narinig ko na lang ang pagbagsak ng pintuan. Napaupo ako sa kama at napayuko. Wala akong nararamdamang guilt sa sinabi ko. Kailangan kong magpakatatag. Nasimulan ko na to kaya tatapusin ko. Sisiguraduhin kong kukunin ko ang lahat ng tiwala nila pagkatapos ay pababagsakin ko sila.

Pinagplanuhan kong mabuti ang lahat. Yung tipong kukunin ko ang mayroon sila.

Marami ng meeting ang dumaan at hindi ko man lang siya naramdaman na tumingin or sumulyap sakin. Sobrang lamig ng pakikitungo niya maging sa lahat. Halos napapansin ko nanginginig ang mga secretary niya sa tuwing iaabot ang hinihinging folder.

"Can't you do your job? You're fired." Sabay itinapon niya sa sekretarya ang folder. Hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin.

"P-pero sir ito po--"

"You're fired." Wala ng nagawa yung babae at nangingilid ang mga luha na lumabas ng meeting room.

Napapailing na lang ang kanyang ama pakikitungo niya at masama ang tingin dito. He lays up a strategy for the company. The board of directors congratulated him when he finished it.

"Manang mana ka talaga sa Lolo mo, Jawrence. Congratulations!" Tinanguhan niya lang ito. Ganon din sa iba. Papaalis na ako ng makita ko pang nag uusap ang mag-ama. Napansin nila ata ang presensya ko. Muli siyang lumingon sa akin. Ito ata ang kauna unahang tumingin siya sakin matapos ang isang buwan. Ganon katagal.

Nakikita ko sa kanyang mata na parang wala na siyang pakialam pa sakin. Ngumunot ang noo niya at parang ang pinaparating na bakit kailangan ko pa siyang titigan. Pinutol niya ang tinginan namin at tumingin sa kanyang ama. At pinakinggan ang sinasabi nito. Bahagyang nagulat pa siya sa sinabi nito.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Where stories live. Discover now