TWCIASA #42: The Truth

765 37 9
                                    

TWCIASA #42: The Truth

Happy 40k reads!

***

Matapos ang party ay nakatulala na lang ako buong maghapon. Nagkulong ako sa bahay ko. Iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi hindi ko na magawang pumasok ngayon. Hindi ako makapaniwala nang dahil sa misyon na ito ay nasira ang pagkatao ko. Sirang sira na sa mga mata ng mga tao, sa pamilya ko, at kinamumuhian na ako ng taong mahal ko. I can't pretend that I'm fine.

Ang ipinagtataka ko, sinong naglabas ng pictures and videos na iyon? I can't believe na ang lakas nitong sirain ang party ko. Higit sa lahat sa mismong araw na pinakahihintay ko noong bata pa ako. Debut namin..

Simula ng pumasok ako sa University ay talagang may nagmamanman na talaga sakin?

Paano nangyari iyon?

Sa kabila nang pag-iisip ay biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Ma'am, may bisita po kayo sa baba. Lola at kakambal niyo po." Sabi ng kasambahay ko sa bahay. Siya ang katiwala ko para bantayan ang bahay kung sakaling wala ako. Isa siya sa mga naging kasambay ni Granny. At isa pa iyon, hindi ko pa rin nakakausap si Granny. Wala akong kinausap kahit sino.

Pagkatapos noon ay bumaba na ako. Nakaupo lang sila sa may sala ko at tinitignan ang paligid ng bahay ko. May nakalagay na juice at cake sa mesa nila. Nang mapansin nilang nandito na ako ay agad na tumingin si Granny sa akin. She stand up. Samantalang si Zin ay pinaglalaruan lang yung chocolate cake na nasa harapan niya. Hindi ko maipaliwanag ang malamig na titig ni Granny sa akin. Alam kong wala siyang alam sa lahat na nangyayari. Nasira ko ang pangalan niya. Nasira ko ang pangalan namin. Napapalunok ako.

"We should talk." Maclass siyang tao. Kahit ramdam ko ang pagkadisappointed niya sa akin ay banayad pa rin siya magsalita at mahinahon. Ayaw niyang nai-stress pero sa palagay ko ngayon nai-stress na siya pinaggagawa ko.

Lumapit ako magkasabay kaming umupo sa sofa. Nanatili ang titig niya sa akin. Hindi ko magawang tumitig sa kanya o kahit isang sulyap man lang.

"What happened last night?" Panimulang sabi ni Granny. Bawat salita niya ay kinakabahan ako. Maaaring pagalitan niya ako nang ganitong oras.

Nanatili ako nakayuko at hindi sinagot ang tanong niya. Naiinis ako sa sarili ko.

"Look, Zandra." Kapag babanggitin niya iyon ay may kasama siyang 'apo' na inilalagay. Ganito siya kapag galit. "I honestly.. can't believed what happened last night. And I don't even understand what I saw." Nararamdaman ko na ang ipinupunto ni Granny. "Hindi ko alam na ganito na pala ang nangyayari sayo dito sa Pilipinas." Tinataggap ko lahat ng mga sinasabi niya sa akin kahit ang sakit na nun.

Umayos siya ng umupo. Dumiresto ag tingin ko sa kanya. Punong puno iyon ng pagsusumamo. Parang sinasabi nito I should stop this.

"It's looks like I became very complacent so that I don't even think your life will be this way. You're being independent for years." Dagdag niya. "Can you please, explain your side?" Habang sinasabi iyon ni Granny ay nakatingin lang ng diretso si Zin sa akin mukhang nakikinig lang.

"I'm not ready for this, Granny. I'm not ready to explain everything. There's no one can understand my situation. Please, not now. Granny.." Sincere na sabi ko.

Napabuntong hininga siya.

"I am your grandmother, Zandra. I am your family. And whatever happens, I will always understand you." Pagdidikdik niya sa akin.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt