TWCIASA #50: Escape

539 21 14
                                    

TWCIASA #50: Escape

Sorry po sa paghihintay! :)

***

Pagkatapos nang lahat ng iyon ay nawalan na ako ng malay. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng isang kwarto. Iginalaw ko ang sarili ko pero nakaramdam lang ako ng pagkirot.

"Don't move." Isang awtoridad na boses ang narinig ko. Parang nakalimutan kong huminga.

'Bakit ako nandito? Hindi ba dapat nasa clinic ako?'

"Breathe, commoner, breathe." Sarkastikong sabi niya. Napadako ang tingin ko sa kanya. Nakaupo lang siya sa gilid ng kamang ito. Kung hindi ako nagkakamali sa kanya itong unit. Humahalimuyak ang pabango niya sa bawat sulok ng unit niya. Parang isa iyong oxygen na kailangan mo palagi para mabuhay.

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Kinakabahan ako dahil malapit siya sa akin. Para siyang judge sa isang korte na kailangan mong galangin dahil siya ang magdedesisyon kung saan ang bagsak mo. Sa kulungan ba o kalayaan. Sobrang nakakatakot ang presensya niya. Para akong nasa kulungan ng isang tigre na lalamon sa akin. At kailangan kong mag-ingat dahil isa akong pagkain para sa kanya.

Masyado kang nag-iisip Zam! Masyado mong tinatakot ang sarili mo!

Napapikit ako. Ramdam na ramdam ko ang titig niya at inaabangan ang bawat paggalaw ko.

Isipin mong wala siya sa tabi mo. Isipin mong mag-isa ka lang sa kwarto.

"Eat." Malamig na pagkakasabi niya. Naramdaman kong kumukulo ang tiyan ko. Hindi ko siya pinansin. May naaamoy akong mabango sa gilid ko. Hindi iyon pabango niya kung hindi isang lugaw. "I said eat." Awtoridad na pagkakasabi niya. Gusto kong sigawan siya.

At sabihing MUKHA BANG KAYA KONG MAKAGALAW! WAG KA NGANG TANGA! SUBUAN MO KO! Pero mas pinili ko na lang manahimik. Bakit mo iniisip yon, Zam?! Subuan? Ano ka bata?

Naramdaman ko ang paggalaw niya. Pero hindi ko na lamang pinansin iyon. May tumapat na kutsara sa bibig ko. Nagulat akong bahagya.

"Open your mouth." Narinig kong sabi niya. Nanatiling nakatikom ang bibig ko. Napalunok ako.

Ayan na Zam! Susubuan ka na! Wag ka ng mag-inarte!

Hindi ako ngumanga. Parang may nagsasabi sa loob ko na, wag Zam. Malay mo may lason yan. At diretso ka niyang patayin.

"Wala tong lason." Sarkastikong pagkakasabi niya.

Oh ayan na Zam! Wala daw lason! Pakipot ka pa!

TUMIGIL KA NGA! Bwisit kang utak ka kung ano anong naiisip mo! Puro ka kalandian.

Hindi ko pa rin sinunod ang utos niya.

Binaba niya ang kutsara.

"If you don't like to eat, I will throw it." Malamig na pagkakasabi niya. Masyado akong nagyeyelo dito. Kung hindi siya magiging cold, magiging sarkastiko naman siya. Halos kanina iniligtas niya na ako. Tapos ganito pa rin siya. Ano bang merong ugali siya? Hindi ko siya mabasa!

Inaamin kong kumakalam na ang sikmura ko sa gutom. Lintek kang pride ka! Bumaba ka naman!

Narinig ko ang pagtayo niya.

"S-s-sanda..li.." Nahihirapang sambit ko. Kahit hiyang hiya ako. "I-I will e-eat..." Habang nakatingin sa kanya. Bumalik siya sa pagkakaupo. Sumandok siya sa kutsara at itinapat iyon sa bibig ko. Napalunok ako at ngumanga. Dahan dahan niyang ipinasok iyon. Hanggang sa maubos ko ang isang mangkok non.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Where stories live. Discover now